Chapter XX

7.5K 380 48
                                    

Alisha's PoV

"Nandito na tayo. Malalim na ang gabi kaya pumasok na kayo." Bumaba si Jacob sa kanyang kabayo at ipinakita sa amin ang lumang tatlong palapag na gusali.

Kaunti lamang ang sumama kay Jacob sa kanyang hukbong dahil na rin sa pagbabata ng hari sa sasama nito. Nagpakalayo layo kami sa Mansion para na rin hindi mahanp ng mga sundalo ng bansa.

Bumaba narin kami sa kanya kanya naming mga kabayo.

"H-Hindi ba parang ang haunted tignan ng bahay na yan, Alisha? May mumu!"

"Kung may multo man dyan Sophie malamang nagtago dahil naramdaman nilang parating ka." Common sense! Ngayon pa ba sya matatakot eh araw araw kaming nakakakita ng creature na bago samin hindi natakot pero sa multong hindi sya kayang patayin halos maihi.

"Ang hard mo talaga *pout" Hindi ko nalang sya pinansin at naglakad papasok sa bahay.

"Jacob!" Napatigil kaming lahat sa paglalakad ng may sumigaw sa likod namin.

"B-Bakit ka nandito, Megan?" Ang prinsesa ng Verfugus ay nasa harap namin ngayon ng sya lang mag-isa.

Nilapitan sya ni Jacob at hinawakan ang dalawang balikat ng babae. "Bakit ka naririto? Maaari kang mapahamak sa pagpunta mo rito lalo na't ikaw lang mag-isa" Mababakas sa tinig ni Jacob ang pag-alala sa prinsesa. Nanatiling nakatungo ang prinsesa.

"S-Salamat..." Nagtaas ng tingin ang prinsesa kay Jacob."Salamat at binigyan mo ako ng pangalawang buhay dahil sa pagtanggol mo. Alam kong nagkaroon kayo ng alitan ng iyong pamilya dahil roon kaya humihingi na rin ako ng pasensya."

"Lahat...lahat lahat kaya kong gawin at tiisin mapabuti ka lamang. Patawad din sa nagawa ng kapatid ko sa iyong ina, alam kong kulang ang salitang iyon para mapatawad mo kami pero sana... sana dumating ang panahon na iyon." Pinagdikit ni Jacob ang kanilang mga noo ng magsimula nang umiyak ang prinsesa.

"Si i-ina...Mabuti syang tao. Ni minsan ay hindi ko sya nakitang manghamak ng tao dahil lamang sa estado nito sa pamumuhay. Dahil sa pagkamatay ni ina kaya nagiging iba na si p-papa."

"I-Iba? Ano ang ibig mong sabihin Megan? Anong nangyayari sa Hari?" Sa hindi malaman na kadahilan pati ako ay nagkaroon ng interes sa sasabihin ng prinsesa. Maaaring konektado ito ng kinikilos ng mga ugok na yun.

"Kaya ako naparito dahil roon. Si papa, may napapansin akong kakaiba sa kanya. Araw-araw palala ng palala ang kanyang sitwasyon."

"Mas mabuting pag usapan natin yan sa loob." Inaya nya ang prinsesa na pumasok kaya sumunod na kami.

---

"Naging marahas si Papa simula ng mamatay si Mama. Naiintindihan ko ang kanyang paghihinagpis dahil sa pagkawala ni Mama pero parang hindi naman tama na pati ako ay napapagbutungan nya ng galit." Nagsimula nanaman maging emosyonal ang prinsesa.

"Kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko na kanya ni Papa na magpapatay ng tao. Hindi sya ganung klase ng tao. Inuuna nya ang kapakanan ng kanyang mamamayan pero ngayon ay sapilitan nyang pinasugod ang mga ito kahit ang mga hindi maalam sa pakikipaglaban, ang resulta ay ang pagkatay sa karamihan nito. Ang hindi ko maatim ay matapos nyang malaman ang mga iyon ay wala man lang awa na mababakas sa kanyang mukha, sa katunayan nga ay nagbabalak pa syang sumugod kahit ayaw na ng mga sundalo."

"Hindi sa hinuhusgahan ko po ang Papa mo prinsesa pero bakit kayo magtataka sa ginagawa ng Hari?. Ang isang taong walang awang kinukuha ang yaman ng isang bansa ay ganun talaga ang ugali." Sumingit si Sophie sa usapan nila Jacob. Naguguluhang tinignan nya si Sophie.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon