new family

61 5 0
                                    

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 16

Bright as Brix Vachirawit Vespers

Win As Brylle Velence

Bright Vespers (Brix Brother)

Win/Levi Vespers (husband of Bright)

Angel Vespers (Bright's twin sister)

_______________________________________

Gising na si Brix pagbalik ni Brylle sa kwarto, seryoso itong nakaupo habang nakatingin sa cellphone ni Brylle. "San ka galing? tanong nito na hindi nililingon si Byrlle.

"Uminom lang ng tubig.. Hindi ko alam mababaw pala ang tulog mo, pasensya na kung iniwan kita.. nakangiting sagot ni Brylle saka lumapit dito at humiga. Matulog pa tayo, mahaba pa ang gabi.

Hinawakan ni Brix ang kamay ni Brylle habang seryosong nakatitig dito, "Sumama ka sakin bukas sa manila, dun kana tumira kasama ko. nagulat si Brylle sa sinabi nito pero agad ding tumango habang nakangiti. "Sige.. sasama ako sayo. sagot nya at nakangiting pumikit habang nakayakap ang isang braso kay Brix

.

.

.

.

++++ MANILA (VESPER MANSION) +++

Seryosong nakaupo sina Angel, Love, Phoenix, Heaven at Bright sa sala habang nakatayo naman si Levi at nakasandal sa pader na pinagmamasdan ang bagong dating.

"Masaya akong bumisita ka dito Brylle. bati ni heaven dito at niyakap, ngumiti naman ito at gumanti ng yakap kay Heaven. "Maraming salamat po tita. wika niya.

"Dito na siya titira. Seryosong wika ni Brix na ikinalaki naman ng mata nila Angel. "Dito na siya titira? bakit ang bilis naman? mag lilive in agad kayo?! sunod na sunod nito

"I believe, I'm old enough to decide what to do in my life or who's to enter so just respect my decision. seryosong Turan ni Brix, napatikhim nalang si Phoenix habang ngumiti naman si Heaven at magiliw na tumingin kay Brylle. "So I guess, welcome to the family Brylle.. wika pa ni Heaven

"Let's talk first Brix, samahan nyo muna si Brylle dito sa Sala. wika ni Phoenix at umakyat na ng hagdan, sinundan naman agad sya ni Brix hanggang sa pumasok sila sa study room, prenteng umupo doon si Phoenix na akala mo isang Hari na kailangang sundin ang bawat ipag-uutos nito, nakaramdam ng kaba si Brix sa Hindi nya alam na dahilan pero hindi nya iyon ipinakita sa halip ay taas noo syang tumayo sa harap ng ama, Hindi ito nagsalita muna sa halip aymay kinuha sa drawer at inilapag sa lamesa kasabay ng pagsenyas ng Isang kamay nito na Kunin ni Brix ang mga papel kaya agad nya itong kinuha at binasa.

"Pina-imbistigahan nyo si Brylle ng walang pirmiso ko? unang tanong na lumabas sa bibig ni Brix na ikinatawa ng ama nya. "May bago ba? wag mo sabihing Hindi mo alam na mula pagkabata nyo ay pinapa-imbistigahan ko na ang lahat ng nakakasalamuha nyo.

"Alam ko na to dad. seryosong Turan ni Brix habang nakatitig sa mata ng ama,

tumango tango si Phoenix "Well, I will be disappointed kung Ikaw ang huling nakaalam nyan lalo pa at sa bibig mo mismo nanggaling na hihigitan mo kami ng kuya mo sa pamamalakad ng mga tao at negosyo natin.

"Anong gusto mong malaman dad?

Sumeryoso si Phoenix at diretcho na tinitigan sa mata si Brix. "Ikaw Ang dapat kong tanungin, bakit ka nagpapasok dito sa bahay ng tao na Hindi kapa sigurado sa totoong pagkatao at sa motibo sa pamilya natin o sayo?

naikuyom ni Brix ang mga kamao nya, alam nyang isang malaking katangahan at banta sa pamilya nila ang ginawa nya pero sa mga oras na iyon ay hindi nya kayang mag isip ng Tama, ang mahalaga lang sakanya ay makasama si Brylle, "Babantayan ko sya.. magtiwala ka dad.

"Magtiwala sayo? Kung ngayon pa lang Hindi mo na kayang gawin ang Tama, paano pa ako magtitiwala sayo? sa itsura mo ngayon kahit bigyan ka ni Brylle ng inumin na may lason sa tingin ko ay iinumin mo yun ng walang pag aalinlangan.

"My body is immune to any poison. sagot ni Brix na ikinabigla ni Phoenix, napahawak pa sya sa batok nya dahil hindi manlang itinanggi ng anak ang sinabi nya sa halip ay para pa itong sumang-ayon sakanya dahil sa sagot nito. Dahil sa kawalan ng masabi ay ipinatawag niya si Heaven, alam niya na mas maiintindihan ng asawa ang kabaliwan ng anak nila.

.

.

.

.

.

.

Pag-alis na pag-alis ni heaven sa Sala ay umupo si Win habang nakangiti kay Brylle, kanina ay tahimik na nagmamasid lang sya sa bawat kilos nito at bilang naging agent noon at sanay sa pag-arte ay masasabi nyang 10/10 ang ibibigay nyang score dito, kahit sino ay maniniwala sa magiliw nitong ngiti, malambing na boses at mga mata na animo'y hindi marunong magsinungaling, idagdag pa ang inosente nitong mukha.

"Anong nagustuhan mo kay Brix? tanong ni Win

"Si Brix... ang totoo, Nakakatakot sya at alam kong mapanganib sya pero pagdating sa akin, nararamdaman kong iba ang trato nya, siguro nagsimula ko syang magustuhan ng iligtas nya ko sa mga magulang ko, ang cool nya nun.. pag kasama ko si Brix pakiramdam ko walang makakapanakit sakin.. nakangiting sagot ni Brylle

Napataas naman ang kilay ni love at angel dahil sa narinig habang seryoso pa rin si Bright at walang imik.

"Ah.. dahil pala pakiramdam mo espesyal ka pag Kasama mo si Brix? well.. Hindi kita masisisi kasi nasa lahi talaga nila ang pagiging protective, seryosong wika ni Win at tinapik ang balikat ni Brylle. payong Kuya lang, sa pamilyang ito wla kang maitatago kaya mag-iingat ka.

ngumiti. "Wala naman akong itinatago.nakangjting sagot ni brylle

"Lahat ng tao may itinatago, paalala lang Brylle, lumaki kaming maraming ahas na nakapaligid samin kaya sanay kami sa panganib at natutoto kaming maging maingat, sa kapamilya man o mga bagong pumapasok sa tahanan na ito. gusto kong wag mong kakalimutan na oras na may gawin kang ikakasama ng pamilya namin, sisiguraduhin kong lalabas ka ng walang buhay sa bahay n to, Wala akong pakiilam kahit makaharap ko pa si Brix dahil mas madali sa aking pumatay kesa magpatawad.

yumuko naman si Brylle dahil namumula na ang mata nya sa takot, kagat labi nalang sya na tumango sa babala ni Bright dahil hindi nya magawang sumagot pa dito.

"Pinagkaka-isahan nyo ba sya?! wika ni Brix na bumababa sa hagdan

Tumayo si Bright at nakapamulsang sinalubong si Brix. "Pinapaalalahanan ko lang sya, kailangan kong gawin yun dahil hindi ka marunong mamili ng taong dadalhin mo dito sa bahay.

Napatiim bagang naman si Brix sa narinig "Bawiin mo yang sinabi mo..! pagbabanta nya

"Wala akong babawiin! sagot ni Bright kaya lumapit na si Angel at Win para awatin ang magkapatid. "Tama na yan babe, umakyat na muna tayo sa kwarto natin, wika ni Win at hinila na si Bright paakyat, agad namang sumunod si Love at angel sakanila kaya naiwan sa Sala si Brix at Brylle.

"Sorry.. dapat alam ko ng hindi ako magugustuhan ng pamilya mo.. umiiyak na wika ni Brylle, agad namang lumapit saknya si Brix at niyakap sya. "Sshhh..Wag mo silang isipin, Hindi nila mababago ang pasya ko. Ang mabuti pa umakyat na tayo sa kwarto natin.








Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon