Chapter XVIII

6.2K 265 12
                                    

Alisha's PoV

Nandito kami nila Sophie, Mist at Jesse kasama si Jacob labas ng Mansion. Naisipan kasi nilang libutin ang buong mansion pagkatapos ng tanghalian. Tumanggi ako pero ang sabi nila mandaya daw ako palibhasa ay lumibot na ako kagabi. Sumang ayon nalang ako dahil ayokong magtanong pa sila ng iba.

Nasa garden na kami ngayon at masaya silang nagkwekwentuhan habang si Jacob ang tour guide. Nasa likod lamang nila ko pilit na iniisip kung ano ang mga narinig ko kagabi.

Puruhan mo ngayong gabi ang kalaban. Balita ko ay wala ang Oracle Nights ngayon. Aasahan ko ang paghihimagsik nila bukas, nakahanda na ang lahat.

Ano ang hinanda nila? Tanong ko sa sarili.

"Sophie, may pavilion dun tayo." Narinig kong sabi ni Mist at nagsitakbuhan sila. Naiwan si Jacob para syang may iniisip ngayon at biglang ngumiti ng malungkot. Naglakad na sya patungo sa pavilion.

"Alisha tara, maganda ang tanawin roon." Pang aanyaya ni Jacob kaya naglakad nako patungo doon. Nagsilbi itong pahingaan sa malaking garden na ito. May katabi itong batis na may kung ano ano hayop. Marami ka ring makikita na bulaklak sa palibot nito at sa direksyong ito ay makikita mo ang likod ng Mansion. Napakapayapa.

"Grabe! Napakaromantic naman dito Fafa Jacob perfect para sa dinner date." Sabi ni Mist.

"Oo, perpekto at napakaganda." Nakangiti si Jacob habang nakatingin sa batis.

"Siguro may nadala kana dito Jacob? Nasan na sya?." Nakangiting tanong ni Jesse. Nawala ang ngiti nya at napapikit.

Nang nagmulat sya ng mata ay nagsalita na sya. "Meron, pero sadyang pilyo ang tadhana. Nagkagulogulo ang lahat." Nararamdaman ko ang bawat sakit sa bawat pagbigkas nya.

"Ang inaasahan mong magiging masayang relasyon ay nauwi sa imahinasyon. Ang mga bagay na nagpapasaya sayo minsan maiisip mo nalang na pakawalan kesa panindigan kase kailangan-Naku pansenya na napasobra ata ako." Ngayon nya lang siguro narealize ang mga pinagsasabi. Kaya natahimik nalang kami. Kahit wala akong pakielam sa love, love na yan alam ko naman makiramdam. Para sa lalaking magsasalita ng ganun, he must be dead serious. What a lucky girl.

Hanggang ngayon ay walang nagsasalita ng may dumating na isang armadong lalaki. Hukbo ni Jacob.

Nagbow ito ng nasa hagdanan na sya ng pavilion at nagpatuloy sa paglalakad patungo kay Jacob. Lahat ay nakatingin sa kanila.

"Pinunong Jacob may balita po kaming nasagap sa Hukbo ni Pinunong Cebby na lulusod daw ngayong gabi ang kalaban." Tila nagulat si Jacob ng malaman ito.

"Ganun kaaga? Masyado itong mabilis kumpara sa kalkula ko." Gulat na sabi ni Jacob.

"P-Pinuno hindi sa nagsusumbong ako pero kalat na ang usap usapan na sumugod ang inyong kapatid na si P-Pinunong Cebby kagabi. Inatake nila ang Imperyo at nagdulot ito ng pagkamatay ng halos kalahati ng sundalo nila at pagkasira ng palasyo nila." Sagot ng sundalo. Nagalit si Jacob sa nalaman dahilan para mabiyak ang inaapakan nitong lupa at lumabas ang napakainit na usok galing sa ibaba. Heatwave.

"Nasaan na ang pinagkasunduan naming huwag munang susugod hanggang hindi ang kalaban ang nauna!!!" Galit na sabi ni Jacob. "Ihanda ang hukbo." Utos nito sa sundalo at pinaalis.

"Gusto ko mang ipakita sa inyo ang magagandang lugar dito pero may kaguluhan kasing mangyayari. Mas makakabuti kung sa kwarto muna kayo. Delikado para sai-"

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon