Chapter XIX

7K 285 22
                                    

   Sophie's PoV

   Ang galing ni Mist. Kaya nyang maging usok. Ang cool!! Ngayon ko lang napansin na hindi pa pala nila nagagamit ang buong kapangyarihan nila sa amin ni Alisha. Ang daya! *pout

   Nagteleport nanaman yung lalaki na sakal ni Mist papunta sa kasamahan nya. Umatake naman sila Frixton. Lumipad si Kyle pataas at itinaas ang dalawang kamay.  Dumilim ang langit at kumikidlat.

   "Lightning Stikes" Hindi mabilang na kidlat ang papunta sa direksyon ng Oracle Nights.

   Sa ginagawa nila lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon. Ano bang nangyayari sa mga lalaking to?

   Hindi naapektuhan ng ginawang atake ang Oracle Nights dahil ginamit nung Hair Magic user ang kanyang buhok para ikulong sila sa isang malaking barrier na gawa sa buhok at dahil hindi naman conductor ang buhok kaya hindi ito naaapektuhan ng kidlat.

   "Bihasang bihasa sila sa pakikipaglaban, kilala rin nila ang sarili nilang kapangyarihan at maging ang kanilang kakampi kaya sila nakakagawa ng malalakas at mabibilis na atake." Napatingin ako kay Alisha na pinapanood ang bawat galaw ng Oracle Nights. Kanina pa sya nanonood at hindi ko alam kung bakit.

   Napatingin naman ako sa baba ng may maranig akong malakas na pagsabog. Naglalaban na ang mga sundalo ng dalawang bansa.

   "Mga hayop kayo!! Anong ginawa nyo kay Shantell!!!" Sumigaw si Jacob mula sa baba. Nakita ko si Shantell na nasa balikat ni Kuya Cebby. Naging kulay violet na ang ibang parte nito at kitang kita na ang mga ugat nito sa katawan. Para syang nalason at ang may kagagawan nito ay ang leader ng Oracle Nights, ang Poison Magic user.

   Nabiyak ang lupang inaapakan ni Jacob at nagsilabas ang magma o lava mula rito. Tumaas rin ang lupang inaapakan nito. Bumuka ang lupang inaapakan ni Jacob na parang bibig ng... My god! Gumagawa ba sya ng isang bulkan?

   Nasa loob sya ng bulkan na punong puno ng nagbabagang lava at sa tingin ko ay puputok na. Sandali lang ay lumulutang pataas ng bibig ng bulkan si Jacob? Halos hindi ko na sya makilala nagmistulang taong apoy na sya. Ang Body Magic Requiping, katulad ng ginawa ni Alisha sa Cafeteria. May lumabas na isang red Class S Magic Circle sa likod ni Jacob.

   "Dragon's Sacred Magic: Wings Slashs of the Fire Magma Dragon" Biglang lumindol sa baba kaya naapektuhan ag paglalaban ng mga sundalo doon. Tumaas din ang pressure ng bulkan at mukhang magkakaroon ng Volcanic Eruption. Dahan dahang lumabas mula sa loob ng bulkan ang isang napakalaking Fire Dragon. Waaaahh!

   Bumulusok ito papunta sa Oracle Nights at habang lumilipad ito ng napakabilis ay may bumalot na paikot na usok sa paligid nito na may kasamang mga abo o ash galing sa bulkan. Paniguradong galing iyon kay Mist.

   Paniguragong malakas ang atakeng nagawa nila. Yesss!

   Ganun nalang ang pagkadismaya ko ng mapigilan ng Poison Magic User ang napakalakas na atake nila Jacob at Mist gamit ang ISANG kamay. Nabasa nyo ba? ISANG kamay lang!! Imagine, tao pa ba yan?

   "Hindi kayo ang gusto kong makalaban mga bata..." Ngumiti sya ng nakakatakot at tumingin sa akin. What? Ano ginagawa ko sakanya? "Kundi ang nakatalo kay Draxiellus. Bakit hindi ka sumali sa laro namin, Miss Villanueva, The Demon Slayer." Si A-Alisha! Grabe hanggang dito ba naman takaw gulo pa rin to?

   "Paano nyo ako nakilala? Hindi ko alam na may stalker na pala ako. Tsk." Putek naman tong si Alisha. Hindi man lang matakot sumagot nakuu kaya sya napapaaway ih.

   "Kalat ang ginawa mong pagtalo sa demonyong si Draxiellus kaya nung nalaman kong nakipag-isa ka sa Gulior ay ginanahan ako. Gusto ko lang malaman kung anong kapangyarihan ang nakapagpabagsak kay Draxiellus. Malay mo naman kase tyamba lang, sya pa naman ang pinakamahinang demonyo na gawa ni Zio—" Hindi nya naituloy ang sinasabi nya dahil nagulat nalang sya ng nasa harap nya na ang kausap nya. Tss.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon