Chapter XII

9.6K 302 31
                                    

Sophie's POV

"A-Alisha bakit may d-dugo ka sa ilong?" Nagtatakang tanong ni Jesse.

Sabi na eh, kanina ko pa yan napapansin dahil nakita ko syang umaakyat sa hagdan ng pagewang gewang. Ang paalam nya sa amin kanina ay may sasabihin lang daw sa kanya si HM.

Tila hindi nya alam ang nangyayari sa katawan nya dahil nagtataka syang tumingin sa amin at kinapa ang ilong. Matapos nyang makita na may dugo nga ay nawalan sya ng malay.

"Alisha!!!" Ano ba kasing ginawa nila.

Nahulog sya sa sahig. Binuhat namin sya at hiniga sa kanyang kama.

"San ba nagpunta to? Bakit mukhang haggardo bersosa?" Tanong ni Mist.

"Diba ang paalam nya satin kanina kakausapin lang daw sya ni HM." sagot ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa naisip ko. "Hindi kaya nabully nanaman to?" tanong ko.

"Walang syang mga pasa o sugat sa katawan kaya panigurado hindi to nabully." Sagot naman ni Jesse.

"Mist at Jesse, pwede dito muna kayo? Pupuntahan ko lang si HM para malaman ang nangyari sasabihin ko narin ang kalagayan nya." Sabi ko sa kambal. Hindi ko na hinintay ang sagot nila at dumiretso na sa Headmaster's Office.

*****

"Anong kailangan mo Sophie?" Tanong ni Headmaster Zyniel.

Nandito nako sa loob ng Office nya. Nadito rin si Ms. Aurora.

" Good Evening Headmaster and Ms. Aurora." Bati ko sa dalawa. Huminga muna ko ng malalim para sabihin ang pakay ko. "HM gusto ko lang po malaman kung ano ang napag-usapan nyo ni Alisha dahil ngayon po ay dumugo ang ilong nya at nahimatay sya." Seryosong sabi ko para maramdaman ni HM na galit ako. Go Sophie!!

"Aminin nyo po sakin..." Alam kong sila ang may gawa nito sa bestfriend ko. Grabe wala naman kaming pinakitang masama sa kanila ahh.

"In-english nyo po ba sya?" Diretso kong tanong at dinuro pa sila na parang silang salarin.

Nagtataka naman silang tumingin sakin at tumingin sa isa't-isa.

"Wag na po kayong mag akila pa, opo sasabihin kong mahina sa english ang bestfriend ko pero wag nyong gamitin yun para masaktan yung tao. Tignan nyo kakaintindi ng english nyo---nagdugo yung ilong, nahimatay pa." Taas noo kong sabi. Akala nila hindi ko malalaman ang balak nila. HAA!! iba to oy!.

Mula sa nagtatakang tingin nila ay napalitan ito ng tawa. Yes! Tumatawa sila. Ang sasama nila *pout.

"At nakuha nyo pa talagang tumawa sa kab-"

"Mali ka ng iniisip S-Sophie. Haha grabe epic. W-Wala kaming ginawa sa bes-" Si HM naman ang pinutol ko. "Wag na po kayong mag akila alam ko n-" pinutol nanaman nila ko *pout

"Haha. Grabe utak mo sophie masyadong advance." Natatawang sabi ni Ms. Aurora.

"Hindi nyo po ako madadaan sa papuri ngayon" Padabog kong sabi.

Tinawanan lang nila ko. Tinalikuran ko na sila para bumalik sa bestfriend ko.

"Sandali lang Sophie, hintayin mo kami. Titignan namin ang lagay ni Alisha at gagawa ng paraan para makatulong." Sabi ni HM.

Mabilis akong humarap sa kanila.

"Sabi ko na eh, kahit ginawa nyo yun kay Bestfriend mabait parin kayo." Masayang sabi ko sa kanila.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon