My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 8
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_______________________________________
Dumiretcho si Brylle sa kwarto ni Brix ngunit wala ito, bababa na sana syang muli ng makita nyang nakabukas ng bahagya ang kwarto nya kaya sinilip nya kung naroon si Brix.
"Andito ka lang pala.. wika ni Brylle na pumasok sa kwarto niya
Nanatiling nakahiga si Brix at hindi sya sinasagot kaya hinawakan ni Brylle ang isang daliri nito, "Sorry na.. ang totoo nyan, kahit hindi maganda yung unang pagkakakilala natin, pero ngayon nag iiba na ang tingin ko sayo..
Umupo, "Hoy Brylle! masyado na ba akong mabait sayo?! Sinabi ko na diba dapat matakot ka sakin!
Ngumiti, "Takot naman talaga ako sayo eh.. pero kahit ganun mas gusto ko pa ring malapit sa tabi mo, feeling ko kasi lahat magiging okay pag andyan ka sa tabi ko.. tulad kagabi, alam mo.. sobrang saya ko na may nailigtas akong bata, at diko magagawa yun kung wala ka sa tabi ko nung mga oras na iyon.
pigil ang ngiti "Sige... papalampasin ko yung kanina.. pero sa susunod na may magtanung kung ano tayo at sinabi mong magkaibigan tayo malalagot kana talaga sakin!
"Kung ganun.. Anong isasagot ko? nag aalangang tanong ni Brylle
Natigilan si Brix sa tanong ni Brylle at muling humiga, "Kahit ano basta hindi tayo magkaibigan!
Yumuko, "Sorry kung akala ko pwede tayong maging magkaibigan...
Muling naupo, "Nakasimangot ka nanaman dyan?! sabihin mo nga! may magkaibigan bang naghahalikan? doctor ka pero hindi ka matalino..!
"Oo nga noh..? wala ngang ganun, pero... kung hindi tayo magkaibigan, mag ano tayo?
"Bakit ba tanong ka ng tanong? basta hindi tayo magkaibigan! humiga ka na nga lang sa tabi ko!
"Pero andyan ang magulang mo diba? nakakahiya kung hindi ko sila aasikasuhin...
"Boyfriend ba kita? bakit kailangan mong asikasuhin ang magulang ko? pigil ang ngiting wika ni Brix
"Ako po kasi ang anak ng may ari ng bahay na to at dahil wala ang mga magulang ko, obligasyon kong harapin at asikasuhin ang mga bisita.
kumunot ang noo. "Ewan ko sayo! matulog ka dyan! subukan mong bumangon malalagot ka sakin! banta ni Brix at lumabas na ng kwarto nagulat pa sya ng makita sa labas ng kwarto ni Brylle si Heaven na nakangiti sa kanya
"Si Brylle.. I like him for you, wika ni Heaven na ikinakunot ng noo ni Brix
"Hindi ganun yun mommy, sa baba tayo mag usap.
.
.
.
.
SALA"Sinabi sa akin ni Manong Entong ang ngyari kagabi kaya hindi namin dadagdagan ang parusa mo. wika ni Phoenix
"Dahil okay na ang lahat, uuwi na kami ng dad mo Brix, simula ngayon pwede ka nang pumunta ng bayan, tinatanggal ko na ang 20 km rule sayo. wika ni Heaven
"Agad agad? akala ko ba.. hindi na natapos ni Phoenix ang sasabihin nya ng hilahin na sya ni Heaven palabas. "Imbitahan mo minsan si Brylle sa manila, ipagluluto ko siya. nakangiting wika ni Heaven bago tuluyang sumakay ng sasakyan.
"Aalis na agad tayo mommy? nakausap muna ba si Brix? tanong ni Angel. Umiling naman si Heaven at sinabing Hindi na nya kailangang kausapin si Brix dahil wala syang dapat ipag alala dito.
.
.
.
.
.
KINAGABIHAN
Bumaba si Brix para kumuha ng dinner nila ni Brylle ng may marinig syang nagpatugtog sa labas ng bahay kaya sinilip nya iyon

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomantizmMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...