Nag-lalakad ako ngayon papunta sa batoda ng mga Tricycle at bigla kong nakita si tita Josephine na palabas sa isang tindahan. Agad niya rin ako nakita at ngumiti palapit saakin, for sure ma la-late nako niyan.
"Ay, Hyuna! Papasok kana sa school nak?" Masiglang bati at tanong ni tita Josephine sakin.
"Hi tita! yes po, first day of senior high hehe." Sagot ko sakanya.
"Osige, mag-ingat ka ha. Goodluck!" Nginitian ulit ako ni tita at umalis na siya.
"Thank you po!" Pahabol kong sinabi habang nag-lalakad siya pauwi.
Naabutan kona ang mga tricycle at sumakay nako sa loob.
"Saan po kayo ate?" Tanong ni kuyang tricycle driver.
"Ace Senior High School Academy po." Sagot ko sa tricycle driver.
Pa-alis na sana kami pero ayaw umandar ng tricycle. Napatingin ako kay kuyang tricycle driver.
"Kuya, napano po." Tanong ko sakanya.
"Ay naku! May butas ang gulong, ginalos nanaman ng mga pusa ito! Pasensya na ate sa iba nalang kayo sumakay." Sabi ni kuyang tricycle driver.
"Ay sige po kuya, thank you nalang." Sabay alis ko sa tricycle papunta sa ibang tricycle.
Hays, first day ko sa senior tapos ma la-late pa ako. Na alala ko tuloy yung sinabi ni ate Kyla na senior nako, hindi na basta basta High school lang or what you call junior high school.
"HOY!" Sigaw ng tricycle driver sakin
Nagulat ako sa boses niya at napatingin ako sakanya.
"P-Po? napano po kayo kuya?" Tanong ko sa tricycle driver.
"Kanina pa ako nag tatanong dito! Saan punta mo!" inis na tanong ni manong tricycle driver.
"Ah, sa Ace Senior High School Academy po." Sagot ko sakanya.
"Saan yon?" Tanong ng tricycle driver sakin.
"15 mins lang po papunta don." Sagot ko sakanya.
"Iha, nasaan utak mo? Tinatanong ko kung saan yun hindi kung gaano kalayo!" Pabalik na sagot sakin ng tricycle driver na kanina pa naiinis at na iirita.
"Ay, Lagpas po sa simbahan sa plasa." Final answer kona talaga toh kay manong driver.
At umalis na kami pa puntang Ace Senior High School Academy.
***********
Finally! Nakarating nako sa destinasyon ko! Papasok na sana ako sa gate ng school pero bigla ako tinawag ni manong tricycle driver.
"Bayad mo iha! Ano akala mo sakin, service mo?" mataray na wika ni manong tricycle driver sakin.
"Ay oo nga po pala, ito po." Sabay abot ko sakanya ang bayad.
"Kanina kapa nawawala sa isip mo, mag-focus ka ng ma-igi sa pag-aaral mo ah!" Sabi sakin ni manong tricycle driver at sabay na umalis.
Dinaig niya pa mood swings ng mga babae, feeling ata ni manong tricycle driver naka period siya. Dinaig ba naman si ate kyla.
At ito na nga, pumasok nako sa gate ng school sabay rinig ko sa bell na nag ring. Yun oh! In time entrance ko! Nakita ko mga ibang students na pumapasok na kaya pumasok na rin ako nang biglang may naka banggaan ako sa braso.
"Hala, I'm so sorry, hindi ko sinasadya!" Sabi ko sabay tingin ko sakanya.
Bigla akong nagulat sa itsura niya, mukha siyang koreano. Singkit ang mga mata niya, matangos ang ilong at naka salamin na bilog and yung hair niya ay kulot, makapal at mukhang fluffy pa. Tapos ang tangkad and slim pa!
BINABASA MO ANG
My Ideal Gamer
RomanceWe are all delusional when it comes to love. Similar to Hyuna Bonifacio who likes to watch Anime and K-drama; For her The Man of Her Dreams only exists with fictional characters. Then she met Denxel Santos, a half Korean and half Filipino guy from t...