Foundation Arc: Fight of the Queens.
Alisha's PoV
Pasalamat at lahat sa amin ay nasa maayos na kalagayan. Kung hindi baka maaga kong nasugod ang may pakana nito.
Nagtipon kaming lahat matapos tapusin ang lahat sa ginawang amusement park. Sinigurado muna namin ito kung maayos para wala nang magiging problema bukas para sa pag-operate nito.
Nagsalita si Daniel para sa magiging takbo ng lahat para bukas. Kung sang destino sila.
Matapos ng maikling pahayag nya ay hinayaan nya na ang lahat na makaalis na at makapagpahinga.
Nakakailang hakbang palang kami palabas ng Amusement park ng umalingawngaw sa buong paligid ang tinig ng sirena.
Lahat ay napahinto sa paglalakad dahil sa pagtataka. Nang may biglang boses na sumunod sa tatlong ulit ng pagtunog ng sirena.
"Everyone, go to The Stadium." Tatlong beses ulit itong pinaulit ulit. Isang boses ng babae.
"I'm exhausted." Bagsak na ang balikat ni Jesse at kita na rin sa mata nito ang pagod.
Nginiwian ko lamang sya. Lahat kami ay pumunta sa Stadium. Nakasabay pa namin ang ibang section sa daan. May iba pa ngang naka pj's at kinukusot ang kanilang mga mata waring kagigising lahat.
Mukhang obligado talaga ang lahat na pumunta sa Stadium.
Nang makapasok kami sa Stadium nakita namin sa battle field ang matataas na opisyal sa Akademya katulad ng mga Master Wizard at syempre si Headmaster Zyriel.
May iba pang taong nakaupo sa kanya kanyang upuan sa likod ni Headmaster Zyriel. Narinig ko lang ay sila ang members of the board.
"Magandang gabi." Natahimik ang buong Stadium nang magsalita si Headmaster. Nagkaroon ng napakalaking hologram sa taas na nagpapakita ng nagsasalitang si Headmaster.
"Maaaring nagtataka kayo sa biglaang pagtawag. Lahat ng iyon ay planado."
Lumakas ang bulungan ng lahat dahil sa sinabi ng Headmaster.
"Ipagdiriwang natin ang pagsalubong ng Heavens Gate Foundation sa pamamagitan ng isang game."
"Hala! Grabe sila! May lakad kayo?" Saad ni Mist at napatayo pa. Maging ako ay nabigla pero inaasahan ko na rin ang mga gantong pangyayari.
"Ang game ay tatawagin nating The Flag Catcher. Simple rule; each of the tribe will snatch the flag of the others which is located in their headquarters. First who'll get the others flag will get 5 points."
"To add some thrill, who ever the one will lose will get deducted 5 points so make up a good tactics. And also, this game will be joining not by the representative only but also the other comrades." Naglakad paabante si Headmaster.
"All the Tribe Leader, I need you to pick up your flag here. When the flag touched by anyone during the game it will vaporize and create a fireworks, recognizing the winner." Pinapunta ni Headmaster ang mga tribe leader sa entablado kung nasan sya at ibinigay ng mga MW ang bawat flag na gagamitin.
Itinaas ni Headmaster ang kamay nya.
"You got half an hour to discuss your own tactics. Go to your HQ, don't leave unless you here a bang if you do so, your team will be disqualified and will be deducted 5points to your total score. And we start. Goodluck." Biglang may pumutok sa ere marahil may lumabas mula sa darili ni Headmaster.
Nagkaroon ng orasan sa taas namin; Tatloung minuto pababa ang bilang kaya nagmadali na kami at nagsitakbo sa Headquarters.
"So here's the plan, ako ang magbabantay sa flag mula sa tuktok ng tore habang ang kambal na Montiel lamang ang bahala sa pagkuha ng flag ng iba." Nang makumpleto kami ay nagsimula na kong ipahayag sa kanila ang plano.
![](https://img.wattpad.com/cover/28118705-288-k928983.jpg)
BINABASA MO ANG
Heavens Gate Academy: Alisha Trinity
FantasiWhat is Magic? Some other people say that... It does not exist.. Baliw lang ang naniniwala dun.. Isang malaking kahibangan at.. Gawa lamang ng mga kathang isip ng mga tao But for me.. Magic gave me a second life.. Have Faith.. New Hope.. Courage .. ...