"Magkakilala kayo?" Sabay na wika ni Tita Josephine at Jomari sa amin ni Ethan
"Actually Tita we are both studying in the same school." Wika ni Ethan kay Tita Josephine.
Napa tingin sa akin si Tita Josephine at tumango lang ako.
"Ah ganon ba, what a coincidence!" Masiglang wika ni Tita Josephine.
"Um Tita if you don't mind me asking ka ano-ano niyo po si Hyuna?" Tanong ni Ethan kay Tita Josephine.
"Ay! Hyuna is my very cute and pretty niece!" Masiglang wika ni Tita kay Ethan.
"True that Kuya Ethan!" Sulpot ni Jomari.
Namula ang aking mukha sa sinasabi nila tungkol sa akin habang si Ethan naman ay naka ngiting naka tingin sa akin. "I see that. But Jomari is more cuter than Hyuna." Sabay pisil ni Ethan sa Pisngi ni Jomari.
Napa taas ako ng isang kilay kay Ethan. "Eh Tita ka ano-ano niyo naman po si Ethan?" Tanong ko Tita Josephine.
"Ay, si Ethan naman kaibigan ko ang nanay niya at matalik na kaibigan ito ni Jomari!" Wika ni Tita sa akin. "At sobrang pogi ng binatang ito Hyuna!" Dagdag pa ni Tita.
"Ah ganon puba Tita? Eh mas pogi pa po anak ninyo kaysa kay Ethan eh." Wika ko kay Tita Josephine at paghihiganti ko rin kay Ethan.
He narrowed his eyes at me while si Jomari naman ay parang kinikilig sa sinabi ko.
"Thanks Ate Hyuna!" Sabay kindat niya sa akin. Weird ng batang ito.
"Osya tama na asaran! Kumain na kayo at sumabay ka na rin sakanila Hyuna!" Wika ni Tita sa amin lahat.
"Eh Tita kailangan ko na pong umuwi hinihintay ako nila mama at Ate." Wika ko kay Tita.
"Hala hayaan mo! I c-chat ko mama mo sabihin ko mag i-istay ka muna sa bahay namin lalo na nandito kaibigan mo at kaibigan din ni Jomari." Pagpapahayag ni Tita sa akin.
"She's right Hyuna." Pag sang-ayon ni Ethan kay Tita Josephine.
Wala akong choice kaya naman. "Sige na nga!" Wika ko sa kanila.
Ngumiti silang lahat at nag handa na ng pagkain si Tita Josephine sa lamesa, tinulungan ko ito.
*******************
Kasama ko ngayon sina Ethan at Jomari sa kwarto niya na nag lalaro ng game sa sari-sariling cellphone namin, team kaming tatlo at nasa kalagitnaan kami ng pag lalaro. Sigaw ng sigaw si Jomari kasama na ako habang si Ethan ay tahimik at seryosong naka focus sa game. Pag katapos ng ilang minuto ay nanalo kami.
"Hala victory!" Favourite kong line tuwing nanalo ako sa game sabay nag high five kami ni Jomari at nag high five naman sila ni Ethan.
"Ang galing ninyong dalawa, sana all." Wika ko sakanilang dalawa.
"Eh magaling ka rin naman Ate eh!" Wika ni Jomari sa akin.
"Not really, but she's getting there." Wika ni Ethan.
Napa ngiti lang ako sa kanila.
"Jomari!" Pag tawag ni Tita Josephine kay Jomari.
"Po! Teka lang ah tinatawag ako ni mama." Sabay tayo ni Jomari.
"Take your time." Wika ni Ethan kay Jomari. At lumabas na ito sa kaniyang kwarto.
Kami lang dalawa ngayon ni Ethan sa kwarto ni Jomari. At biglang nag notif ang cellphone ko galing sa mga messages.
BINABASA MO ANG
My Ideal Gamer
RomanceWe are all delusional when it comes to love. Similar to Hyuna Bonifacio who likes to watch Anime and K-drama; For her The Man of Her Dreams only exists with fictional characters. Then she met Denxel Santos, a half Korean and half Filipino guy from t...