anything to be with you

86 5 1
                                    


Brylle Pov
Nagising ako na may mabigat na nakadagan sa bewang ko, pag mulat ng mga mata ko ay ang gwapong mukha ni Brix ang bumungad sa akin habang nakangiti at nakatitig sa mukha ko

"good morning, ano ng gagawin natin sa date natin? tanong nito

ngumiti Ako at kinindatan sya. "Good morning talaga, mas maliwanag pa ang kagwapuhan mo sa araw.. lalong lumawak ang ngiti ko ng natigilan si Brix at mamula ang mukha, umupo na ako habang si Brix ay nananatili pa rin sa pwesto nya at mukhang dipa rin Maka move on sa sinabi ko. Hoy..natulala kana dyan? bumangon kana aalis na tayo.

"Anong sabi mo ulit? wika ni Brix na tumabi kay Brylle

"Wala bang nagsasabi sayong gwapo ka? O.A ng reaction mo ha.. natatawa kong wika at tumayo na para mag inat ng katawan

"Sabihin mo nga Brylle, player kaba? nasan na ang inosente at mahiyaing Brylle na nakasama ko sa probinsya? di makapaniwalang tanong ni Brix

"Nagsabi lang ako ng totoo, player agad? ang advance mo mag isip ha.. syaka sinabi ko naman sayo diba, sa date na to makikilala mo ang totoong ako kaya wag ka ng magtaka kasi hindi ako mahina at lalong hindi ako mahiyain.. lumakad na nga tayo, para sinabihan ka lang na gwapo naging kulay kamatis na mukha mo. biro ko sakanya

hinawakan ang kamay ni Brylle. "Ginagawa mo ang gusto mo kaya ganun din ang gagawin ko. wika ni Brix na sa daan nakatingin

ngumiti. "Bahala ka..

ilang sandali pa kaming naglakad hanggang sa may iilan na bahay na kaming makita,  marami ang batang naglalaro sa labas na agad nag umpukan sa amin ng makita kami.

"Sino po hinahanap nyo? tanong ng Isang bata

"Naliligaw kasi kami, nawalan ng gas ang sinasakyan namin kahapon, Anong lugar to?  tanong ko sa mga bata.

nagtakbuhan naman ito habang tumatawg ng tatang, at s pagbalik nila may iilang matanda na silang kasama

"Naliligaw daw kayo mga iho? tanong ng tinatawag nilang tatang. "Opo. kahapon pa po kasi kami naghahanap ng mapapagtanungan at mahihingian ng tulong. sagot ko

"Naku marahil ay gutom na kayo, sumunod kayo at kumain muna habang nag uusap tayo. wika ni tatang

tahimik lang si Brix habang nasa harap kami ng hapag kainan, halatang naiilang sya dahil nagkakamay ang ibang matanda habang kumukuha ng kanin na nakalagay sa dahon ng saging

"Naku.. pagpasensyahan nyo na at iilan lang ang kutsara ko dito, sanay kasi kaming nagkakamay. hinging paumanhin ng tinatawag nilang tatang

"Naku okay lang po.. salamat po sa pagkain, nakangiti kong wika at inabutan na ng Plato si Brix, napangiti pa ako ng napalunok sya habang titig na titig sa kanin, pigil ang ngiti na dumakot ako ng kanin gamit ang kamay ko syaka nilagay yun sa Plato nya "Kain kana..

"Kakain kaba? kunot noong tanong ni Brix

"Syempre! gutom na kaya ako! sagot ko syaka nag umpisa ng kumain, halatang first time mag kamay ni Brix kaya habang kumakain ay tinuruan ko sya, well.. Hindi ko inexpect pero kaya nya palang maging kalmado at makibagay.

Habang kumakain ay tinanong ni tatang kung Anong relasyon namin ni Brix, sabi ko magkaibigan lang kami, marami pa silang tinanong pero ako lang ang sumasagot dahil hindi nakikinig si Brix at seryoso lang ito sa pag aaral kumain ng naka kamay

"Bueno, dalawang beses lang sa isang linggo may dumadaang jeep dito sa amin, kung mag tryccle naman kayo ay napakamahal, kung gusto nyo dumito muna kayo ng dalawang gabi, sa sabado ay may dadaan nmang jeep.

"Talaga po tatang? pwede kami dito? kaya lang.. Wala po kaming pera na dala.

"Wag mo ng isipin iyon, basta tumulong nalang kayo sa Gawain dito,

"Salamat po tatang!

pagkakain ay inutusan ni tatang ang mga bata na ilibot kami sa lugar nila.

"Diko inaasahang Kakain ka kanina.. sabi ko kay Brix habang naglalakad kami

"Kumain ka kaya kumain din ako.

"Anong connect ng bibig ko sa bibig mo? natatawa kong tanong

tumingin sa labi ni Brylle. "Kung hahalikan ba kita ngayon magkakaron na yun ng koneksyon?

nanlalaki ang matang nilingon ko ang mga bata,, "Bibig mo nga! marinig k ng mga bata!

Ngumiti, "Sinagot ko lang ang tanong mo..

nang sumapit ang hapon ay tinulungan ni Brix ang iba na magbuhat ng tubig, tutulong din sana ako pero pinigilan ako ni Brix at magluto nalang daw ako.

"Mukhang mayaman ang kaibigan mo Brylle ha, halatang di sanay sa ganitong buhay. wika ni aleng maria

"Opo, laki sa yaman yan kaya pag pasensyahan nyo na..

"Umamin ka nga, nagtanan b kayong dalawa?

"Po? anong nagtanan? naku.. wala pong ganun..

"hay naku.. umamin kana.. alam ko namang Hindi lang kayo magkaibigang dalawa, halata sa titig nyo na nagmamahalan kayong dalawa..

"Ako po? mahal si Brix? naku.. malabo na po ata ng mata nyo aleng maria.. natatawa kong sagot

"Aba.. sa tanda kong to alam ko na ang mga ganyang tingin, marahil Hindi pa sigurado ang utak mo na tanggapin ang nararamdaman mo pero alam mo bang mahal n sya ng puso mo at Hindi mo na yun mapipigilan pa..

Natigilan ako sa sinabi ni aleng maria at napaisip, totoo ng kaya? gusto ko na kaya si Brix?

"Mukha namang mahal ka talaga ni Brix, bakit Hindi nyo subukan Brylle? maikli lang ang buhay kaya piliin mong maging masaya at siguraduhin ang nararamdaman mo kesa magduda at magdalawang isip, alam mo iho, tao lang tayo at Hindi natin hawak ang mga mangyayari kaya kung ano ang magpapasaya sayo basta Hindi nakakasama, sunggaban mo na agad kesa isng araw magsisi ka dahil nagpaligoy ligoy kapa.. wika ni aleng Celia

"Maging masaya.. mahina kong wika syaka tumingin kay Brix na agad na ngumiti ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Sya nga pala, may sayawan mamayang gabi Dyn sa plaza, pumunta kayo ni Brix at ng ma enjoy nyo Ang lugar namin

"Sige po aleng maria, yayayain ko si Brix.

"Ayan luto na.. Brix iho, tikman mo nga itong niluto namin. tawag ni ALeng Celia kay Brix na agad namang lumapit at tinikman.

"Masarap.. wika ni Brix

"Abay Oo.. si Brylle ata ang nagluto nyan. sagot ni aleng maria

Ngumiti, "Kaya pala masarap.. wika ni Brix habang nakatingin sa akin.

"Naku.. punasan mo nga Brylle si Brix at naliligo na yan sa pawis, oh ito ang pamunas..

"Ako? kaya naman nya aleng maria eh.

"Nakita mo ng pagod sa pag iigib, sige na.. punasan mo na ang pawis ni Brix bago pa matuyo

Hindi na ako nakapagsalita ng lumapit si Brix sakin, "unahin mo na ang noo ko, pawis na pawis

"Oo.. ito na po, mahal na Hari!

ngumiti, "Masaya kaba dito Brylle?

"Oo naman! simple dito at tahimik..

"Kaya kong kalimutan ang pagkatao ko at mamuhay sa lugar na to basta kasama kita.. seryosong wika ni Brix habang nakatitig sa mata ni Brylle.

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon