My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 9
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence
_______________________________________
Brix pov
Matapos ko maligo ay dumiretso ako sa kwarto ni Brylle pero hindi pa ako nakakapasok ay rinig ko na ang impit nyang iyak, dahan dahan akong pumasok kaya hindi nya ako napansin, nasa isang sulok sya habang nakaupo at umiiyak
"Umiiyak ka nanaman?
Hindi ito sumagot at nanatili lang na nakaupo sa sulok habang nakatago ang mukha sa mga tuhod nya.
"Magpalit ka.. kung gusto mong gamutin ang mga sinaktan ko, magpalit ka muna ng damit
tumingin kay Brix. "Hindi mo sila tatanggalan ng mata?
Pagtango ko ay agad syang nagbihis at umalis ng kwarto,
napangiti nalang ako sa ginawa nya para syang bata..
.
.
.
.
.
.
Brylle pov
Pagbaba ko ay agad akong tumulong sa paggamot sa mga nabugbog, nalaman ko rin na dinala si Stefan sa Ospital at ang iba pang napuruhan.
Sinabi sa akin ng kapitan na kakasuhan si Brix dahil sa ginawa nya, hindi ako sumagot at nagsalita kahit ano pang sabihin nila, kahit pa nung sinisisi ako ng lola ni Stefan sa ngyari sa apo nya
Matapos kung tumulong ay umakyat na ako sa kwarto ko at nadatnan ko si Brix na nagbabasa ng libro
"Bukas pupunta tayong bayan,
"Paano kung kasuhan ka ng lahat ng sinaktan mo?
"Wag mo akong alalahanin, matulog kanalang dahil maaga tayong aalis bukas. ginulo ang buhok ni Brylle bago lumabas ng kwarto.
Kinabukasan ay maaga akong bumangon para maligo at magpalit, hindi rin nagtagal ay tinawag na ako ni Brix, bago sumakay ng kotse ay nakita ko pa ang mga bakas ng dugo.
Tahimik lang kami sa byahe hanggang makarating kami ng bayan, kumain muna kami sa restaurant syaka nagpunta ng park, iniwan ako sandali ni Brix at pagbalik nya may bitbit na siyang gitara
"Kanina ka pa tahimik dyan, sinabi ko na sayong hindi kita sasaktan diba?
"Bakit mo ba ginawa yun? sabi nila Ikaw daw ang nagsimula
tumingin sa mata Brylle. "Dahil gusto ka nyang agawin sakin..
"Sabihin mo nga.. may gusto ka ba sakin Brix?
"Gusto? ngumiti. kung yan ang gusto mong isipin..
"Ano ba kasi tlaga?
"Hindi ko alam pero akin kana at ayaw kong may nakikialam o nagkakagusto sa pag aari ko.
"Hindi ako bagay
Tumingin sa mata ni Brylle, "Alam ko.. pero akin ka
"Hindi mo manlang ba ako tatanungin kong anong nararamdaman ko sayo?
"Hindi na mahalaga yun, wala akong pakiilam kung hindi ako ang laman ng puso mo Basta akin lang ang katawan at isip mo!
"Hindi talaga kita maintindihan...
"hindi mo ko kailangang intindihin, hindi Tayo magkaka problema kung hindi ka gagawa ng ikakagalit ko
bumuntong hininga"Anong gagawin natin dito?
"Inilabas lang kita dahil mukhang malungkot ka pero wala ring ngyari.. sabihin mo nga? bakit ganyan ang itsura mo eh Hindi naman Ikaw ang sinaktan ko kagabi?
"Dahil nag aalala ako..
nagsalubong ang kilay. "Lagi kang nag aalala sa iba! ugali mo ba talaga yan o dahil doktor ka?
yumuko, "Ayokong may mangyaring masama sayo.. panu pala kung Ikaw yung napuruhan kagabi?
natigilan. "Sakin ka nag aalala?
"Ha?
tumayo, "San mo ba gustong pumunta? kahit saan yan papayag ako!
Sa twing pumupunta akong bayan ay bumibisita ako sa bahay ampunan kaya niyaya ko si Brix dun, ang totoo nag aalangan ako dahil baka dun sya magwala at masaktan ang mga bata pero may parte sa puso kong nagsasabi na hindi gagawin ni Brix yun sa mga walang laban na paslit.
"Kuya Brylle! bungad ng mga bata ng makita ako
."Hello kids! may kasama pala ako, kuya Brix nalang ang itawag nyo skanya..
sabay sabay syang binati ng mga bata ngunit nanatili si Brix na tahimik lang, nalaman kong nanganak na ang dalagitang dinala ko sa ampunan kaya sinilip ko ang baby nya.
"Ang ganda ng baby mo lyka.. kumusta na ang pakiramdam mo?
"okay lang kuya Brylle.. salamat sayo may masisilungan na kaming mag Ina. ahm.. pwede mo bang bantayan muna Ang anak ko? mag ccr lang ako.
"Sige..
"2 angels.. wika ni Brix habang nakasandal sa pinto at nakatingin kay Brylle
"Anong sabi mo?
"Sabi ko ang cute nyong tignang dalawa, parang nakakakita ako ng dalawang anghel
namula ang mukha. "Gutom kanaba? kung ano Anong sinasabi mo..
Hindi na ako nakapagsalita ng lumapit si Brix at siilin ako ng halik habang karga ko parin ang baby,
"Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagwawala ang puso ko sa twing titignan mo ko ng ganyan Brylle.. wika ni brix
"ho-hoy.. baka may makakita, umatras ng bahagya.
ngumiti, "sabi nila nakakabaliw ang pag ibig kaya I'll make you fall for me.. hanggang sa Hindi mo na kayaning mabuhay ng wala ako sa tabi mo.
Nagkatitigan kami ng ilang sandali pero kusa akong kumalas sa titigan na iyon at ibinaba na ang sanggol,
"Totoo.. nakakabaliw daw ang pag ibig, pero alam mo bang masarap magmahal? simula ngayon tuturuan kitang magmahal Brix.. itaga mo sa bato, ako ang una at huli mong mamahalin..
ngumisi, "Gusto mong magpustahan?
umiling iling, "Hindi na kailangan, kasi.. tumingin sa mata ni Brix. nanalo na ko..
halatang Hindi naintindihan ni Brix ang sinabi ko pero hindi na nya nagawang magtanong ng may mga tumiling bata kaya agad kaming lumabas.
may anim na lalaki na may hawak ng baseball bat at kutsilyo na nanggugulo, hinahanap nila si Lyka dahil may atraso daw ito sakanila, inaawat ito ng mga Madre pero itinulak lang sila ng mga ito.
"Tumawag na ako ng pulis! umalis na kayo dito. mahinahon kong wika pero sinakal ako ng Isang lalaki, nag iiyakan na ang mga bata lalo na ng sakalin din ni Brix ang lalaking sumakal sa akin kaya nabitawan nya ako. "Brix Tama na.. may mga bata, please.. awat ko sakanya
kitang kita ko ang paggalaw ng ugat nya sa pisnge kahit pa ng bitiwan nya ang lalaki, pinapasok ko ang mga bata pero bigla akong sinugod ng isa at tangkang papaluin ng baseball bat ng iharang ni Brix ang katawan nya kaya sakanya yun tumama. "Brix!
"umalis na muna tayo! may mga pulis! sigaw ng mga lalaki,
"Brix okay ka lang? San ka tinamaan?
"Sa braso
"Patingin nga..
nakagat ko ang labi ko ng makitang pulang pula iyon at mukhang namamaga, pinunasan ko ang luha ko syaka sya niyayang pumunta ng ospital
"Bakit kaba ganyan? ngayong ako ang nasaktan umiiyak ka.. kung lumaban naman ako at sinaktan ko yung mga lalaking yun panigurado iiyak ka parin! ano bang dapat kong gawin para hindi kana umiyak? tanong ni Brix habang pinupunasan ang luha ko
"Wag ka kasing masasaktan.. wag karing mananakit kung wala namang mabigat na dahilan, at kung pwedeng tumakbo o tumakas yun nalang ang gawin mo para makaiwas sa gulo
nanlaki ang mata "Ano?! ako?! isang Vespers?! gusto mong takbuhan ko ang mga kaaway ko?! Hoy Brylle.. wala sa lahi namin ang umiiwas sa gulo!
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...
