Chapter VIII

7.3K 319 20
                                    

Alisha's POV

Naglakad ako patungo sa gitna ng stadium. Paano kung walang lumabas na bulwark? Oo nga't kinabisado ko na yung spell at hindi rin ako nagdududa sa sinabi ni Jesse tungkol sa bulwark pero paano kung wala ngang lumabas.

Napahinto ako sa paglalakad at tinignan ang kamay na humahaw sa braso ko.


"Don't overthink everything. Kaya mo yan bessy." Pang eencourage sakin ni Sophia hindi ko sya nakita na dumaan sa harap marahil ay masyado nga akong nag iisip. Tinanguan ko nalang si Sophia at nagpatuloy sa paglalakad.


Nung nasa gitna na ako tinignan ko ang mga audience at napako ang tingin sa lalaking hanggang dito kitang kita ko na nakangisi. Wala na talagang pag-asa, isip bata talaga.

"Okay Ms.Villanueva ready na po dahil magsisimula na. Goodluck." Sabi ng emcee at umalis na. Huminga ako ng malalim. '

'Kaya mo to Alisha'

Pumikit ako at tinaas ang aking mga kamay. "Deus omnium, concedit Princeps.... i-inexperrectus....." H-Hindi ko maalala ang susunod. Kinakabahan na ko.

Napatingin ako sa mga wizard. Nagbubulungan na sila at ang iba ay tumatawa pa. Peste naman kase Alisha bat ngayon ka pa dumaplis diba nakabisado mo naman to kagabi.

"Deus omnium, concedit Princeps inexperrectus protectorem meum" May maliliit na boses nagsasalita. Boses ng batang babae at batang lalaki.

"Bilis Mommy Alisha gusto ko ng lumabas." Yung batang babae.

"Tss. Manahimik ka nga Dawn" Yung batang lalake.

"Ano Alisha tatayo ka nalang dyan at pagtatawanan ng iba pwes kami hindi kaya bilisan mo na masyado mo kameng pinapahiya." Napataas ang kilay ko nung narinig ko ang sinabi nung batang boses lalaki pero hindi to ang tamang oras.

'protectorem meum'

"...Protectorem....M-Meum" paputol putol kong sabi.

Biglang lumakas ang hangin at may lumabas na gray na magic circle pero ang pinagkaiba nito ay may malaking star ito sa loob at pinalilibutan nang di mabilang na malilit na bilog na sa loob ay may mga symbols.

Pero ang mas pinagtaka ko ay ang paglabas ng puti at itim na usok na halos lamunin na ang buong stadium. May naramdaman akong presensya sa magkabilang gilid ko.

Dahan dahang nawala ang usok at nakitaan ko ang aking bulwark.... or should i say mga bulwark.


"We just saw an Class S Magic Circle coming from a Beginner and not just that she have a twin bulwark" Pambasag sa katahimikan ng emcee. Lumapit sakin ang aking mga bulwark. Isa silang panther. Ang nasa kanan ko ay isang puting panther at sa kabilang naman ay itim. Kasing tangkad sila ng isang tao at ang agaw pansin sa kanila ay ang kanilang mga paa na nababalot ng mala dagat sa asul na apoy.

Pagkalapit nila ay bigla akong sinunggaban ng puting panther at...... d-dinilaan. Nababasa ang mukha ko d>___<b 

"Tss." narinig kong pagsinghap ng itim na panther so base sa ugali nya ay sya ang batang lalaking masungit at ang dumidila sakin ngayon ay ang batang babae na nagngangalang Dawn.

Nang marinig ni Dawn ang pagsinghap nung itim na panther ay tumigil sya ginagawa nya at bumalik sa gilid ko.

"Ang KJ mo talaga tandang Eve " Sabi ni Dawn. So Eve pala ang pangalan ng masungit na bata na to.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon