Please if you have spare time kindly read my friend's work. It is Crystal Lake Academy by @AiceeecarG .
Also, this chapter is dedicated to @jiraaaah couz she's so awesome. Thank you girl for the comments. !
Alisha's PoV
"Tara rampa na tayo." Inaya na kami ni Sophie sa labas. Nakita ko sila Jesse at Sophie na nagsuot ng manipis na tela para takpan ang kanilang katawan habang si Mist naman ay naglalagay ng sun block.
Nag-abala pa kayong magtakip, kitang kita naman yung mga suot nyo. Taghirap sa tela.
Pumunta ako sa kwarto at nagbihis ng damit at lumabas din. Nag away pa kami dahil sa suot kong shirt dahil dapat daw ay yung katulad nila.
"Gusto nyo ng cobra? Yung nanggugulat? Wala kayong pake buti pa nga at sinunod ko ang sinabi nyo kanina. Hayaan nyo kong sundin ang sarili ko ngayon." Binuksan ko na ang pinto at lumabas para hindi na sila makaangal.
Nabuhay ang kanina kong hiya ng mapansin ko ang iba't ibang tingin ng tao sa amin habang naglalakad kami.
Bwisit naman kasi eh, bakit ba ako nagpauto sa mga to. Basta nung narinig ko ang pangalang Cassy, biglang nag init ang ulo ko. Parang ang pangit tignan kung ipagsasama mo ang pangalang Cassy at Blood sa isang pangungusap. Nakakasuka.
"Tigilan mo nga yan. Kapag napunit yan, lalong wala ka ng maitatago sa kanila." Tinapik ni Sophie ang mga kamay ko na nasa laylayan ng damit ko. Pilit ko itong binababa.
"Be confident. Kapag bakbakan ang tapang tapang mo tapos mag-cat walk hindi mo kaya. Yung totoo, tatay mo si Jackie Chan?" Pinakitaan naman ako ni Mist ng pageant walk nya at hinawi nito ang mga mukhang nakaharang sa daanan nito.
"Akala ko ba confident? E ba't parang nag-taping ka ng Mean Girls?" Pagtataray naman ni Jesse. Binalingan naman ako nito. "Just relax. Hindi ka mamamatay sa tingin nila." Sinunod ko ang sinabi ni Jesse. Unti unti rin naman akong nasanay sa tingin ng tao pero ng malapit na kami sa dagat nakita ko si Blood na nakatingin din sakin.
"Anong problema nito?" Mukha kasi syang tanga kung paano sya makatingin. Napakaseryoso. Hindi ko alam pero bigla akong nahiya sa pagtingin nya. Umiwas ako ng tingin dito at naglakad ng normal sa mga kaklase ko sa pangpang.
"Witwiiw. Hi babes." Tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Ryan sakin at sinikmuraan ito. Ganun din ang ginawa ni Sophie sa kanya kaya nagtawanan ang lahat.
Nakaramdam naman ako na may nakatingin sa amin kaya inikot ko ang paningin ko. At ang bumungad sakin ay ang lalaking nakalilim sa malaking payong. Halos malukot na ang mukha nito habng nakatingin sa amin.
"Pfft... Puta mukhang natatae amp." Nakasinghot nanaman siguro to.
"Anong tinatawa mo dyan?" Sinundan naman ni Mist ang tinitignan ko.
"Ayun naman pala. Lumalablayp ang bakla. Wushu! Kayo na may perlas." Biglang nag init ang mukha sa sinabi nya. Bahagya nya akong tinulak at syempre hindi ako nakahanda ay muntik na kong matumba. Bilang ganti ay sinuntok ko ito sa kanang braso.
"Oh ano nanaman yang ginagawa nyo?"
"Yang kapatid mo. Masyadong marami maglagay ng sun block ang kapal tuloy ng balat, tinesting ko lang."
"Sissy. Niyuyurak nya ang pagkababae ko. Nag evolve nanaman sya sa pagiging Hulk." Pagsumbong nito sa kakambal. Hindi ko pinansin ang pagdradrama nito bagkus ay iniba ko ang topic.
"Nasan si Sophie?" Nawala nalng sya bigla, kanina lang ay katabi ko.
"Kanina pa sya umalis. Masya ka kasing nakatutok kay..." Hindi tinuloy ni Mist ang sasabihin nya ng tinignan ko ito ng masama.
BINABASA MO ANG
Heavens Gate Academy: Alisha Trinity
FantasyWhat is Magic? Some other people say that... It does not exist.. Baliw lang ang naniniwala dun.. Isang malaking kahibangan at.. Gawa lamang ng mga kathang isip ng mga tao But for me.. Magic gave me a second life.. Have Faith.. New Hope.. Courage .. ...