Alisha's PoV
"WHATTT!?!" Sigaw nilang lahat. Fuck. Napatakip ako ng tenga at sinamaan sila ng tingin. Ano bang problema ng mga to?
"But papa pang Class S and Professoinal Wizards na ang Mission na yun. Masyadong delikado." Sabi ni Kyle.
"Hindi ko na mababago yun. Ito ang naging desisyon ng Board. Malaki kase ang utang na loob natin sa Gulior at kaalyansa naman natin ang bansang Verfugus. Sila ang tumulong para sumigla ang ating kalakalan sa timog." So wala talagang choice. Lahat sila ay napabuntong hininga.
———
Biyernes na ng hapon ngayon. Nagsimula na kaming maglakbay dahil tinapos muna namin ang major classes at nagpaadvance lesson dahil matatagalan daw ang pagbalik namin.
"Lets have a background check bago tayo makapasok sa teritoryo nila." Saad ni Jesse. Nasa himpapawid na kami gamit ang aming mga bulwark. Masyadong malayo ang dalawang bansa at hindi maaari ang paggamit ng portal dahil ginagamit lamang ito para maglakbay sa magkaibang mundo. Tanging mga Pureblood Sorcerror lamang ang makakagawa nun sabi nila Blood.
" Gulior also known as the Country of Slaves, hindi sila literally slaves, tawag lamang yun dahil karamihan sa populasyon nila ay nagtratrabaho sa mga kalapit bansa nito. Isa itong Republika na pinamamahalaan ni President Authur Ulvia. May tatalo itong anak. Si Bryant na panganay ay isang Shapeshifter kaya nyang gayahin ang kahit anong makita nito at pati na rin ang katangian at ugali nito. Si Jacob na sumunod ay isang Magma Manipulator o sub element ng Majica ni Frix. Wala akong masyadong nakuhang impormasyon sa kanya. Ang huli ay si Shantell na taglay ang Medusa's Eyes na kaya kang gawing bato kung gugustuhin nya." Mahabang pagpapaliwanag ni Jesse na nakasakay kay Dawn kasama si Kyle. Gamit naman ni Mist si Mesh angkas si Chris habang sila Blood at Ash naman ay nakaangkas sa Bulwark ni Blood na Lion.
"Mapanganib ang mga majica ng magkakapatid kung pagsasamahin." Sabi ni Kyle.
"Well kilala din ang Gulior na isa sa malalakas na Hukbo dahil ang tatlong anak ng Presidente ay may kanya kanyang hukbo." Sabi naman ni Ash.
"Mayroon ka bang alam sa bansang Verfugus?" Tanong ko. Nais kong malaman ang lahat ng makakatulong na inpormasyon lalo na ang majica nila para makaaghanda kung sakaling kailangan ng dahas.
"Ang Verfugus naman ay isang Monarkiyang bansa na pinapamahalaan ni King Francis na may isang anak na si Princess Megan. Kilala ang bansang Verfugus dahil isa sila sa pinakamalalakas na sorcerrors sa buong Enchantria. Mayroong mga Sorcerrists na nagpaapanatili ng katahimikan sa Verfugus. Ito ang Oracle Nights." Tumigil sa pagsasalita si Jesse. Nagtaka ako kaya tinignan ko sya. Nakatingin sya kay Kyle na natigilan sa harap nya.
"M-Makakalaban natin ang Oracle Nights ?" Tanong ni Ash.
"Mas mapapadali tayo kung hindi natin sila makakalaban. Hindi sa duwag ako inaalala ko lang ang kapakanan nating lahat." Naging seryoso si Kyle. Bakit? Sino ba ang mga yun?
"Bakit parang pinaparamdam mo sa amin na ang laking peligro para sa atin kung makalaban natin ang Oracle Nights? Sino ba ang mga yun?" Takang tanong naman ni Sophie na nasa likod ko.
"Hindi na namin kailangang iparamdam yun dahil sa oras na kayo mismo ang nakakita sa kanila dun nyo mararamdaman ang sinasabi namin." Sagot ni Ash kay Sophie. "Sila ang sinasali ng bansang Verfugus sa taunang Frieor Magic Games kung saan naglalaban laban ang mga pinakamalalakas na Wizards ng bawat bansa na kasali sa Alyansa mapa-Junior at Senior Division." Dugtong nito. Ngayun ko lamang sya narinig na magsalita nang ganyan kahaba. May pakinabang naman pala sya.
BINABASA MO ANG
Heavens Gate Academy: Alisha Trinity
FantasyWhat is Magic? Some other people say that... It does not exist.. Baliw lang ang naniniwala dun.. Isang malaking kahibangan at.. Gawa lamang ng mga kathang isip ng mga tao But for me.. Magic gave me a second life.. Have Faith.. New Hope.. Courage .. ...