Chapter 31

12 4 29
                                    

HYUNA POV


Papasok na ako ng college at maya-maya lang ay magsisimula na daw ang program. Dumiretso na ako sa assembly kung saan nakaupo lahat ang mga MBA at BSBA students, at pagkaupo ko ay napansin ko lahat ng mga babae naming estudyante na nakatingin sa harapan nila at nagbubulungan na parang kinikilig kaya humarap ako at nakita si Denxel na nasa stage na parang may inaayos sa kaniyang computer na gagamitin niya para mag present. 

Tumayo ulit ako at lumipat ng upuan sa hulian, dali-dali akong umupo at bumuntong hininga.

Marami-rami na rin ang mga estudyante na nasa assembly ngayon at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang program.

"Ms. Bonifacio?" Pagtawag sa akin bigla ng professor namin.

Napatingin ako agad sa direksyon niya sabay taas ng dalawa kong kilay dahil sa pagtataka. "Po?" 

"Kanina pa kita hinahanap bakit ka nakaupo sa hulian?" Nagtatakang wika ng professor ko.

Kahit ako ay nagtaka rin sa reaksyon niya like bakit siya nagtataka? 

Napatingin nalang ako sa paligid ko at napansin ko ang sign na para pala sa mga MBA ang mga seats sa hulian.

"Ay.." At dahil sa sobrang katangahan at kahihiyan ko ay tumayo nalang ako at humingi ng pasensya pagkatapos ay hinanap ko ang upuan para sa mga BSBA at ayon na nga bumalik ulit ako sa upuan kung saan ako unang umupo.

Hayst Hyuna why are you so tanga.

At nag-start na nga ang program.

"Good morning everyone." Bati ni Denxel sa aming lahat at nagsimula na itong mag-discuss about Business Management and Entrepreneurship.


**********


To be honest ang boring ng program na to but at the same time may natututunan din naman, pagkatapos ng dalawang oras na pakikinig sa program ay agad na nagsitayo ang mga estudyante pati na rin ako at umalis na ang mga iba. 

Paalis na rin sana ako nang. "Hyuna!" 

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko si Denxel na papunta sa direksyon ko habang may dala-dalang mga bulaklak na tulips.

"Hey.." Bati niya sa akin nang makarating na ito sa harapan ko, sabay abot niya sa akin bigla ng mga bulaklak. "For you." 

Napakunot-noo ako habang nakatingin sa mga bulaklak na hawak-hawak niya ngayon then I raised my head to look at him. "Para saan ito?" Seryosong tanong ko sa kaniya.

Napangiti lang ito. "Remember, you used to like tulips? Do you still like them?" Mahinhin niyang tanong sa akin habang hawak-hawak pa rin ang mga bulaklak at nakatingin sa akin.

Naguguluhan ako ngayon at buti nalang walang tao sa paligid namin as I looked around. "Denxel what is this for?" Seryosong tanong ko ulit sa kaniya.

"I just wanted to give you flowers." Sagot niya sa akin then he chuckled. "Please accept it." Sabay abot niya ulit sa akin ng mga bulaklak.

My Ideal GamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon