Chapter XIII

8.2K 311 11
                                    

  

   Frix's POV

     G-Gods Magic?

Wtf? Pa-Paano sya nagkaroon ng ganung klaseng kapangyarihan. Wala iyon sa background, wala nga ring silbi ang binigay na info sakin dahil limited lang daw ang info sa babaeng yun. Lalo tuloy akong nahihiwagaan. Nakakainis sya lagi nya akong pinapaisip.

   Sumunod kami kay kuya Zyniel matapos nyang sumigaw sa cafeteria. Mabuti nalang ay napigilan nila Ate Aurora yung babaeng yun sa pagwawala dahil mamamatay si Eric. Paniguradong magagalit ang mga magulang ni Eric sa nangyari. Masyado kasing mayabang ang babaeng yun akala mo naman gawa sa metal ang katawan.

   "Grabe hindi parin ako maka get over sa nangyare." Wala sa wisyong sabi ni Ash. Psh, baklang bakla amp.

   Tahimik kaming pumasok sa office ni kuya Zyniel.

   "Nakita mo na kung gaano kadelikado ang kapangyarihan nya. Diba sinabi ko na bantayan mo sya, hindi ka kasi nakikinig kapag sinasabihan ka." Masyadong seryosong ang tinig ni kuya Zyniel ngayon nakaupo na sa swivel chair na nakaharap sa bintana na kita ang buong Academy.

   Sino ba ang kausap nya? Tumingin ako sa dalawa para tignan kung sino ang kausap ni kuya Zyniel. Ganun din ang ginawa ni Ash kaya napatingin ako kay Kyle. Seryoso nyang tinitignan ang likod ng swivel chair.

   "Alam nyo ang uri ng Magic na ginamit nya dahil iilan lang din naman ang nakakagawa nun." Seryoso parin ang tinig nya. Yun nga ang pinagtataka ko dahil isa lamang syang summoner—saan sya kumuha ng ganoong kalakas na mana sa katawan.

   "Body Drive Requiping; An ancient technique that can transfer the properties of a magic to the wizard's physical apperance and make them as one." Saad ni kuya Zyniel. Hanggang ngayon ay wala paring nagsasalita sa aming tatlo kaya ako na ang naglakas loob.

   "Bakit alam nya ang ganung technique—i mean isa lamang syang summoner" Nagtataka kong tanong.

   Dahan dahang humarap si kuya Zyniel. "Ganyan ka na pala tumingin sa tao ngayon Frixton. Nakuha mo ba yan sa kanya? Hindi ganyan ang kilala kong Frixton *smirk "

   "KUYA!" Sigaw ni Kyle.

   Pinigilan ako nila Ash at Kyle sa pagsugod kay kuya Zyniel.

   "Wala kang karapatang husgahan sya—WALA KANG ALAM SA NANGYARE!!!"

   "Pwes ganyan din ang sasabihin ko sayo. WALA KANG KARAPATANG HUSGAHAN ANG MGA ESTUDYANTE KO DITO SA ACADEMY NA TO!" Wala akong paki kung galit sya mas galit ako. Hindi nya kilala ang pagkatao ng hinuhusgahan nya.

   "BAKIT?!! TOTOO NAMAN AHH. HINDI SYA MALAKAS—HINDI NGA NYA KAMI MATALO, MAKAPAGYABANG SYA NG GANUN. UMAASA LANG SYA SA MGA ANGHEL NYA NI HINDI NGA NYA KO MAATAKE NG PISIKALAN KASE UMAASA LANG SYA SA KAPANGYARIHAN NYA. WALANG KWENTA ANG GANUNG URI NG WIZARD. NAPAKAHINA NYA PARA UMASA LANG KAPANGRIHANG TAGLA—"

  

   "Hanggang dito ba naman ay may yumuyurak parin sa pagkatao ko." Ang lamig ng boses ng nagpatigil sa akin para magsalita. Alam kong sya yun kaya humarap ako para ipamukha sa kanya na totoo ang sinasabi.

   Pero para akong napipe nung makita ko ang itsura nya. Gutay gutay ang suot at puno ng mantsa ang buong katawan. Para syang pinagtulungan sa lagay nya ngayon pero nanatili parin ang tibay ng tindig at ang walang emosyong mukha.

   Pero ang kanyang mata. Sa mata nya makikita ang sakit na dinarama nya. Tila ba iiyak sya ngayon sa harap ko. Malayong malayo sa matapang nyang anyo na lagi kong nakikita. Para bang isang pitik mo lang sa kanya ay tatalsik na sya ganun kahina ang nakikita ko sa kanya. Masyadong marami ang sinasabi ng kanyang mga mata.

Heavens Gate Academy: Alisha TrinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon