Alisha's PoV
I dont want to waste my chance to be in love again.
Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang mga katagang bititawan ni Blood kanina tila ba may bumubulong nito sa akin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang epekto nito sa katawan ko.
"Aminin mo. Nagdrodroga ka ba? Bakit ka nakahinto dyan?"
"Buti naman at naisipan mong umuwi. Gabi na. Uwi ba yan ng matinong babae?"
Bubuksan ko na sana yung pintuan ng dorm namin pero sadyang matindi ata ang radar nila at sila na ang nagbukas nito sakin.
"Alas-otso palang, wag kang OA. Kakauwi ko palang boses nyo agad ang sumalubong sakin. Psh." Tinaboy ko sila para makapasok ako.
Ngayon palang rumehistro sakin yung salitang pagod. Ang paglalakad namin ni Blood sa buong Cloud Spot at dun sa Arcade.
"Nasan na yung kidnapper mo? Oh bakit ka namumula? Kanina naman nakatunganga ka? Tapos mukha ka pang pagod... Hindi kaya.." Namilog ang mukha nila Sophie at Mist habang si Jesse naman ay napapailing nalang sa aksyon ng dalawa.
"WAHH!" Sabay silang dalawang sumigaw at nagkatinginan pa. Napatakip naman ako sa tinis ng mga boses nila.
"Ibinigay mo na ba ang pearl of the orient sea na meron tayo?" Say what? Halos matisod naman sya para lang makaharap ako. Inurong ko ang mukha nya dahil sa sobrang lapit nito.
Binatukan sya ni Sophie.
"Maka tayo ka akala mo meron ka. Excuse me." Kinabig nito si Mist at humarap sakin gamit ang seryoso nyang mukha.
Akala mo talagang may sense syang sasabihin, makikisakay naman kay Mist. Hindi mo na ko magogoyo dyan sa poker face mo.
"Mesherep be ses?" See. That's what i'm talkin about, poor non-brain creatures.
"You two are hopeless. Alisha, go and change your clothes. We have a Tribal meeting on the Tower. Bilisan mo para makakin ka pa, Heart-eye girl." Sinenyasan ako ni Jesse na umakyat. Tinarayan ko lang ito dahil sa pagtawag nito sakin.
Umakyat na ako at nagpalit. Dahil mag-isa lang ako sa kwarto ay hindi ko maiwasan ang isipin ang nangyari sa buong araw na ito.
"Ang Dugo na yun. Sya ang may kagagawan nito." Hinawakan ko ang kumakabog kong parte nang katawan sa twing nakikita sya.
"Maaari kayang..."
"Alisha tara na sa baba at nag uumpisa nang kumain yung dalawa." Isang boses ang tumigil sa akin para malaman ang nangyayari sakin. Si Jesse.
Masyado pa sigurong maaga para pangalan ito.
Sumabay na ako bumaba kay Jesse. Pumunta kami sa sala. Marami akong nakain kanina kaya hindi na ako kumain.
"So binigay mo na ba?" Napahinto ako sa pag inom ng tubig nang kausapin ako ng katapat kong si Sophie. Tinaasan ko lang ito ng kilay.
"Ang sabi ko, virgin ka pa ba?" Sa pagiging taklesa ni Sophie ay hindi ko maiwasang manlaki nang mata at hindi sadyang maibuga sa kanya ang tubig kong ininom.
"Alisha! Naligo na ko! Asar nagpabango nga ako e', mukha ba kong hindi naligo sayo para paliguan ako. Kadiri yang bibig mo." Dali dali syang kumuha nang tissue para punasan ang mukha nya.
"Mas kadiri yang bibig mo. Ke-babae mong tao ang dali lang sayong sabihin ang ganyang bagay." Ako pa ang sinisi?
"E ano naman, mas mabuti ng open tayo sa ganyan para tuluyan nating matanggap na hindi na virgin si Mist." Binato naman sya ni Mist. Tila nagdilim naman ang mukha ni Jesse.
![](https://img.wattpad.com/cover/28118705-288-k928983.jpg)
BINABASA MO ANG
Heavens Gate Academy: Alisha Trinity
FantasiaWhat is Magic? Some other people say that... It does not exist.. Baliw lang ang naniniwala dun.. Isang malaking kahibangan at.. Gawa lamang ng mga kathang isip ng mga tao But for me.. Magic gave me a second life.. Have Faith.. New Hope.. Courage .. ...