My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 32
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris
_________________________________________
"Andito na tayo sir, tandaan nyo wag kayong gagawa ng kahit na anong magdudulot ng kahihiyan kay sir Crent. Turan ng bodyguard na kasama ni Brylle bago sya lumabas ng kotse, minabuti nyang hindi na sumagot kahit pa alam nyang hindi ito makakahalata kahit magsalita sya dahil sa suot nyang maskara, hindi nya alam kung saan gawa iyon pero medyo nagbabago ang boses dahil kulob iyon at tanging mata lamang ang kita, ni hindi nya alam kung bakit ganun ang maskara na iyon samantalang party ang pupuntahan niya.
Taas noo syang naglakad sa kulay pulang carpet na iyon na napapaligiran ng mga bulaklak, hanggang sa halos masilaw sya sa liwanag sa loob ng hotel na iyon, napamangha sya sa Garbo at ganda ng lugar, sigurado sya sa tingin pa lang na kahit ang mga kutsara at baso na naroon ay mamahalin, nakapamulsa syang lumapit sa mesa at balak sanang kumuha ng maiinom ng maalala ang suot na maskara, "Bakit Naman kasi ganito tong maskara n to eh. Turan nya sa sarili at inilibot na lamang ang mata para hanapin si Brix, sa ginawa nya ay napagtanto nyang halos lahat ng naroon ay nakatingin sa kanya, bakit nga naman hindi, sa lahat ng naroon sya lang ang naka-itim at may kakaibang maskara, sa puntong iyon nakaramdam ng kakaiba si Brylle. May mali dito, mahina nyang Turan at aalis na sana ng isara ang malaking pinto kaya nakulong silang lahat doon. "Do you feel it now Uno? the horror of falling into the dragon's lair? Agad na napatingin si Brylle sa pinanggalingan ng boses na iyon at ramdam nya ang biglang pagbulusok ng kaba sa loob nya dahil kung nakakamatay lang ang tingin marahil ay nakabulagta na sya, si Brix ang nagsalita nun at sigurado sya na para sakanya ang mga salitang yun. Sh*t! it's a trap. Turan ni Brylle sa sarili.
Mabilis ang kilos na sinubukan nyang tanggalin ang maskara na suot nya ngunit lalo lamang nabuhol iyon dahil sa ginawa nya, F*ck! kung hindi ako ang nandito ngayon malamang si Ken ang nasa sitwasyon ko, sa isip nya pa ng biglang may sumuntok sa tyan nya na naging dahilan para mamilipit sya sa sakit at mapaluhod, hindi pa sya nakakabawi sa pagkabigla at sakit ay agad na sya nitong sinabunutan at iniangat ang mukha nya para magtagpo ang tingin nila. "Kung marunong ka magdasal gawin mo na dahil bilang na ang oras mo sa mundo! Turan ni Brix,
Nanlalaki ang matang napatitig nalang si Brylle dito, ni hindi nya naramdaman ang paglapit nito at ngayong kaaway ang tingin sa kanya ni Brix ay Saka nya lang napagtanto kung gaano kapanganib ang Isang Brix Vespers, The soulless Ace and the brain of Vespers clan, "I-its me... mahinang Turan ni Brylle ngunit parang walang narinig si Brix na itinayo sya habang hawak nito ang buhok nya "Lumaban ka. walang emosyon na Turan nito at sinuntok si Brylle sa mukha ngunit agad nya iyong nasangga pero dahil sa impact ay napaatras sya ng ilang hakbang, hindi nya makakilos ng maayos dahil kanina pa sya nakaramdam ng hilo at panghihina "hoy Brix! ako to si Brylle! muli nyang Turan ngunit muli ay sinugod sya ni Brix kaya agad nya iyong sinangga, nagtuloy tuloy ang pag-atake ni Brix kaya kinailangang na nyang lumaban para makatakas, ng makakita ng butas sa pagitan ng pagsuntok ni Brix ay agad syang sumuntok at tinamaan si Brix sa tagiliran, napaatras ito dahil sa ginawa nya ngunit imbes na masaktan ay nakangiti pa ito na animo'y natutuwa dahil lumaban sya.
"Ako nga to Brix! ako to si Brylle! muli nyang Turan habang tinatanggal ang maskara ngunit muli syang sinuntok sa mukha ni Brix na naging dahilan para magkalamat ang maskara, "Matibay yang maskara mo ha. Turan ni Brix at muling sinugod si Brylle.
"tama na yan! sigaw ni Bright at naglalakad palapit sakanila, Buhayin mo muna sya Brix, wag mo sya bigyan ng madaling kamatayan.. isa pa, kailangan nating masiguro kung nasa kanya sila daddy. Brix smirk then landed a punch to Brylle's face for the last time. "Akong bahalang magparusa sakanya. Turan nya pa bago hayaang hawakan ng mga tauhan nila si Brylle.
"Puno na ko.. Ikaw yung utak ng angkan nyo? baliw ka.. ano bang mahirap intindihin na hindi nga ako si uno! sigaw ni Brylle at pinipilipit ang braso ng nasa kanan nya at sinipa ang nasa kaliwa nya, mabilis nya iyong napatumba ngunit mabilis din na kumilos ang mga tauhan nila Bright at pinalibutan si Brylle.
"Tumabi kayong lahat dyan! gusto nyang malumpo kaya ibibigay ko sakanya yun.. Turan ni Brix at muling sinugod si Brylle, napailing nalang si Bright habang pinapanood ang dalawa hanggang sa makarating sila sa balcony ng hotel ay may napansin si Bright. "Sandali lang Brix! mukhang nagsasabi sya ng totoo! hindi sya si Uno! sigaw ni Bright
Parang walang narinig si Brix na muling sinuntok si Brylle ngunit nagawa nitong masalag iyon ng kamay nya, Hindi maintindihan ni Brylle kung bakit pero nagdidilim ang paningin nya at nanghihina talaga sya, siguradong Hindi iyon dahil sa natamo nyang pinsala, sa pagkakataong iyon isa lang ang sigurado sya, sa mansyon nila Ken, marahil may inilagay sa inumin nila ng kaibigan, walang lakas na napahawak sya sa railing ng balcony hanggang sa mawalan sya ng balanse, nanatili syang nakahawak habang nagising ang diwa nya ng makita kung gaano kataas ang maari nyang bagsakan pag nagkataon. "Brix! sigaw nya ngunit nakangiti lang si Brix habang nakatingin sakanya hanggang apakan nito ang Isang kamay ni Brylle na nakahawak sa railing ng balcony. "ahhh! ano ba! Turan ni Brylle at sinubukan sirain ng Isang kamay nya ang parte ng maskara nya na may crack hanggang sa tuluyang masira iyon syaka sya muling tumingin kay Brix. "Itaas mo ko! utos nya dito pero parang wala itong naririnig at nanatili lang na nakatingin kay Brylle. alam ni Brylle na nabigla ito ngunit ilang sandali nalang ay makakabitaw na sya dahil bukod sa nahihilo sya ay nghihina narin sya. Gumising ka nga Brix! tulungan mo ko. muli nyang sigaw ngunit nanatili itong nakatayo dun na tila na istatwa, tatlong daliri nalang nya ang nakakapit sa railing at wala na syang lakas para itaas ang isa nyang kamay, wala ng nagawa si Brylle kundi ngumiti nalang kay Brix. "Hindi ko alam na sa ganitong pagkakataon ko to sasabihin... Brix Vespers, mahal kita.... huli nyang nasambit ng tuluyang makabitaw sa railing.

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...