Chapter XV

7.3K 340 19
                                    

   Frix's  PoV

   Paano nakapasok ang demon servant na si Draxiellus sa loob ng Academy na punong puno ng Barrier ng Headmaster. Well ang tamang tanong ay paanong nabuhay ang isang legendary demon na makikita mo nalang sa Dark Books sa panahon ngayon. Ang halimaw na may dalawang sungay at may hawak na sandata na katulad ng reaper. There is a big chance that it was summoned but by who?.

   Hindi ko nagawang sundan si Trinity dahil sa bilis nito. Imagine nawala sa paningin ang tumatakbong babae worst she's wearing heels. Nandito lang ako sa tapat ng entrance ng forest at kahit na malayo ako ay kitang kita ko ang mala-tore sa laki ng demonyong si Draxiellus. Ang isa sa demonyong nilikha ni Zion.

   "Magsitabi kayo." Napatingin ako sa nagsalita. Ang Head Wizards ng Academy sa pangunguna ni HW Spencer. Ang kanang kamay ni Headmaster Zyriel. Lahat sila ay seryoso ang mukha. Mahigit sa 20 ang bilang ng Head Wizards dito sa Academy kasama na rin ang mga nagtuturo sa mga Seniors.

   Tumabi ang lahat ng wizards na nasa daanan ng mga Head Wizards. "Keep the wizards away from this place." Nagulat ako ng nasa harapan ko na sila at may sinabi si HW Spencer na agad ko namang sinunod sa tulong ni Ash, Mist, Chris, at Sophie.

   Pinabalik na namin sa kani kanilang dorm ang lahat. Ang karamihan ay umangal kaya pinagbantaan pa namin sila kung hindi sila susunod. Pinagamot na rin namin ang mga wizards na napinsala sa mga healer. Sinigurado namin na wala nang wizards na pakalat kalat ay agad kaming pumunta sa forest.

   Sa labas ay madadama mo na ang matinding labanan na nangyayari sa loob kaya hindi kami nagdalawang isip na pumasok at tumulong sa laban.

   Lahat kami ay nagulantang sa nasaksihan sa loob. A-Ang bobong babae na yun.

   "Alisha!!!" Sigaw ni Sophie at tumakbo para mas makalapit sa babae sumunod naman sa kanya si Mist pero napahinto sila sa pagtakbo tila hindi sila gumagalaw.

   "Lalo lang tayong makakagulo kung sasapi pa tayo sa laban nila. Magkaroon kayo ng tiwala nyo sa kaibigan nyo." Saad ni HW Spencer. Medyo nainis ako dahil tiyak naman na mas mapaadali kung tutulong silang mga Head Wizards hindi yung nakatayo lang sila at nanonood sa isang estidyanteng nakikipaglaban sa isang demonyo.

   Ibinuka ko ang aking bibig at nagbuga ng apoy pero hindi ito umabot kay Draxiellus dahil may nakalagay na barrier.

   "Wag nyo nang tangkain na sumali sa laban. Lalo lang magagalit ang demonyo." Walang emosyong sabi ni HW Spencer. Hindi naman nakapagtimpi si Sophie sa narinig. "Kaya hahayaan nyo nalang na mamatay si Alisha para lang mapatahimik nyang demonyo!!!" Sa sobrang pag alala ni Sophie ay napasigaw na sya.

   "Noong araw na nagamit nya ang God's Magic hindi na nawala ang bilib at tiwala ko sa taong yan. Sana ay ganun din kayo—hindi sya mamamatay dahil lang dyan." Mararamdaman mo sa tinig ni HW Spencer kaya wala kaming magawa kundi manood na lang. Mula pa kanina ay maraming beses nang binabalibag si Trinity ni Draxiellus sa barrier dahilan para magkanda yurak-yurak ang damit nito at wala namang magawa si Trinity kundi umiwas ng umiwas sa sandat nito at sa matutulis nitong mga kuko.

   "A-Alisha." Bakas sa tono nila Sophie at Mist ang pag aalala kay Trinity maging kami pero wala kaing magawa kundi manood.

   "Hayaan nyong magising sa laban na ito ang tunay na kapangyarihan ni Alisha." Ang tinutukoy ba nya ay yung sumapi sa kay Trinity sa Cafeteria? Naguluhan naman kaming lahat sa sinabi ni HW Spencer pero si Sophie ay biglang nanigas at parang natakot. May koneksyon ba to sa sinabi ni HW Spencer?

   Dahil sa naging reaksyon ni Sophie ay hindi mawala sakin ang pagdududa. Sabay kayong pumasok sa Academy na ito at nagdala ng gulo sa lahat. Sino ba talaga kayo?

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon