Chapter X

7.6K 281 25
                                    

Alisha's POV

Pumasok na kami sa room namin at umupo sa last row. Nakipagkwentuhan sa iba at ang topic ay sa gaganaping event sa linggo.

Napag usapan din na sabay sabay kaming bibili ng susuotin salinggo may alam daw sila Mist na bilihan. Ilang sandali lang ay pumasok na ang magiging guro namin sa subject na Spell Casting.

"Hi! Im Ms. Lazelle Doanwood your Master Wizard in the Spell Casting subject." Sabi ng ginang sa harap.

"We saw what you did in the hallway. Care to explain" Bulong ni Jesse. Akala ko nakaligtas na ko sa kanila.

"Kelan ka pa naging chismosa tulad ng dalawang yan.? " Pang aasar ko. Natawa nalang sya.

Nasa kaliwa ko sya katabi nya si Mist at nasa kanan ko naman si Sophie.

"No change topic kaya go muna sa chika teh!" Sabat naman ni Mist.

"Mamaya nalang." sabi ko at humarap kay Master Wizard Doanwood.

"Spell are word/s chanted to command anything you want. Spell Casting needs a lot of concentration, memorization and disipline." sabi ni Ms. Doanwood habang umiikot ang tingin sa buong klase.

"For example.... Leviatus." tinuro nya gamit ang wand nya ang libro ng babae sa harap. Lumutang ito.

"Resplor demige" Bumukas ang libro at lumipat ng ibat ibang pahina.

"Okay kung sino ang makapagbabalik nito sa dati ay may extra points para sa practical exam." Panghahamon ni MW Doanwood

Nakakaboring.

Yumuko ako para matulog kulang pa kaya ako sa tulog.

Nagising lang ako sa kalabit. Try ko nga kung nakakamatay talaga ang titig.

"Wag mo kong tignan ng ganyan kanina ka pa, balak mo bang matulog buong klase" Sarkastikong sabi ni Sophie. Napilitan tuloy akong makinig nang... dO___Ob

"Takte hindi pa kayo tapos dyan." Hindi ko mapigilan mag tanong nyeta ilang oras na nilang sinubukan yan.

"Mahirap kaya *pout*" Biglang sabi ni Jesse habang nagbabasa ng Spell Book.

Halos matapos na ang klase namin dahil marami ang sumubok sa klase kaya ang ending ayun nasusunog na yung libro sa harap dahil sa maling spell.

"Remithe nuscia jobar" sabi ko. Lahat sila ay napatingin sa akin.

Nakarinig ako ng mihanang palakpak. "Im impress. That is an advanced spell. Remithe Nuscia Jobar is a repairing spell. Great work, summoner possessed a twin bulwark." MW Doanwood. Galit akong tinignan nila Jesse.

Aba kasalanan kong hindi kayo nag advance lesson.

"Okay, i want all of you to chant atleast three spells continuosly. That all for now." Sabi ni MW Doanwood.

"Balik muna natin ang mga cloak at spell book natin sa kanya kanyang dorm, magkita nalang tayo sa canteen." Jesse. Nagsitanguan naman kami.

"Tara na bessy may gera sa tyan ko." Nahihirapang bulong sakin ni Sophie. Hindi ko maiwasang pagikutan sya ng paningin at sinunod ang sinabi nya.

*****

*tok tok tok

"Sophie matagal pa ba? Naghihintay na sila jesse dun." Naiinip na amok ko kay sophie na napagtripan atang gawing tambayan ang CR.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon