Chapter XXXV

5.1K 205 42
                                    

Foundation Arc: The bet

Ash's PoV

"Gosh! Bongga kayo kambal. Pasok na kayo sa Top10 ng HGA Rankings sa Zeus." Sambit ni Sophie kanila Mist at Jesse. Tumalon talon pa ito sa harap nang nakahigang si Mist.

Narito kami sa Clinic para ipagamot ang kambal. Nadaan naman sa healing potion ang mga sugat nila pwera lang ang baling daliri ni Jesse.

Kasalukuyang binebendahan si Jesse na naka upo sa kanyang hospital bed.

"Ako kaya kelan ako mapapabilang dun?" Napatungo pa ito at lumungkot ang mukha.

Nakakaasar dahil hindi ko alam ang nangyayari sa sarili ko bakit ko hinahanap hanap ang matinis nyang boses. Ang pakiramdam na malapit sya sakin. Ewan.

"Huy? May kuto ka ba?" Tanong ng katabi kong si Kyle.

Punyeta! Nakita lang naman nya kong inaalog ang utak ko.

"Pre napapadalas ata ang sintomas ng pagkabaliw mo." Natatawa nitong sabi at inakbayan ako.

Inis kong tinanggal yun.

"Hindi ako baliw. Sila ang nababaliw sakin." Ganti ko rito. Nginiwian lamang ako nito.

"Bibili ako ng pagkain. Sama ka Alisha!" Hyper na sabi ni Sophie at hinitak ang nakaupong Alisha.

"Ayoko." Balik nanaman sa pagka-cold girl nito.

"Ako nalang." Sabay na sabi namin ni Kyle. Napatayo pa nga ako.

Tinignan ko ng masama si Kyle. Bakit ba pakiramdam ko may gusto to kay Sophie? Subukan nya. What? Oh, nevermind.

Bakas sa mukha ni Sophie ang disgusto kaya hinatak ko na lamang to palabas ng clinic.

"A-Ash, hindi mo naman kailangang kaladrarin ako. May paa ako, nakakasipa pa nga to 'e" Kinalas nito ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

Nauna na itong naglakad papunta sa cafeteria. Wala akong nagawa kundi bagsak balikat na sumunod sa kanya.

"Tatlong order po ng Set 1 tsaka limang order ng Set 3. Lahat coke. Tsaka pakidagdagan na rin ng gravy." Sabi nito sa kahera.

Lumingon ito sa direksyon ko.

"A-Ano?" Tanong ko rito. Seryoso kasi itong nakatingin sakin.

Hindi ko naman sya hinipuan ah.

"Wala ka bang idadagdag?" Seryosong nitong tanong. Mabilis akong umiling at winagayway ang kamay ko. Sasabihin ko pa sana na okay na yun pero tinalikuran na agad nya ko.

Unti unti akong napikon. Ano bang problema nya? Bakit ang lamig ng pakikitungo nya.

Maglalabas sana ito ng pera sa wallet nya ng mauna ko sya.

"Manang ito na po." Sabi ko dito at kinindatan si ale.

"Sige pati matanda patusin mo" Rinig kong bulong ni Sophie.

Peste! Hindi nya ba na-gets? Ang galante ko kaya.

Inis kong kinuha ang lahat ng orders pati kamay nya. Magkaalaman na.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon