Alisha's POV
Nakaramdam ako ng kirot sa buong katawan ng subukan kong gumalaw partikular sa kaliwang braso, mukang napuruhan ni kalbo. Gising na ako. Hindi ko alam kung ilang araw ako dito nakatengga sa kamang ito.
Kahit mahirap ay sinubukan kong dumilat. Sa una ay wala akong makita dahil sa tindi ng liwanag.
"Naku naku talaga. Yung mangkukulam na yun. Kapag hindi nya talaga tinanggal ang kulam sa tatlong yan... may magpamilyang sampal sya sakin" And i almost forget to tell that yung boses na yan ang nanggising sakin sa mahimbing na pamamahinga. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa pagtatalak nya dahil nagising ako o ano e'.
"Alam mo namang hindi pwedeng tanggalin ang spell kapag unconcious ang victim. Jusko bakla naman ang shu- Wahh! Si Alisha! Nakadilat na." Tumakbo naman si Mist sa akin sumunod sila Sophie at Jesse. Salamat naman at ligtas sila.
Dahil sa pag-aalala ay hinaplos haplos ni Mist ang katawan ko at pinisil ang kaliwang braso ko na nagdulot sakin ng matinding sakit kaya napasigaw ako.
"P*ta bakla lumayo ka sakin, dudurugin kita." Babala ko rito. Hinambalos naman sya ni Sophie at tinulak ito palayo sakin. Sya naman ang pumalit sa pwesto ni Mist kanina. Seryoso itong tumingin sakin.
"Alisha makinig ka." Kinabahan naman ako sa kaharap kong ito. Ano nanaman ba natira nito?
"Ilan ito?" Itinaas nya ang hintuturo nya. Pinagloloko ba ko nito.
"Lima." Malamig kong sagot dito.
"Wahh! Sabi ko na nga ba nagka-amnesia sya. Ano bang ginawa ni Alisha para masapit to? Napakabait naman nyabg kaibigan." Naghesterical sya at napaluhod. Mukha syang tanga.
Napatingin naman ako kay Jesse. Nagpipigil ito ng tawa kase ba naman, sinalihan ni Mist ang pagdradrama sa lapag. Ayun nagyakapan at umiiyak. Sinisigaw pa ang pangalan ko.
"Limang daliri. Limang daliri ang babakat sa mga pisngi nyo kung hindi kayo tumigil dyan. Ang papanget nyo." Sabi ko sa dalawa. Dali dali silang tumayo nag tuwid at napahawak sa kanilang mga pisngi.
"Ilang araw akong nandito?" Dahil sa kakulitan ng dalawa ngayon ko lang nakita ang lugar kung nasan ako. Hospital.
May apat naman na kama dito. Lahat ay akupado ni Blood, Ash, Chris at Zyniel. Lahat sila ay unconcious pa.
"Tatlong araw na. Narito tayo sa hospital sa Kapitolyo ng Gulior." Sabi ni Jesse.
"Anong nangyari?" Tanong ko rito. Ang pagkakatanda ko kasi ay nahimatay ako sa laban dahil hindi na kaya ng katawan ko.
"Beshie hindi rin namin alam. Ang nakakaalam lang ay si Jacob, Miss Aurora, ang Oracle Nights at si Kuya Zyniel." Sabi ni Mist at naghiwa nang prutas sa mesa tabi nang kama ko. Oracle Nights?
"Oracle Nights? Dumating sila?" Pagtataka ko dahil hindi ko naman nakita ang Oracle Nights sa laban.
"Tinulungan daw ng Oracle Nights si Kuya Zyniel at sila rin ang nagdala satin dito. Yun nga lang, unang araw palang gising na kami nila sissy kayo lang yung super deds. Uma-aurora ka sa pag- sleeping beauty bes. Inform lang kita, borlog din ang prince charming mo." Nginuso nito si Blood. Oh anong kinalaman ni Blood dito?
Bumukas ang pinto at iniluwal nito si Aurora at Kyle kasama ang tatlong magkakapatid pati na rin ang Ama nila na Presidente ng bansang ito.
"Hoy babae! Tanggalin mo na ang kulam mo sa kanila." Palengkera talaga tong si Sophie. Sinugod ba naman si Shantell. Tinaasan lamang sya ng kilay nito.
"Huwag mo kong taasan ng kilay, may kilay rin ako mas mataas lang ang kilay mo." Taas noo nitong sabi.
"Hija huwag kang mag-alala sa oras na magising sila ay tatanggalin na nya ang spell nya sa mga binata. Pasensya na kayo at salamat sa pagsagip sa bansa namin. Tatanawin ko itong isang napakalaking utang na loob sa inyo." Pormal na sabi ng Presidente.
BINABASA MO ANG
Heavens Gate Academy: Alisha Trinity
FantasyWhat is Magic? Some other people say that... It does not exist.. Baliw lang ang naniniwala dun.. Isang malaking kahibangan at.. Gawa lamang ng mga kathang isip ng mga tao But for me.. Magic gave me a second life.. Have Faith.. New Hope.. Courage .. ...