he's mine

97 9 1
                                        

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 5

Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence

_______________________________________

Akala ni Brylle na muli syang aangkinin ni Brix ngunit hindi ito ngyari kaya nakahinga sya ng maluwag, sa halip ay inutusan lang sya nitong punasan ang mga galos at sugat na nakuha nito sa kagubatan at nahiga na sila, maliit ang papag kaya nagpresinta si Brylle na sa sahig matulog ngunit tinignan lang sya ng masama ni Brix at sinabing matulog ito kung nasan ito kaya wala ng nagawa si Brylle kundi tumabi kay Brix at matulog na lang.

Ilang sandali pa ay nakatulog na si Brylle habang tinititigan ni Brix ang mukha nito, "Kahit natutulog ka, maganda talaga ang mukha mo..wika ni Brix at marahang hinaplos ang pisnge ni Brylle at marahang pisilin ang ilong nito, sa unang pagkakataon sa buhay nya ay payapa at magaan ang pakiramdam na nakatulog siya.
.
.
.
.
.
Kinabukasan ay nagpasya na silang bumalik sa bahay nila dahil hindi kumportable si Brix sa Kubo na yun, idagdag pa na walang kuryente.

"Balik tayo sa lingo dito, dadalhin ko ang laptop at cellphone ko. wika ni Brix na sinang ayunan naman ni Brylle

Tahimik lang sila habang naglalakad hanggang makarating sila sa Nayon,
ng makita ng mga taga roon si Brylle ay agad itong sinalubong ng mga tao roon, may mga yumakap pa dito, nakaramdam ng inis si Brix kaya mabilis ang hakbang na nilampasan lang nya si Brylle kahit rinig nyang tinatawag siya nito.
patagong napangiti nman si Brix ng habulin sya ni Brylle at muling sabayan sa paglalakad.

Pagdating sa bahay ay inutusan ni Brix si Brylle na ipagluto sya, habang nagluluto si Brylle ay naiilang sya dahil ramdam nya ang titig ni Brix sa kanya.

"Aray! wika ni Brylle ng masugatan sya ng kutsilyo, agad naman na lumapit si Brix sakanya at pinagalitan sya, "Tanga kaba talaga? simpleng paghihiwa ng gulay hindi mo magawa ng maayos? sa susunod na masugatan kapa lagot ka sakin!

"So-sorry.. sagot ni Brylle ngunit nagulat sya ng sipsipin ni Brix ang dugo nya sa daliri. "Madumi yan! bampira kaba? napangiti naman si Brix sa sinabi niya, "Kung ayaw mong ginagawa ko to, wag kang masusugatan! wika ni Brix at bumalik sa upuan. Nagtatakang nagpatuloy naman sa ginagawa niya si Brix,

.
.
.
.
.

After 2 days
Araw ng byernes, pumayag si Brix na magpunta sila sa ilog at makihalubilo sa mga taga roon, natatakot at naiilang man si Brylle ngunit hindi nya magawang suwayin si Brix dahil natatakot sya Dito at dahil narin sa utos ng mommy nya.

"Ahm..Brix? ready kanaba? punta na tayong ilog? Tumango lang si Brix at naglakad na sila papunta sa ilog,

"Brylle! mabuti at nandito kana, matagal ka ring hindi naglalabas labas ha, na miss ka namin, wika ni Stefan na kaibigan nya

"May ginawa lang ako sa bahay Stefan.. ahm, si Brix pala kaibigan ko. pakilala ni Brylle dito

"Kaibigan? akala ko ba pinsan mo? takang tanong ng mga taga roon ngunit sinagot lang sila ni Brylle ng nagkaron lang ng hindi pagkakaintindihan kaya nalito sya.

Habang lumalangoy ay naiwan si Brix sa may batohan na nakaupo habang binabantayan si Brylle, napakunot noo sya ng makitang tila nakalimutan na nito na naroon sya dahil masaya itong nakikipagbasaan sa tinawag nitong stefan, nakaramdam siya ng inis kaya lumusong sya sa tubig at lumapit kay Brylle hanggang madikit ang katawan nya sa likod nito na ikinagulat naman ni Brylle

"Brix! kailan kapa nanjan? wika ni Brylle na medyo umusog ngunit hinila lang sya palapit ni Brix "dyan ka lang. may pagbabanta sa tono na wika ni Brix habang masama ang tingin kay Stefan

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon