30

33 3 0
                                    

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 30

Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris

_________________________________________

"Umalis na tayo, bilis! wika ng Isang lalaki na tinatawag nila na Knife, habang kalmado naman na nakaupo si Brix at  nakatitig sa entrance ng Enchanted Kingdom, umaasa na masusulyapan nyang muli si Brylle bago sila makalayo sa lugar na iyon,  ni hindi nya alintana ang mga baril na nakatutok sa kanya.

"Paano nyo nahuli yan? sigurado kayong yan ang bunsong anak ni Phoenix?! tanong ng isa sa mg armdadong lalaki. "Sigurado boss! sagot ng nagdala kay Brix

"Hoy knife! tumawag ka ng back up! siguradong may plinaplano yang anak ni Phoenix kaya sumama ng ganun kadali!

"Sa tingin ko sumama sya boss dahil tinakot namin syang idadamay ang kasama nya kanina pati ang mga civilian! sagot nito. nakakunot noo naman na tinitigan ng tinatawag nilang boss si Brix. "Mukhang sya nga si Brix pero impossibleng sumama sya dahil lang sa mga civilian o sa kasama nya kanina!  Hoy Ikaw! sabihin mo, anong binabalak mo? bakit sumama ka sakanila ng hindi lumalaban?  impossibleng may pakiilam ka sa mga civilian na naroon o sa kasama mo dahil alam kong walang mahalaga sayo kundi kapangyarihan at sarili mo lang! galit na wika ng tinatawag nilang boss na lalong nanggalaiti sa galit ng hindi sya sagutin niBrix at parang walang narinig na nakatitig lang sa mata nito kaya pinalo nya sa pisngi si Brix ng hawak nyang baril dahil sa galit. "pipi kaba?! sagutin mo ang tanong ko!

Dahil sa ginawa nitong pagpalo ay nagdugo ang bibig ni Brix kaya idinura  nya sa mukha ng tinatawag nilang boss ang dugo s bibig nya., halos umapoy naman sa galit ang boss nila at walang humpay na pinagpapalo si Brix ngunit nanatiling hindi lumalaban si Brix. "Hoy tumawag kayo ng back up at hanapin nyo ang taong kasama nitong d*monyong to kanina at dalhin sa akin!maglagay din kayo ng bomba sa iba't ibang parte ng E.K! malamang may tinatago itong d*monyong ito doon kaya hindi nanlaban sa lugar na iyon! sigaw ng boss nila ngunit hindi pa sya natatapos magsalita ng hawakan ni Brix ang ulo nito at iumpog sa upuan ng kotse, agad naman itong nahilo dahil sa ginawa ni Brix.

"Tumigil ka kundi babarilin kita! sigaw ng isa s mga lalaking may hawak ng baril. masamang tinignan ito ni Brix. "Tumupad kayo sa usapan kong ayaw nyong isama ko kayo sa impy*rno. seryosong wika ni Brix. napalunok nlng ang iba habang ang iba ay nanginginig ang kamay dahil sa takot.

"O-okay ka lang boss? gusto mo bang dumaan muna tayo sa ospital? tanong ng isa sa mga armadong lalaki ng biglang tumigil ang kotse. "P*tsa! ayusin mo ang pagdrive mo! sigaw nya sa driver

"May nakamotor na biglang humarang eh! nasagasaan ko pa ata! Turan ng driver at bumaba ng kotse ngunit ng ilang sandali na hindi ito bumalik at hindi nila ito makitasa labas ay bumaba na ang dalawang armadong lalaki para I'check ito ng may pumalo sa ulo ng mga ito at buksan ang pinto ng kotse, gulat na napatingin ang mga armadong lalaki dito. "Sino ka! halos sabay sabay nilang sigaw.

"Hoy Brix! sino may sabi sayong pwede mo kong iwan mag-isa sa date natin? Turan ni Brylle. Nanlalaki naman ang mata ni Brix at halos di makapaniwala na nasa harap na nya si Brylle ngunit mabilis ang naging kilos nya ng makitang babarilin ito ng katabi nya kaya mabilis na inagaw nya ang baril nito at binaril ang mga armadong lalaki sa loob ng van.

"Paano mo kami nasundan? Ah hindi! hindi na mahalaga yun! sabihin mo bakit ka sumunod?! akala mo ba mag tatagutaguan lang kami ng mga lalaking to?! galit na Turan ni Brix ng hilahin sya ni Brylle sa kwelyo ng damit nito palapit sakanya  at halikan sa labi kaya natahimik sya. "Kumalma ka.. andito na ang prinsepe mo para iligtas ka. nakangiting Turan ni Brylle at kinindatan pa si Brix, ilang sandaling natigilan si Brix at masamang tinignan si Brylle syaka napabuntong hininga nalang at bumaba ng van. "Umalis na tayo dito bago pa dumating ang back up nila. Turan ni Brix na sumakay sa motor n dala ni Brylle. Ano pang hinihintay mo? sumakay kana. muling Turan ni Brix ng hindi gumalaw si Brylle

"Ako magdridrive.. andito ko as your prince charming and savior kaya alis dyan. Turan ni Brylle na ikinangiti ni Brix. "Kung Ikaw ang prinsepe ko, ako naman ang hari mo, at tungkulin kong protektahan ang pag-aari ko at may ari ng mundo ko. Turan ni Brix, sasagot pa sana si Brylle ng may bumaril malapit sa kanila at ng lingunin nila ay may limang kotse silang nakitang paparating kaya wala ng nagawa si Brylle kundi ang sumakay sa motor, pasampa na sya sa motor ng hilahin sya ni Brix paupo sa harap nito, nanlaki naman ang mata ni Brylle dahil nakaupo siyang nakaharap kay Brix sa motor at halos magkadikit na sila, nakapatong din ang mga hita nya sa hita ni Brix."Hoy! ano mamatay nlng tayo landian parin nasa isip mo? Turan ni Brylle

"Sa tingin mo makakapgdrive ako ng maayos kung nasa likuran kita at may bumabaril s atin? wala kong plano na gawin kang panangga sa bala ng baril! Turan ni Brix na ikinakunot ng noo ni Brylle. "Sabihin mo nga Paano ka makakapagdrive ng maayos ngayon? syaka nakakahiya posisyon natin! Turan ni Brylle ngunit niyakap lang sya ni Brix at binuhay n ang makina ng motor. "Basta siguraduhin mo lang na nakayakap ka sakin para di ko makita ang mukha mo at di  ako madistract dahil baka imbes na sa Dan ako tumingin, tumitig nalng ako sa mukha mo.

"Ewan ko sayo! okay sige tara na nga lang kesa mamatay pa tayo ng maaga dito! inis na Turan ni Brylle

nakangiting pinaandar ng mabilis ni Brix ang motor at bumulong sa tenga ni Brylle. "Kahit mamatay ako ngayon okay lang atleast nasa bisig kita hanggang huling sandali ng oras ko. masamang tinignan ni Brylle si Brix syaka inirapan, "Subukan mong mamatay ngayon at sinisiguro kong hanggang sa kabilang buhay di kita kakausapin! inis na Turan ni Brylle na naging dahilan para tumawa si Brix. "Ayaw mo kong mamatay? aminin mo... mahal mo na ako no?

"tsk! magdrive kanangalang dyan!

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon