Chapter XXIV

6K 272 34
                                    

Jacob's PoV

"Sino ang nagbigay sa inyo ng karapatan para paglaruan ang kanilang bansa?" Nagdilim lalo ang paningin ni Alisha ng ngisian sya ni Raphael.

Halos hindi ko nakita ang ginawang pagsuntok ni Alisha kay Raphael kaya napalipad ito sa mga puno. Tatayo palang si Raphael na nakasandal sa isang puno nang nasa harapan na agad nya si Alisha.

Nakatanggap sya ng isang upper cut sa dalaga kaya nalipad ulit sya. Nang nasa ere na sya ay parang bola itong tinadyakan sa tiyan ni Alisha pabalik sa lupa. Bumakat si Raphael sa lupa at unti unting tumayo habang ang nagdulot naman sa kanya ng sakit ay nasa taas nya. Nakamasid sa kanya tila nakita nya ang kanyang pain.

Aatakihin ko sana si Raphael ng may isang mabangis na leon ang sumalubong sa akin.

Agad agad akong umiwas at tumalon sa isang mataas na sanga ng puno nang ang isang leon na umatake sa akin kanina ay naging isang malaking ibon.

Isa lang ang kilala kong ganyan. Hindi ko alam na ngayon pa kita makakalaban.

Kuya Cebby.

Alisha's PoV

Nakita ko mula dito sa taas ang pag atake ng isang leon na naging ibon kay Jacob. Kung hindi ako nagkakamali ay kapatid nya iyon, si Cebby.

Sa ginawa kong pag-aanalisa sa lugar ay bigla nalang nawala si Raphael sa kanina nitong kinalalagyan.

Bigla nalang may kung anong masakit na bagay ang pumulupot sa aking paanan. Tinignan ko ito. Sinulid?

Bigla nalang ako nitong hinila pababa kaya nasalampak ako sa lupa.

"Dont you ever lose your sight to your enemy. That's an insult, bitch." Itinaas ni Raphael ang kanyang kanang kamay at may labas na napaka-kapal na sinulid rito. Habang ang kaliwa naman nitong kamay ay konektado sa sinulid na nakapulupot sa akin.

"You deserve to die." Nakangiti itong sinabi sa akin ni Raphael tila ba wala lang sa kanya ang buhay. Hinampas hampas nya ko gamit ng kanyang makapal na sinulid.

"Ahh!" Napaarko ako dahil sa paghampas nito sa likod ko. Hinila nya ulit ako paikot sa gubat kaya halos makipagpalitan na ako ng mukha sa lupa. Pataas ako nang pataas hanggang sa nawala nalang bigla ang sinulid sa paa ako kaya bumulusok ako sa ere.

Nagkabanggaan kami nila Zyniel at Aurora. Bumagsak kami sa lupa dahil sa impact. Agad naman kaming tinali ni Rahpael ng kanyang makakasugat na sinulid. Sobrang higpit nito kaya halos maghalo halo na ang dugo naming tatlo.

"Hindi ko akalaing ganun lang kayo kadaling talunin. Hahaha." Bumaba sa ere ang kalbo at lumapit sa amin.

"Ano kaya ang nakita nya sayo?" Nakangisi sya ng malademonyo habang lumalapit sa amin.
"Maikukumpara ka lang naman sa isang ordinaryong kawal." Sino ba ang kausap ng g*gong ito?

"Don't worry i'll make sure wala silang makikitang katawan rito para hindi na rin kayo mapahiya, mga kahihiyan sa inyong uri." May lumabas na black hole sa harapan ni Rogue. Nagkaroon ng napakalaking black class-s magic circle. Lumakas ang hangin sa loob ng Black hole kaya ramdam ko ang paghigop nito sa amin.

Nang walang anu-ano'y nakatanggap ng Metior blast si Kalbo. Isa itong malaking bato na napalilibutan ng apoy. Tumalsik si Rogue sa kabilang dulo.

Dahil sa likuran si Jacob. Humarap sa gawi nya si Raphael.

Nanlamig ako sa nakita. Marahil kanina pa ako lumalaban kanila Rogue ngunit ngayon ko lang napansin ng lubos ang kanilang kasuotan.

I-itim na kapa. Itim na kapang may simbolo. Simbolong nagbigay ng pasakit sa akin. Simbolong nagpapaalala sa akin ng isang trahedya. Simbolo.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon