fear and love

57 4 1
                                        

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 14

Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence

Bright Vespers (Brix Brother)
Win/Levi Vespers (husband of Bright)
Angel Vespers (Bright's twin sister)

_______________________________________

"Takbo! Sigaw ni Brix na naging dahilan para tumakbo si Brylle.

Malalaki ang hakbang na sinundan niya si Brylle, hanggang sa takbuhin na niya ang pagitan nilang dalawa, napansin ni Brylle na malapit na siyang maabutan ni Brix kaya lumiko sya kahit alam nyang mapanganib sa parteng iyon ng gubat dahil nagkalat ang makamandag na mga ahas, tumawid siya sa ilog at nagtago sa puno, habol ang hininga na sinilip nya ang kinaroroonan ni Brix ng magulat sya sa patalim na muntik ng tumama sakanya.

Agad syang tumakbong muli ng malaman na malapit lang si Brix sakanya hanggang sa matigilan siya dahil may malaking ahas syang nakasalubong at mukhang handa syang tuklawin nito, napansin ni Brylle na may mga itlog ng ahas malapit sa kinaroroonan ng ahas.

"Sh*t. tanging nasambit nalang ni Brylle

Dahan dahan siyang umaatras ng kumilos ang ahas palapit sakanya, at dahil patalikod ang lakad ay napatid sya sa isang sanga at napaupo, wala na syang nagawa kundi pumikit nalang ng may humawak sa braso nya at itayo sya.

"Tanga kaba?! Taga rito ka pero hindi mo alam na delikado sa parteng ito ng bundok! galit na wika ni Brix

Nilingon ni Brylle ang ahas at nakita nyang may tatlong patalim na nakatarak dito. "Papatayin mo na ba ako? gagawin mo rin ba sa akin ang ginawa mo sa ahas na iyan? tanong nya at tumingin ng diretcho sa mata ni Brix

Niyakap si Brylle. "Hindi.. umalis na tayo dito. wika niya at hinawakan ang kamay ni Brylle ngunit marahas na hinila nya ito.

"Ayokong sumama sayo Brix.. Mauna kanang umalis

Nagsalubong ang kilay. "Paano kita iiwan dito kung hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo?! wag ng matigas ang ulo mo at umalis na tayo dito!

"Ano bang problema mo? gusto mo akong sumama sayo matapos mong pagtangkaan ang buhay ko kanina? sa tingin mo makakarating ako sa parteng ito ng gubat kung hindi dahil sayo?

"Sinabi ko na.. umalis na tayo ngayon! alam mong ayoko ng paulit ulit Brylle. nagbabantang wika ni Brix

"Bakit? anong gagawin mo? papatayin mo ko? edi hinayaan mo nalang sana akong matuklaw ng ahas kanina! ah... baka kaya mo ko niligtas kasi gusto mo Ikaw Ang pumatay sakin. tama ba ako Brix?

marahas na hinawakan sa braso si Brylle "Galit ako sayo.. Galit na galit dahil hindi ka mawala sa isip ko! kahit saan ako lumingon nakikita kita! ni hindi ako makakilos at makapag isip ng maayos dahil sayo! gusto kitang mawala sa mundo ko at sa mundong ito dahil isa kang malaking balakid para sa akin.. (hinawakan ang pisngi ni Brylle) pero, Hindi ko pala kaya.. ayokong magkaron ng kahinaan pero ayoko ding mawala ka.. nahihirapan na ako Brylle, ano bang dapat kong gawin?

.
.
.
.
.
.
.
.

++++++ Vesper's Mansyon +++++

"Bakit ngayon nyo lang pinaalam sakin ito?! Anong ngyari kay win? asan na siya! galit na tanong ni Bright

"Ligtas na siya.. Kasama niya sila Kinn, parating na sila dito. sagot ni Angel

"Isang linggo sa ospital ang asawa ko pero wala manlang akong kaalam alam! bakit ba ko naniwala sa mga kasinungalingan nyo! sabihin nyo nga, Anong dahilan..? bakit laging wala si Win!

nagkatinginan si Love at angel. "Kasi pinsan.. nalaman ni win na Hindi totoong Brylle ang kasama ni Brix, nagpapanggap lang sya..

Nagsalubong ang kilay. "Anong sabi mo? paanong ngyari yun? paanong nalaman yun ni Win?

"Nagsimula yun sa kutob nya kaya Pina imbistigahan ni Win si Brylle, nalaman nyang matagal ng patay ang totoong Brylle at isang impostor ang kasama ni Brix. sagot ni Angel

"Kung ganun Ano ang tunay na katauhan ng kasama ni Brix sa probinsya?

bumuntong hininga, "Hindi parin namin alam.. ang sabi ni win, pag wala pa siyang nakuhang impormasyon matapos ang isang linggo ay sasabihin nanamin sa inyo ang lahat pero bigla siyang naaksidente, Hindi ko pa alam ang detalye dahil kanina lang tumawag sa akin si win.. patawad kong itinago ko na Hindi ko makontak ng Isang linggo si win at nagsinungaling ako sayo. wika ni angel

Galit na sinipa ni Bright ang lamesa kaya nabasag iyon. "Sana sinabi mo agad na Hindi mo sya makontak Hindi iyong nagsinungaling kapa na he's preparing something for me kaya hindi nya ko tinatawagan! (lumapit kay angel) nagtitimpi lang ako ngayon dahil kapatid kita.. simulan nyo ng magdasal ni Love dahil oras na may kahit isang galos si Win pagdating nya.. (tumingin kay love at kay angel) Hindi ko alam kong anong magagawa ko sa inyong dalawa..

Takot na napayuko si Love habang taas noo namang si angel na nakatitig din kay Bright, natatakot din siya dahil alam nyang Hindi nagbibiro ang kambal pero ayaw nyang ipahalata na natatakot sya Dito

"Sir.. andito na po sila sir Win.. takot na wika ng kasambahay

"Ihanda nyo ang sarili nyo. banta ni Bright na Hindi inaalis ang masamang tingin kay angel ng may pumingot sa Tenga niya. "Ah...a... ba-babe? okay ka lang ba? (hinawakan ang pisngi ni Win) may sugat kaba? galos? may masakit ba? naospital ka daw... sunod sunod na tanong nya kay win

"Okay lang ako, wag kang magalit kila angel dahil pinilit ko lang silang pagtakpan ako, sakin ka magalit dahil kasalanan ko ang lahat.. sorry kung nagsekreto ako.. paliwanag ni win

umiling iling, "Hindi ako nagagalit babe.. nag-uusap lang kami nila angel,

tinignan ang basag na lamesa syaka tumingin kay bright, "Hindi pala nagalit..

ngumiti, "Natabig lang yan ng paa ko babe kaya nabasag, pero hindi na yan importante, sabihin mo paano ka na ospital at sinong gumawa nun sayo? sa tingin ko sakanya ko dapat Magalit..

"Hindi ko rin alam pero hindi yun mahalaga s ngayon, That impostor Brylle, sigurado akong may malaking tao sa likod nya..

"Babe.. importanteng malaman natin kung sinong nanakit sayo.. sabihin mo sakin ang detalye at ako ng bahalang trumabaho..

masamang tinignan si Bright. "Okay fine! pero panoorin nyo muna to. Akina yung laptop Kinn.

Pinanood nila ang video na nakuha ni Brylle at namangha sila sa galing sa pakikipaglaban ng nasa video na lalaki.

"Grabe.. totoo talaga ang kasabihan na don't judge the book by its cover.. sinong mag aakala na yung Brylle na nasa probinsya at yang lalakingdyan sa video ay iisa.. (tumingin kay Win) Beterano siya sa kahit na anong sandata at isa pa malakas siya at mabilis kumilos.. wika ni Angel

"Dahil sa video na yan kaya ako naaksidente.. kailangan na nating sabihin to kila daddy phoenix, Hindi basta basta ang lalaking yan.. wika ni win.

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon