truce

74 6 0
                                    

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 19

Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris

Bright Vespers (Brix Brother)
Win/Levi Vespers (husband of Bright)
Angel Vespers (Bright's twin sister)

_______________________________________

"Umalis na tayo dito Ken.. simula ngayon labas kana sa misyon Jazz! wala na kaming boss! wika ni Brylle at umalis na, naririnig nya pang sumisigaw si Jazz ngunit Hindi na nya ito nilingon pa.

"Ano ng plano mo Brylle? tanong ni ken

"Hindi ko pa alam.. pero isa lang ang sigurado ko, wala sa planong saktan si Win.

"Kailan mo ko ipapakilala sakanya? sabi mo tunay na kapatid na ang turing mo dun kaya dapat makilala ko rin yun,

"Oo na.. panu, mauuna na ko, baka malaman ni Brix na wla ako sa mansyon nila

"Babalik kpa? pwede kanaman gumanti sa ibang paraan, diba masyadong delikado na nasa kampo ka ng kaaway? wika ni ken

"Sabi nga nila make your friends close but your enemies closer, wag ka mag-alala sakin dahil bukod sa kaya ko ang sarili ko, Hindi ako nag-iisa sa lugar na iyon dahil nandun si Win.. (ngumiti) sigurado akong hindi nya ko pababayaan..

nagkibit balikat, "Sabi mo eh... andito na tayo,mag-iingat ka dun ha, tandaan mo dugo at laman sila ni Phoenix kaya wag kang magtitiwala sa kanila

tumango. "Alam ko na yan.. pupuntahan kita ulit pag nagkaroon ako ng pagkakataon
.
.
.
.
.

******* VESPERS MANSYON *******

"Asan si Brylle?! sigaw ni Brix sa kasambahay

"Stop it Brix! bakit sila ang tinatanong mo eh Ikaw ang kasama nya! saway ni Angel sa kapatid

"Pinahiram ko ang kotse ko sakanya, may kailangan daw syang puntahan. sabat ni Bright

Agad na naikuyom ni Brix ang kamao nya at masama ang tingin na nilingon si Bright. "Anong sabi mo?

"May kailangan daw syang puntahan kaya pinahiram ko ang kotse ko.. mahinahon na sagot ni Bright

Seryosong lumapit kay Bright at tinitigan ito sa mata. "Alam kong hindi tayo magkasundo pero hindi ko alam na nasa punto na tayo na pakikiilaman natin ang kanya kanya nating karelasyon.. sa tingin mo Hindi ko kayang paglaruan ang asawa mo? wika ni Brix

Tumaas ang isang kilay, "Sa tingin mo magagawa mong paglaruan ang asawa ko? tandaan mo, bago ka makalapit sakanya, ako muna ang dadaanan mo!

Smirk, "Ipagdasal mong makabalik si Brylle bago mag 7 a.m dahil pag hindi ngyari yun, madadamay ang asawa mo sa init ng ulo ko. wika nya at binangga ang balikat ni Bright at lumabas ng mansyon

"Bright? bakit ka nagdesisyon ng Hindi alam ni Brix? sorry but this time, you crossed the line! wika ni Angel at iniwan dun si bright.

ilang oras na ang nakalipas at nasa sala na silang lahat, ilang minuto nalang at mag aalas syete na, kabado na sila Love habang tingin ng tingin sa oras at sa pinto habang lumapit naman si Bright sa nakasandal na si Win sa pader at hinawakan ang kamay nito. "Babe, kahit anong gawin ni Brix mamaya wag kang mangingiilam okay? ako ng bahala..

umiling si win, "Kung hahayaan ko kayo, Hindi kayo titigil hanggat walang sumusuko at
dahil sa ugali nyo siguradong walang susuko hanggat may natitira pa kayong lakas at para Hindi na kayo humantong sa punto na pwede nyong pagsisihan na dalawa ay ako nalang ang haharap sa galit ni Brix, tutal kasalanan ko naman talaga kung bakit wala si Brylle ngayon.

"Alam mong hindi ko hahayaang masaktan ka diba? isa pa mas lalo lang mag iinit ng ulo ko pag nakanti ka nya..

"Bright.. may tiwala ka sakin diba? let me handle this..

"pero babe...

"please.. trust me.

Hindi na nakasagot si Bright ng magsalita si Brix. "7pm! wala pa rin sya.. wika ni Brix habang masama ang tingin kay Bright

"Kasalanan ko.. ako ang nagkumbinsi kay Bright na Pahiramin ng kotse si Brylle. wika ni win

"Anong sabi mo? galit na tanong ni Brix

"I will take responsibility for my actions. wika ni Win at tumayo ng maayos,

nakatiim bagang naman si Brix habang nakapamulsa na dahan dahang lumalapit kay Win ng humarang si Bright. "Subukan mong saktan ang asawa ko, magkakalimtan tayo.. banta ni Bright sa kapatid ngunit hinawi sya ni Win "Ako ng bahala Bright, wag kang mangingiilam kung ayaw mong mag away tayo..

"Bakit mo ginawa yun? ano bang namamagitan sa inyo ni Brylle? tanong ni Brix

"Kung gusto mong malaman si Brylle ang tanungin mo. sagot ni Win ng bigla syang sapakin ni Brix

"You! sigaw ni Bright at akmang susuntukin ang kapatid ngunit maagap na pinigilan sya ni Win. "Ako ng bahala.. please.. wika nya sa asawa na kasalukuyang nag aapoy ang mata sa galit

"Asan si Brylle? galit n muling tanong ni Brix

"Hindi ko rin alam.. Hindi ko rin sigurado kung babalik pa sya. sagot ni Win

"Gusto mong mamatay? seryosong tanong ni Brix. Alam mo ba kung gaano na katagal na walang dugong nahahawakan ang mga kamay ko?

"I'm warning you Brix.. seryosong wika ni bright ng muling humakbang palapit si Brix kay win

"Andito na si Brylle! sigaw ni Love

Lahat sila ay napalingon sa pinto at naroon nga si Brylle na gulat ang mukha habang nakatingin kay Win. "Win! anong ngyari sayo? sigaw nya at mabilis na lumapit kay win

Lalong nakaramdam ng galit si Brix dahil sa ginawa ni Brylle kaya hinila nya sa kwelyo si Win, naging maagap naman si Bright at hinawakan ang pulsuhan ni Brix na may hawak sa kwelyo ni win habang nakatingin kay Brylle. "Kasalanan mo kaya nasaktan si Win, diba dapat Ikaw ang gumawa ng paraan para maayos ang gulong dinala mo? sabi mo mahalaga sayo si Win pero mukhang Ikaw Ang magiging dahilan para mapahamak ang asawa ko.  wika ni Bright

napayuko si Brylle ng marealize ang ibig nitong sabihin, syaka nya naisip na sya Ang dahilan kaya nagagalit si Brix kay win.
"Brix..wag mong saktan si Win, tinulungan nya lang ako.. wika ni Brylle

"Wala akong pakiilam.. sagot ni Brix

"Let's have a truce and date 3 times.. tumingin sa mata ni Brix. Magiging totoo ako sayo, ipapakita ko ang totoong ako, kakalimutan ko muna ang lahat at susubukan kong kilalanin ka.. gagawin ko yun kung mangangako kang hindi kakantiin si win.. please lang Brix, para ko ng kapatid si win.

binitawan si Win. "Kapatid? tanong ni Brix

"Oo.. sya, ako at si Denice.. kapatid ang turing namin sa isa't isa kayanakikiusap ako, mahalaga sya sakin kaya wag mo syang kantiin..

"Kailan?

"Ha? anong kailan? nagtatakang tanong ni Brylle?

tumikhim, "Kailan tayo magdadate?

"Ha? ah.. Ikaw.. kailan mo gusto?

"Magbihis kana, magdadate tayo ngayon..

"ngayon na agad? Si-sige.. maghahanda lang ako.

tumango, "Brylle.. sisiguraduhin kong maiinlove ka sakin bago matapos ang tatlong date natin..

"Ha?

"Maghanda kana.. hihintayin kita s kotse. wika nito at lumabas na ng mansyon.

pagkaalis ni Brix ay agad n lumapit si Brylle kay Win, "Okay kalang win?

"Yeah.. pinigilan nya ang sarili nyang suntukin ako ng malakas, ang mabuti pa maghanda kana, hinihintay kana ni Brix.

"okay.. salamat Win. wika nya at umakyat na.

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon