Chapter XXII

5.5K 221 20
                                    

Guys Chapter 22 to. Make sure mabasa nyo muna yung 21 nagkabaliktad ata sila, yun lang.

Alisha's POV

"Waa! Mga beshy ito na! Bakbakan na." Masayang sabi ni Mist.

"Talagang tuwang tuwa ka pa huh." Sarkastikong sagot naman ni Sophie.

"Well na-miss ko na rin naman ang lumaban. Kaasar kase si Elias ih. Yung lalaking yun..naku tatanggalan ko ng pakpak yun ih.

Sabihin mo, weak naman sya. Tss.

"Weak ka naman daw sabi nya" Nakangisi kong sabi sa kanya.

"Pakisabi, utut nya blue. Napabagsak ko nga sya kanina ih. Hindi pa ko nagseseryoso nun." Taas noo nitong sabi.
"Sissy wag ka muna maingay, kunwari ako nagpatumba." Bumubulong pero rinig. Wierdo.

Lumapit si Jacob sa amin. Umalis kase agad sila Megan at Kier matapos nilang ibalita ang mangyayaring pagpupulo sa palasyo nila.

"Handa naba kayo?" Tanong ni Jacob. Tumango naman sila.
"Gaya nang napagplanuhan, kami ni Alisha ang susugod sa pagpupulong habang kayong tatlo ay magbabanta sa kilos nila ama." Pagpapaalala nya.

"Ang gamot?" Ang tinutukoy nya ang gamot na makapag aalis ng black spell sa isang tao. Medical Team ng Academy ang may gawa nito dahil hindi namin alam ang gagawin kaya nanghingi na kami ng tulong sa kanila. Tatlong araw rin nila itong pinag-aralan para masigurong epektibo.

Tumango ako.

"Tara na."

Gaya ng napagkasunduan hihintayin namin si Kier dito sa bungad ng gubat medyo malapit sa palasyo para mapadali ang pagpasok namin ng walang nakakakita at para alam na rin namin ang lugar kung saan nagpupulong ang mga heneral at ang hari.

"Patawad kung ako'y natagalan. Nahirapan akong makalusot sa mga kasamahan kong Oracle dahil hindi nila alam ang ginagawa natin." Nandito na sa harapan namin si Kier. Hindi ako sumagot dahil kinokonsentra ko ang aking sarili sa misyon naming gagawin dito, maging si Jacob.

Lumapit kami dito at kumapit sa balikat ni Kier.

"Papaalalahanan ko lamang kayo. Mga heneral ng bawat kawal ang naroroon at ang hari kaya matindi ang seguridad. Maging kami ay hindi makaakyat sa palapag kung saan sila nagpupulong."

"Salamat" Sagot ni Jacob. Pumikit na si Kier ng tapikin sya ni Jacob dahilan para mawala ang konsentrasyon nya sa gagawin. Dumilat sya at nilingon si Jacob.

"Kung ano man ang mangyari. Siguraduhin mo ang seguridad ng inyong Prinsesa." Napangisi naman si Kier at bahagyang tumango.

"Lover boy." Asar kong bulong. Nginisian din ako ni Jacob.

"Hanggang dito na lamang ako. Dalawang palapag pa ang inyong aakyatin. Nag-iisa lamang ang pinto roon. Yun ang lugar. Mag-ingat kayo sa mga kawal. Paalam." Mabilis na nawala si Kier. Nagkatinginan kami ni Jacob.

"Alam ko gwapo ako pero may Megan na ko." Natatawa nyang sabi.

"Ulul." Mas gwapo pa rin si dugo. P*ta. Ang dumi na ng utak ko.

"Mukha kang tanga. Pinupukpok mo yang ulo mo kung di ka na inform." Tinarayan ko nalang. Yan ang mga natutunan nya sa madalas nyang pakikipag usap sa dalwang ugok.

Ginamit namin ang hagdan para makaakyat. Papalapit na kami nang may marinig kaming mga yabag. Mga kawal. Rumoronda. Dalidali kaming bumaba ulit nang may makasalubong kami sa hagdan.

"May nakapasokk!!" Sumigaw sila. At humanda na sa pag atake. Hindi namin inasahan na ganto kabilis kaming makikita.

Binato sila ng fire balls ni Jacob. Nangako kami sa prinsesa na walang tao ang madadamay pero hindi naman namin inaasahan ang mga ganitong pangyayari.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon