Chapter XXXI

4.7K 226 62
                                    

Mist's PoV

Ang Four Aces.

Inatake ni Alisha si Max. Sya yung umatake kanina. Isa syang bomber.

Sinuntok sya ni Alisha pero hindi man lang sya gumalaw miski konti. Sabi ko na. Bakit ba sila nandito?

Kilala sila nang lahat dahil sa pagiging rebelde dito sa Academy. Kung sila Blood e nang-aasar lang, sila nang-jojombag. Nakikita kasi nila sila Blood bilang karibal sa lahat. Well mga yummy naman sila kaso carjack beauty mo pag sila kasama mo.

Napaabante si Chris sa tabi ko nang akmang sasapakin ni Max si Alisha. Buti na lamang ay may humawak sa kamay nito.

"Kayo nanaman. Hindi pa Foundation para manggulo kayo. Kaya nasisira ang kaarawang iyon dahil inaabuso nyo. Hala sige umalis kayo sa harap ko." Salamat nalang at dumating si MW Spencer. Naku kung hindi baka sira na tong buong training grounds. Goodluck nalang talaga sa Foundation day.

Mga abusado. Sa mga gantong oras talaga sila nagpapakita sa buong Academy. Kase kapag Foundation month, malaya ang lahat na maglaban kahit saan. Kaya ang iba takot na magpagala gala ng mag isa.

Inis na tinanggal ni Max ang kamay ni MW Spencer sa kanya at sumabay sa pag-alis ng iba nyang kasama.

"Dex, tara na." Tawag ni Max sa leader nila. Pero ang leader nila ay nakatingin lamang kay Alisha. Lumapit pa ito mukha ni Alisha na parang inaaral ang bawat angulo nito.

At dahil dakilang matapang ang inyong lingkod na si Alisha. Hindi man lang sya natinag sa paglapalit ng mukha ni Dexter. Nakakapagtaka lang dahil sa unang pagkakataon nakitaan ko ng ekspresyon ang aloof na si Dexter. Mababasa mo sa mga mata nito ang pagtataka sa existence ni Alisha.

Bigla itong ngumisi na parang may masamang balak at tinalikuran si Alisha.

"Woo! Akala ko matutuloy ang World war III dito." Bigla kong sabi ng tuluyan ng mawala ang Four aces. Napapunas naman ang ng pawis.

Blood's PoV

Kasalanan ko ba? Hindi ba nya alam na nag aalala lang naman ako sa kanya. Aish. Hayaan mo na nga, Frix. Baka mainit lang talaga ang ulo kanina. Sino hindi mag-iinit kung ang katabi ay ako. Tsk.

Nandito kami sa library nila Kyle at Ash. Sabi kasi ni Kyle ay may kailangan daw syang basahin.

"Pre mukha kang batang inagawan ng candy. Seriously? Hindi ka naman ganyan ah." Biro ng mokong na si Kyle. Binaba nya ang librong binabasa nya. Minsan talaga tinotopak din to at nagiging bad boy. Ewan ko ba bakit nagkaron ako ng mga kaibigang kagaya nila.

"Pre, nakakaasar kasi. Galit nanaman sya sakin." Inis kong sinabunutan ang sarili ko dala na rin sa fraustration ko. Ewan ko paano magsimula itong nararamdaman ko sa kanya. Basta gumising nalang ako isang araw na hinahanap ang mukha nyang parang siopao. Yung bagsak nyang buhok. Makinis na katawan. Lalong lalo na ang naka beast mode nitong mukha. Gusto ko na kinakausap nya ko, kahit minsan maaabot na sa payatan. Argh! Basta mahal ko sya. Madaling mahalin ang tulad nya. Yun lang ang alam ko.

"I knew that two of you will end up like this pero parang sumobra naman ata yung sayo." Natatawa nitong saad.

I only raised an eyebrow.

"You look like an obsessed jerk. No, erase the 'like', your definitely obsessed to her." Tinuro ako nito.

I try to explain my side but  he speak again.

"Remember nung magising ka sa hypnotism nung medusa girl at sinabi ko sayo kung ano ang pinaggagawa mo nun sa kanya. Hell men, you just cried the whole night to my room because you said na baka galit sayo si Alisha. At kinabukasan halos sambahin mo sya para lang mahingi ang tawad nya." Tumayo ito at dinuro muli ako para ipamukha sakin ang ginawa ko. Well, i admit ginawa ko yun pero akala ko kasi hindi nya ako huhusgahan dahil ganun sya tapos ngayon sinusumbat nya na sakin.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon