The moment he mentioned my name ay lalong lumakas ang tibok ng aking puso sa sobrang kaba. Hindi ako makapagsalita at napako lang ako sa kinatatayuan ko habang nakaharap pa rin sa kaniya. Habang siya naman ay hindi makapaniwalang makita ako ngayon sa harapan niya.
Inayos niya ang kaniyang salamin then bigla nalang itong ngumiti habang nakatingin sa akin. "I can't believe it's you! How are you na?" Biglaang bati niya sa akin.
Napakurap-kurap lang ako dahil sa kaniyang jovial greet while I'm trying my best to smile normally than awkwardly. "I'm fine!" Sabay tumango tango ako. "Ikaw kamusta?" Tanong ko pabalik sa kaniya.
"I'm better, good to see you again Hyuna.." He said in his soft and assuring tone which is a nostalgia of him noong una ko siyang nakilala 4 years ago.
Tumango-tango lang ako habang nakangiti ng konti.
I noticed him looking sa yakap-yakap kong hawak na libro at notebook and it's about business administration course and revision guide.
His face suddenly lit up of surprise. "You're doing business administration course?" Nagtataka niyang tanong habang nakataas ang dalawa niyang kilay sa akin.
Tumango lang ako sa tanong niya. "Anyways Denxel it's nice to meet you again, I need to go na para mag-aral at pasensya na ulit kanina medyo na lutang ako habang naglalakad sana papuntang Library." Paghihingi ko ulit ng pasensya kay Denxel bago ako umalis.
"It's okay no worries." Then he just smiled standing in front of me.
Tumango na lang ako at ngumiti ulit then I started to walk away immediately from him papuntang Library.
Hindi ako makapaniwalang makita agad si Denxel dito sa school namin. Akala ko ba darating yun next week?
Hanggang ngayon ang lakas ng tibok ng aking puso simula nang makabanggaan ko ito. Napa-upo muna ako then I placed my hand on my chest to feel my heart beating. Calm down Hyuna..
Bigla nalang may humawak sa magkabilaan balikat ko kaya I flinched at agad na lumingon as I raised my head and saw Ethan looking down at me. "Nagulat ba kita?" He asked in his gentle tone and slightly smile.
I just shook my head nang guminhawa na ang pakiramdam ko pagkatapos kong makita si Ethan. Bumitaw ito sa akin at pumunta sa upuan sa harapan ko para umupo, after sitting down he looked at me again. "You okay?" Tanong niya sa akin.
Tumango-tango lang ako and heaved a sigh. "Nakabaggaan ko si Denxel kanina." Pag-amin ko kay Ethan since he's noticing my worried state.
"Oh.. nandito siya?" Kalmadong tanong niya sa akin kaya napatingin ako kay Ethan dahil sa pagtatakang hindi niya pagseselos.
You never know maybe he is..
Tumango lang ako.
"Anong reaksyon niya nang makita ka niya?" Tanong ni Ethan sa akin as he leaned himself on the table closer to me, looking deeply unto my eyes.
"Gulat. Tapos.." Hindi ko matapos-tapos ang description ko dahil naguguluhan ako sa reaksyon niya kaninang magkita kami ni Denxel. Gulat siya but at the same time he's happy? Excited? Jovial? Friendly? Well yun yung nangyari kanina.
"Tapos?" I snapped out from my thoughts nang magsalita si Ethan, this time mukha na siyang seryosong nakatingin sa akin. Still deeply looking unto me.
"Gulat. Nagulat siya." Sagot ko kay Ethan para matapos na ang usapang tungkol kay Denxel.
"Hindi lang siya nagulat right? I think there's something else more in his reaction." Seryosong wika ni Ethan at napa-alis ito ng tingin sa akin as he sat back properly to the chair.
BINABASA MO ANG
My Ideal Gamer
RomanceWe are all delusional when it comes to love. Similar to Hyuna Bonifacio who likes to watch Anime and K-drama; For her The Man of Her Dreams only exists with fictional characters. Then she met Denxel Santos, a half Korean and half Filipino guy from t...