My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 7
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_______________________________________
"Dad? Mom? salubong ang kilay na sambit ni Brix
"Brix anak! agad na wika ni Heaven at niyakap siya, hindi naman nag sayang ng oras si Phoenix at tinanong kung bakit sya lumayo ng higit sa 20km mula sa bahay na iyon. Natigilan si Brix at hindi agad nakasagot kaya sinabi ni Heaven na kung maaring pumasok na muna sila para sa loob mag usap.
Tumango naman si Entong at ang asawa nito na humingi pa ng pasensya dahil hindi agad sila pinapasok at pinaghandaan ng makakain. habang sa kotse naman ay naroon si Bright, Levi, phoenix at Love na nag-uusap
"Tingin nyo asan yung nagpatibok ng puso ng bunso natin? san kaya boyfriend nya?tanong ni angel, sumagot naman si Levi, "Tingin ko nasa loob pa ng kotse, tignan nyo si Brix.. maya't maya sumusulyap sa kotse.
"Bakit kaya andun lang sya? syaka bakit tinted din ang kotse nila? di tuloy natin makita ang loob..tanong ni Love
Natigil ang pag uusap nila ng magsabi si Phoenix na bumukas ang pinto ng kotseng dala ni Brix at iluwa nun ang isang lalaki.
"Wow.. pareho kayo ng type ng bunso natin Bright, grabe.. para syang baby na kailangang ingatan, protektahan, alagaan at mahalin.. I want a baby like him na, he's too adorable and fragile for Brix... wika ni Angel na ikinakunot ng noo ni Levi. "Excuse me? mukha ba akong mahina sa mata mo Gel?!
Natawa naman si Love at si Angel sa sinabi ni Levi. "Ofcourse not! magiging agent kaba kung mahina ka? ang ibig kong sabihin yung outer appearance nyo.. ang cute cute nyo kasi para kayong baby na hindi tumatanda.. wika ni Angel syaka pinisil pisil ang pisngi ni Levi, natigil lamang sya ng hawakan ni bright ang kamay nya at masama syang tignan. "Grabe naman phoenix! para pinisil ko lang ang pisngi ng asawa mo eh.. nagtatampong wika ni Angel na tinawanan lang ni love at Levi
"Ui! tignan nyo mukhang nagulat sya sa dami ng sasakyan.. ang cute naman ng confused face nya.. wika ni Love
Sabay sabay pa na nanlaki ang mata nila ng may lumapit kay Brylle at biglang yakapin ito habang nakatalikod, Agad na binuksan ni Angel ng bahagya ang bintana ng kotse upang mas marinig nila ang usapan. "Oh.. chips! kain muna kayo, maya maya para n tayong nanonood ng sine nyan..
"Ha? wika pa ni Levi ng makita nila si Brix na madilim ang mukhang papalapit kay Brylle.
"Wag kayong maingay ha.. malakas pandinig nyan ni Brix, baka malaman nyang andito tayo, sigurado lagot tayo kay dad at mommy. mahinang wika ni Angel
.
.
.
"take your filthy hands off him! galit n wika ni Brix"Masaya lang ako na maayos ang kaibigan ko! syaka filthy hands? sino ka para sabihin yan? o mas tamang sabihing ano kaba ni Brylle?! wika ni Stefan
"Palaban si kuya ha.. chill kalang kuya sige ka baka kainin ka ng buhay nyang bunso namin.. wika ni angel habang kumakain ng chips. tinignan lang sya ng mga kasama nya at umiling
"Teka Brix.. wala naman syang masamang ginawa, okay lang ako, bat nga pla maraming kotse? may bisita ba? nagtatakang tanong ni Brylle
"Oy.. pa intense ng pa intense! Ayan na sila mommy palapit na.. paano kaya ipapakilala ni Brix ang boyfriend nya kila dad? wag kayong maingay ha, pakinggan natin silang mabuti.. wika ni Angel na sinagot naman ni Phoenix "Ikaw lang naman ang maingay dito. seryosong wika ni Phoenix na inirapan naman ni Angel
"Anong ngyayari dito Brix? rinig hanggang sala yung sigaw mo.. wika ni Heaven
"Hello po.. ako po si Brylle Velence, isa po ako sa nakatira dyan s bahay at ito naman po ang kaibigan kong si Stefan, nagkaron lang po ng hindi pagkakaintindihan pero maayos na po ang lahat ma'am, sir. pasensya na po kayo.
"Since hindi pagkakaintindihan ang ngyari, I think Brix should apologize, Tama ba Brix? wika ni Heaven
"Wait.. Mahal, hindi na kailangang humingi ng sorry ni Brix. pumasok nalang tayo sa loob. wika ni Phoenix
"tignan nyo yan si dad! pakinggan nyo..kaya malaki ulo nyan ni Brix pano laging kinakampihan ni dad. hirit pa ni Angel
"sige lang angel.. nirerecord ko lahat ng sinasabi mo. wika ni Bright na ikinalaki ng mata ni angel. "Joke lang! kayo naman di mabiro!
"No, Phoenix. sinigawan nya ang taong wala namang kasalanan, kaya kailangan nyang humingi ng tawad. seryosong wika ni Heaven kaya hindi na nakapagsalita si Phoenix
Bumuntong hininga si Brix, "I'm sorry for shouting and for saying those words..
magsasalita na sana si Stefan ng dugtungan ni Brix ang sinabi nya. "I didn't mean to scare you Brylle... wika ni Brix habang nakatingin kay Brylle.
"Okay! since nagsorry na ang anak natin kay Brylle, pumasok na tayo sa loob.. wika ni Phoenix
Naglakad na sila para pumasok ng sumunod si Stefan kaya tumigil si Brix at hinarap ito, "Saan ka pupunta? may bisita kami kaya makakaalis kana. wika ni Brix
"Sorry Stefan pero pwede sa sunod nalang tayo mag usap? segunda ni Brylle na tinanguan naman ni Stefan
Maglalakad na sana silang muli ng nakangiting humarap sa kanila si Heaven, "Hindi ko pa pala naipapakilala ang sarili ko Brylle, I'm Heaven, Brix mom..
"Nice to meet you po ma'am.. nakangiting wika ni Brylle at yayakapin sana si Heaven ngunit hindi binitawan ni Brix ang kamay nya, ni hindi nya napansin na hawak ni Brix ang kamay niya kanina
Nakatingin naman si Phoenix at Heaven sa kamay ni Brix na mahigpit ang hawak kay Brylle. "Ehem.. may gusto ka bang sabihin sa amin ng mommy mo Brix?
"Ayan na.. ano kayang ipapakilala ni Brix sa boyfriend nya? nakangiting wika ni Angel
"Mas excited kapa! mahinang sagot naman ni Bright
"Ah.. si.. Brylle.. He is.. ahm.. hindi maintindihan ni Brix ang nararamdaman nya sa oras na iyon at mas lalong hindi nya alam kung anong relasyon nila ni Brylle.. Para sa kanya ay panandaliang laruan lang nya si Brylle ngunit kung iyon ang sasabihin nya ay masasaktan ito kaya hindi nya magawang sagutin ang mga mgulang nya, ayaw nyang makitang masaktan si Brylle.
"Ah.. magkaibigan po kami ni Brix. sagot ni Brylle at kinalas ang hawak ni Brix sa kamay nya.
Nakaramdam ng kung anong sakit sa dibdib si Brix sa narinig at nanlalaki ang matang nilingon si Brylle. "Kaibigan? kaibigan mo lang ako?! tanong nya dito
"Ha..? ah.. O..oo.. hindi ba? ano ba dapat ang sabihin ko? wika ni Brylle
"Wala! sagot ni Brix at nauna ng naglakad papasok,
"excuse me po ma'am, sir, susundan ko lang po si Brix
Tumango naman si Heaven kaya agad na sumunod si Brylle dito. nagkatinginan naman si Phoenix at Heaven bago pumasok sa loob ng bahay habang malakas naman ang tawa ni angel sa loob ng kotse
"Nakita nyo yung mukha ni Brix kanina? laugh trip! in denial pa kasi sya eh..yan tuloy nauwi sa friends lang sila. tumatawang wika ni Angel
"Ang saya mo ha.. nahihirapan na nga si Brix ganyan kapa! inis na wika ni Bright na lalong ikinatawa ni Angel. "Ui... naiinis sya, palibhasa pareho kayo ni Brix na naging in denial eh..
"Shut up! wika ni Phoenix at masamang tinignan si Angel

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...