My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 2
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_____________________________________
"Andito na tayo Brix.. sa ngayon dito ka muna titira, tandaan mo walang sino man ang maaring maka alam ng tunay mong pagkatao" wika ng ate nito na si Angel
"Naiintindihan ko, maari muna akong iwan.
"Ipapakilala muna kita sa caretaker ng bahay habang nandito ka..
"Wag na, simula dito ako ng bahala sa sarili ko, tandaan mo Angel simula sa araw na ito at sa darating na tatlong buwan ay wala akong kinalaman sa angkan natin.
nagsalubong ang kilay ni Angel sa narinig "Syempre Vespers kaparin! Hindi mo ba narinig si dad? pansamantala kalang nyang aalisan ng karapatan na gamitin ang apilyido nya..
"Naiintindihan ko, makakaalis kana. sagot ni Brix
bumuntong hininga, "Okay sige.. basta pag may problema ka.. kung kailangan mo ng tulong o kausap pwede mo kong tawagan ha? o kahit walang dahilan.. tawagan mo ko hanggat gusto mo Brix..
Tumango lang si Brix at pumasok na sa malaking bahay na magiging tahanan nya sa loob ng tatlong buwan, dirediretcho na pumasok sa loob si Brix dahil bukas ang pinto, nilibot nya ng mata ang loob ng bahay na iyon na gawa sa kahoy, mapabahay o kasangkapan doon ay halatang mga sinauna pa dahil sa desinyo nito at kalidad ng furnitures.
"Brix Vachirawit? wika ni Entong
Napalingon si Brix sa tumawag sakanya at tinanguan lang ang matandang lalaki na nakangiti habang kinukuha ang mga gamit nya
"halika iho.. ituturo ko ang magiging kwarto mo, ako nga pala ang caretaker dito na si Entong, kasama ko ang asawa kong si Lusia dito, maari mo kong tawagin sa kahit ano basta kumportable ka..
Hindi tumugon si Brix hanggang makarating na sila sa magiging kwarto nya pero nakaagaw ng pansin nya ang katapat ng kwarto nya dahil medyo bukas iyon at magulo ang loob, napansin naman ni Entong na nakatingin si Brix doon
"Yan nga palang magulong kwarto nayan ay si Brylle ang umuukopa, siya ang anak ng may ari ng mansyon na ito.. sabi sa akin ng amo ko ay ipakilala ko daw kayo sa isa't isa dahil kahit mag pinsan kayo ay hindi pa kayo magkakilala dahil sa ibang bansa ka ipinanganak at lumaki
Pumasok na si Brix sa kwarto, "Ako na ang bahala sa sarili ko, bababa ako kung nagugutom ako, magtatanong sayo kung may gusto akong malaman kaya wag na wag nyo akong gagambalain.
pagkasabi ni Brix nun ay agad na nyang sinara ang pinto at muling binuksan ang laptop nya dahil nais nya muling pag aralan ang ngyaring pagsabog sa planta pero sa pagkadismaya nya ay walang internet connection kaya tinignan nya ang phone nya at ganun din yun.
Inis na lumabas sya ng kwarto at tinanong si Entong kung bakit walang internet connection.
"Ay naku sir! wala ho talagang internet connection dito, kayo ho ay bababa pang bayan kung mag internet kayo..
"Gaano kalayo ang bayan? raning ni Brix
"30 km mula dito ho sir.
Iniwan na ni Brix si Entong at bumalik ng kwarto, nakatiim bagang sya habang nakatingin sa bintana na puro halaman at puno lang ang makikita, mahigpit na bilin sakanya ni Angel na wag syang lalampas sa dalawampung kilometro mula sa bahay na yun na ang ibig sabihin lang ay hindi sya maaring pumunta sa bayan..
Naisip ni Brix na tama lang ang kaparusahan na yun sakanya dahil nagpakampante sya at hindi nag- ingat ngunit di nya maiwasang makaramdam ng galit dahil alam nya na sinadya ng mga ito na dalhin sya sa walang internet connection na lugar na iyon dahil alam ng mga itong mahihirapan sya kung di nya magagamit ang cellphone o laptop nya.
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...