My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 24
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris
Bright Vespers (Brix Brother)
Win/Levi Vespers (husband of Bright)
Angel Vespers (Bright's twin sister)
_______________________________________
"Destiny... tadhana.. Aaahh!!! impossible, walang ganun! kami ni Brix? hindi.. hindi.. impossible.. iiling iling na wika ni Brylle habang kinakausap ang baso na hawak nya. habang namamangha na nakangiti si Angela ng marinig ito. "Talagang bumalik ka dito para kausapin yang baso mo? tanong nya kay Brylle. "Diba date mo ko tonight? kaya bumalik ako dito. sagot nya kay Angela. "Hello...bago pa mag start yung game tapos na yung 2hours date natin noh, syaka anong problema mo sa destiny? wag mo sabihing sobra kang naapektuhan sa resulta? sabagay.. akalin mo nga naman, hindi ka sumali nung nakita mong sumali si Brix sa laro pero sa huli kayo parin ang naging magkapareha, wow..congrats sayo, mukhang mabait sayo ang kapalaran, akalain mo tinutulungan ka nyang marealize ang feelings mo kay Brix.. pang-aasar ni Angela kay Brylle
"Tigilan mo nga ko, dalawang oras lang tayo nagkausap kanina feeling mo naman alam mo na ang lahat tungkol sa relasyon namin ni Brix. iiling iling nyang sagot. "Sinabi ko bang alam ko ang lahat? syaka hindi ko kasalanan kung nahahalata ko na may feelings ka rin kay Brix, bakit dimo subukang pakinggan yang puso mo? syaka ano bang dahilan bakit ayaw mong mainlove sakanya eh mukha namang handa nyang gawin ang lahat para sayo. nagtatakang tanong ni Angela. "Dahil mabigat ang kasalanan nya sa pamilya ko, dahil dun sigurado akong hindi sila matatahimik hanggat hindi ko sila naipaghihiganti. seryosong sagot nya.
"Sa tingin mo mas pipiliin ng pamilya mong makita kang nahihirapan kesa maging masaya? tingin ko kasi mas gugustuhin nilang sumaya ka kahit sa tabi pa ng taong ayaw nila kesa mabuhay ka sa paghihiganti at lungkot..wika nya at nagkibit balikat.
"Ewan... kami ni Brix, walang magandang maidudulot ang pagsasma namin, sure ako dun.
"Alam mo, hindi halata sayo pero close minded ka, gusto mong iniintindi ka pero sarado naman ang isip mo sa damdamin at opinyon ng iba.. bakit hindi mo kasi sabihin lahat ng galit mo at alalahanin kay Brix tapos alamin mo rin yung side nya, kasi hindi lang Ikaw yung may damdamin at pakiramdam dito noh.. malay mo mas maging malinaw ang lahat o kung hindi man magbago ang pananaw mo, atleast napag usapan nyo hindi yung para kang nakikipagpatentero habang nakatakip ang Tenga. Natigilan si Brix sa sinabi ni Angela at napatingin dito, ilang sandaling natahimik sila pareho ng lumapit si Brix sakanila.
"Kanina pa kita hinahanap, bigla kang nawala. wika nya habang nakatingin kay Brylle, seryoso na tinitigan nya ito habang iniisip ang mga sinabi ni Angela. "Brylle? may problema ba? ayos ka lang ba? puno ng pag-aalala na tanong nya dito. marahas na bumuntong hininga si Brylle at diretso na tinitigan sa mata si Brix "Troy Harris, Earn Harris, Dim Harris at Green Harris, naalala mo ba sila? Natigilan sya ng marinig ang mga pangalan na iyon, impossible nyang malimutan iyon dahil sila ang unang naging misyon nilang magkakapatid para makuha ang titulong ng mafia boss. "Tinatanong kita Brix, naaalala mo ba ang mga pangalang binanggit ko? muling tanong ni Brylle, tanging tango naman ang naging tugon ni Brix. "Kung ganun.. umamin ka, Ikaw ba Ang pumatay sa kanila? seryosong tanong ni Brylle habang nakakuyom ang kamao.
Nanlaki ang mata ni Angela sa narinig, "Ahh...Excuse me, maiwan ko na kayo para makapag usap kayo ng maayos. Saka mabilis na umalis roon nanatili naman na kalmado si Brix habang nakaupo. "Tinatanong kita! muling tanong ni Brylle. "Nangako kang kikilalanin natin ang isa't isa at kalilimutan ang lahat habang nasa date tayo at sigurado akong hindi pa natatapos ang pangako mong truce. seryoso na sagot ni Brix.
"Oo o hindi lang naman ang sagot, dismayadong wika ni Brylle kaya ng hawakan ni Brix ang kamay nya ay marahas nya itong hinawi. "Umuwi na tayo, tapusin natin ang una nating date ngayong araw, wag ka mag alala may dalawang date pa tayo kaya makakaasa kang sasamahan pa rin kita.
"Brylle, this is not what you promised. sabihin mo, paano natin makikilala ng maayos ang isa't isa kung ganyan ka? sasagutin ko ang lahat ng tanong mo pero after our 3 dates.
"Alam mo ba kung gaano karaming lakas ng loob ang inipon ko para maitanong sayo to? tapos sasabihin mo sasagutin mo ang tanong ko after our 3 dates? dahil sa sagot mo para mo na rin kinumpirma ang mga alinlangan ko! mahina ngunit mariin nyang tugon. malungkot na ngumiti si Brix. "Sa tuwing magkasama ba tayo Yan ang nasa isip mo? ni minsan ba hindi mo nakalimutan ang maghiganti habang kasama ako? naging masaya kaman lang ba kahit isang beses simula ng makilala mo ako o hanggang ngayon umaarte ka parin para sa binabalak mong paghihiganti? puno ng hinanakit nyang Turan, Brylle, nahihirapan na ko, ako nalang lagi ang nakatingin sayo, ang humahawak sa kamay mo o humahabol sayo pero kahit anong pagod ko ni minsan hindi ko naisip sumuko dahil pagbalibaliktarin ko man ang mundo, sayo lang ako sumasaya at kuntento, kahit pa sa twing magkasama tayo alam kong pwede mo akong saksakin patalikod at pag ngyari yun, alam mong hahayaan kong gawin mo yun, dahil handa akong tanggapin ang lahat sayo at ibigay kung anong meron ako, kahit pa ang buhay ko.. marahas na sinuklay ni Brylle ang buhok dahil sa narinig, patuloy na naninikip ang dibdib nya sa pag-uusap nila ni Brix pero ang hindi nya maintindihan ay ang kagustuhan nyang yakapin ito ng mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...
