25

61 5 1
                                    


Ramdam ng mga nakakasalamuha nila Brylle at Brix ang tila malamig na yelo na bumabalot sa dalawa ngunit kahit halata ang ginagawang pag-iwas ng mga ito sa isa't isa ay hindi maikakaila ang madalas na pagsulyap ni Brix kay Brylle na tila naghahanap ng tyempo para lapitan ito.

"Wala ba kayong balak pag-usapan yang alitan nyong mag kasintahan? tanong ni Aling Maria, malalim na buntong hininga naman ang naging tugon ni Brylle dito. Abay, wala ba akong kausap dito? wag mo sabihing pati ako hindi mo kakausapin ha Brylle? sinulyapan nya ang matanda bago sumagot. "Aling Maria, hindi nga po kami magkasintahan ni Brix. wala po kming relasyon, kahit magkaibigan hindi rin. Turan nya na nagpataas ng Isang kilay ng babae. "O sya, sige, wala kung wala, pero ano bang problema nyo? bakit hindi nyo pag-usapan iyan ng matapos na? alam nyo ba na ang fiesta ang isa pinakamasayang okasyon sa lugar namin pero yung mukha nyong dalawa pang mahal na araw. isang tipid na ngiti ang iginawad ni Brylle dito "Pasensya na po kung pang mahal na araw ang itsura nmin pero alam nyo po kasi, naniniwala akong mahalaga ang honesty and trust sa relasyon kaya pag nawala kahit ang isa dun, panigurado walang magandang ending kaya mas mabuting tapusin na agad bago pa lumalim ang relasyon namin, yang tulad ni Brix, hindi pwedeng pagkatiwalaan, sagot nya.

"Ang gulo mong bata ka, kakasabi mo lang wala kayong relasyon ni Brix pero nagkakaganyan ka dahil mukhang nawala ang tiwala mo sakanya, Tama ba ako? natigilan si Brylle sa sinabi nito. Oh, Yan na ba ang sinasabi sa kantang tulak ng bibig kabig ng dibdib? sundin mo kasi ang sinasabi ng puso mo ng hindi mo kinakain ang sinasabi mo.

Hinilot ng daliri ang noo nya. "Aling Maria, mabigat po kasi ang dahilan ko, hindi lang yun simpleng misunderstanding. sagot nya dito.

"Kahit ano pa yan, ilang araw pa kayong mananatili sa lugar na ito kaya magbati muna kayo dahil nahahawa ang iba sa inyong dalawa, dapat nagsasaya tayong lahat at isa pa, maikli lang ang buhay, hindi araw araw ay narito kayo at makakasama kami kaya sana bago kayo umalis ay mag-iwan kayo ng masayang alaala sa amin dahil maaring dumaan lang kami sa buhay nyo at makalimutan nyo rin kami pero hindi iyon parepareho sa bawat tao dahil nasisiguro kong naaalala at maalala namin kayong dalawa. Tipid na ngiti at tanging tango ang naging tugon ni Brylle dito.

Matapos magluto ng pananghalian ay inihanda na nila ang malaking lamesa na gawa sa kahoy, naglagay sila ng mga dahon ng saging at naglagay sila ng kanin sa gitna nun na pinalibutan ng ilang prutas at mga ulam. "Kumain na muna kayo, halina kayo. tawag ni Aling Maria sa ibang kalalakihan na nag-iigib at nagsisibak ng kahoy, Isa-isa itong naghugas ng kamay at lumapit sa mesa.

Matapos magdasal ay nagsimula na silang kumain, dahil pumwesto si Brix malayo kay Brylle Kaya nanibago ang mga nasa hapag kainan habang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila dahil sa pagtataka ay tanging kibit balikat namn ang tugon ng ibang naroon kaya pasimple na siniko ni aling maria si Brylle at ininguso si Brix, Ngumuso lamang ito ngunit napansin nyang mayat maya sumusulyap ang mga naroon sa kanila ni Brix kaya mabigat ang hakbang na lumapit sya kay Brix at inabutan ito ng mais. "oh, ako ang nag-ihaw nyan. abot nya dito na hindi ito tinitignan. Di makapaniwala na itinuro ni Brix ang sarili. "Para sakin yan? tanong nito.

"Sayo nakatapat diba? oh, tanggapin muna, nangangawit na ang kamay ko. pigil ang ngiti na kinuha nya ang mais sa kamay nito "Hindi kana galit? tanong nya dito, tanging irap ang naging tugon ni Brylle na ikinangiti ni Brix. "Thank you kasi ikaw ang unang lumapit sa akin ngayon kahit mukhang napipilitan ka lang. salubong ang kilay na hinarap nya si Brix. "Nagpapakonsensya kaba? pigil ang ngiti na ngkibit balikat sya at sinimulang kainin ang mais na inabot nito. "hmm, ang sarap nito, tikman mo ang tamis. Turan nya at pinakagat ng hawak nyang mais si Brylle na agad namang tinikman nito. "hmm, ang tamis nga, kaya pala ganyan ngiti mo eh, gusto mo kuha pa kita? nakangiting tanong nya kay Brix

"Hindi talaga kita maintindihan Brylle, kagabi kung tignan mo ko parang suklam na suklam ka sakin tapos bigla nalang aabutan mo ko ng pagkain at titigan na para bang masaya ka sa twing nakikitang nakangiti ako, minsan pakiramdam ko ayaw mo ko makita pero minsan nararamdaman kong masaya kang kasama ako tapos minsan akala ko mahal mo na ako pero bigla nalang gigisingin mo ako sa katotohanang kasama lang kita ngayon dahil pinilit kita, seryosong Turan nya at huminga ng malalim. pero okay lang, kahit hindi kita maintindihan atleast nasa tabi kita.

Napalunok si Brylle sa sinabi nito at umiiwas ng tingin, ayaw nyang tanggapin pero marami na Ang nagsasabi sakanya kaya marahil nga may pagtingin na sya kay Brix, marahas na bumuntong hininga sya ng maramdaman nyang tila may malaking tinik na natanggal sa dibdib nya ng tinanggap na nyang may nararamdaman sya Dito. "Alam mo, wrong timing yang ka dramahan mo lagi, kumain ka nga lang dyan, Turan nya at kumain na, ilang sandali pa ay napansin ni Brix na sulyap sya ng sulyap ito kaya tinanong nya ito. "Sabihin mo na yan. Turan nya.

"Ha? wala naman akong sasabihin. sagot ni Brylle.

"Halatang may gusto kang sabihin kaya sabihin mo na. wika ni Brix

"wala nga.

humarap kay Brylle. "Sabihin mo na,

Nakagat nya ang ibaba na labi nya habang ilang beses na sumulyap sulyap kay Brix at ng mapagtanto na walang balak alisin ni Brix ang titig sakanya kung hindi sya magsasalita ay sumusukong humarap sya Dito. "Okay fine, gusto ko lang sabihin na, I'm sorry sa ginawa ko kagabi, I mean, nag promise ako na kakalimutan ang lahat sa date natin and yet sinira ko yun nung Iinsist ko na sabihin mo sa akin kung Ikaw ang pumatay sa pamilya ko, pero hindi mo naman ako masisisi diba? mahirap din para sa akin lalo na ngayong nagbabago na Ang tingin ko sayo..

"Are you confessing? di makapaniwalang tanong ni Brix, dahil sa tanong nito ay inirapan syang muli ni Brylle. "In your dreams! ang sinasabi ko lang, your not that devil pala, I mean yun kasi ang pagkakakilala ko sayo, ngayong nakakasama na kita, masasabi kong, medyo mahaba pala ang pasensya mo, medyo mabait ka syaka... ano.. malambing ka. ayun, yun lang yun okay?! nakangiting tumango tango si Brix. "Okay, naiintindihan ko kaya wag ka ng magblush.




Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon