35

54 8 1
                                    

Pitong araw na ang nakakalipas at nakabawi na ng lakas si  Brylle, kailangan nya na lang mag-ingat para hindi muling bumukas ang sugat nya sa tagiliran. Dahil wala si Ken at nagpaalam na mamimili kaya pinag aralan nya ang lugar na iyon, naglakad lakad din sya sa labas at inalam ang layo ng kalsada at kung meron pang maaring daanan, dahil isa lang ang sasakyan ni Ken ay mahihirapan syang makalayo kung hindi nya iyon magagamit. Matapos ang paglilibot ay muli na syang bumalik sa bahay nito at tumingin tingin sa mga libro sa study room, hindi sinasadyang natabig nya ang mga libro sa study table kaya nagkalaglagan ito, habang pinupulot ang mga nalaglag ay may napansin syang kakaiba sa  cabinet kaya inalis nya ang study table at sinuri ito, nakakita sya ng secret compartment at binuksan nya iyon, photo album ang laman nun,mga litrato at diary, binuksan ni Brylle ang photo album at doon ay nakita nyang puro kuha iyon ng kuya Harold nya at ni Ken, habang tumitingin pa sya sa mga larawan ay doon nya nasigurong may relasyon ang dalawa, binasa nya rin ang ibang mga sulat na naroon.

Sa pagbabasa napagtanto nyang may secret affair ang kuya Harold nya si Ken at nagplaplano silang magtanan bago mangyari ang aksidenteng iyon na naging dahilan ng pagkamatay ng kuya nya. "Kung ganun kaya sya naging si Uno ay para makapag higanti? tanong nya sa sarili. mabilis nyang ibinalik ang lahat ng kinuha nya at inayos iyon ng makarinig ng tunog ng sasakyan, at agad syang bumalik ng kwarto.

"Maghanda ka Brylle,, bukas n bukas din aalis tayo. bungad ni Ken ng makita sya

"Saan tayo pupunta? takang tanong ni Brylle

"Sa ibang bansa, kailangan kitang mailayo dito. sagot ni Ken, tumango si Brylle Dito pero sa loob loob ay gumagawa na sya ng plano kung paano makakatakas dito,

Kinagabihan dahil nag-iingat si Brylle ay hindi sya kumain o uminom ng mga bigay ni Ken, nanatili lang sya sa terrace habang nakatingin sa maliwanag na buwan at ginugunita ang nakaraan. Kahit hindi sila magkadugo ni Harold ay itinuring sya nitong parang tunay na kapatid at minahal sya nito ng higit pa sa kadugo, malaki ang utang na loob nya dito at respeto kaya ng malamang sinadya ang pagkamatay ng kuya nya ay agad syang nagplano  upang maghiganti at Hindi nya inaasahang magiging konektado ang pagkamatay ng mga tunay nyang pamilya sa kuya nya dahil sa pag-iimbistoga nya ay isa lang ang itinuturo na salarin at iyon ay walang iba kundi si Brix Vespers, wala syang ibang hangad noon kundi ang gumanti dito pero Hindi nya inaasahang ibang iba ang Brix Vespers na makikilala nya sa naririnig nya noon sa ibang tao at huli na ng mapagtanto nyang masyado na syang nahulog dito.

"Zale... wika ni Ken na nasa likod na ni Brylle

"Sinabi ko ng wag mo kung tatawagin Zale! matagal ng patay si Zale.. turan ni Brylle napabuntong hininga naman si Ken at lumapit sakanya. "Kaibigan kita at kaligtasan mo lang ang nais ko kaya gagawin ko ang lahat para mailayo ka sa mga vespers dahil sila ang punakamalaking banta sayo. wika ni Ken

"Kaibigan kita? yun lang ba ang dahilan? umamin ka, may kinalaman ba si kuya sa mga desisyon mo? nakita ko ang mga litrato nyo kaya ang mabuti pa umamin kanalang, alam mong ayoko ng paligoy ligoy na sagot Ken. seryosong wika ni brylle na hindi lumingon kay Ken.

"Bago namatay si Harold, sinabi nyang protektahan kita, kaya gagawin ko ang lahat para magawa ang pangako ko sa kanya kahit buhay ko pa ang maging kapalit. turan ni Ken

Ilang oras matapos nila mag-usap ay nakahanda na si brylle para umalis, alam nyang mapagkakatiwalaan ang kuya nya pero hindi sya sigurado kay Ken, mahaba man ang panahon na naging magkaibigan sila pero marami pa rin syang Hindi alam sa katauhan nito, "Ako ang magdedesisyon sa buhay ko.  halos bulong na wika nya syaka lumabas mula sa bintana.
.
.
.
.
.
.
.
"Sir Brix, na locate na namin ang kinalalagyan ni Sir Brylle,, kasalukuyang na pong papunta ang tauhan natin dun, sinend ko na po ang location sayo. turan ng tauhan ni Brix kaya agad nyang pinaikot ang motor at muling pinaharurot iyon sa lokasyon na ipinasa nito.

"Hintayin mo ko Brylle.. kailangan mo kong parusahan sa nagawa ko sayo..turan nya habang mabilis na nagmamaneho

Dahil Hindi malayo ang kinaroroonan nya sa lokasyon ipinasa ng tauhan kaya sa loob lang ng Sampung minuto ay naroon na sya sa taat ng bahay kung saan sinasabing naroroon si Brylle. "Brylle! sinusundo na kita! sigaw nya bago bumaba ng motor

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon