My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 34
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris
_________________________________________
Pagkaalis ni Bright ay agad na umalis din si Brix at halos paliparin ang sasakyan papuntang hideout, ngunit pagdating nya ay wala na si Brylle doon, tanging mga tauhan nalang nila na kasalukuyang mga nakabulagta at walang malay ang naroon, agad syang nagtungo s security room ngunit maging ang mga tauhan nila roon ay wala na ring malay, sinubukang tignan ni Brix ang CCTV para malaman ang ngyari ngunit burado na iyon kay kinuha nya ang phone nya, may mga sekreto syang cameera na inilagay sa hideout dahil wala syang tiwala sa kahit na sino sa mga tauhan nila kaya sinisiguro nyang meron syang sariling alas pag nagkataon, hindi ganun karami ang nakatago nyang camera dahil ayaw nyang may makahalata nun pero sapat na iyon para mapanood nya ang ngyari kay Brylle, at ang pagligtas ng Isang lalaki dito, Hindi man nakita ang mukha ng lalaki sa camera pero isa lang ang sigurado sya, Hindi mapagkakatiwalaan si Luke, huminga nga sya malalim ng ilang beses upang mapakalma ang sarili dahil nanginginig sya sa galit at nais na patayin ang apat na lalaking tauhan nya pati si Luke pero alam nya na kung paiiralin nya ang emosyon nya sa pagkakataong iyon ay mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat at malalaman ni Luke ang mga nakatago nyang camera sa hideout.
Umalis sya sa lugar na iyon na nag-aapoy sa galit "Sisiguraduhin kong magbabayad ang apat n iyon sa ginawa nila sayo Brylle, lalong lalo na si Luke. mahina nyang sambit sa hangin at pinaharurot ang sasakyan, hanggat maari ay iniiwasan nyang makita si Luke dahil baka Hindi nya magawang pigilin ang sarili at mapatay ito, tinawagan nya ang ilang tauhan nya na sya mismo ang sumanay para hanapin si Brylle, sa pagkakataong iyon ay wala syang tiwala sa mga tauhan ng pamilya nila dahil maaring alagad iyon ni Luke kaya ginamit nya ang sarili nyang mga tauhan na itinatago.
Para hindi maghinala si Luke ay dumiretcho sya sa mansyon para sabihin ang ngyari sa hideout ngunit kakapasok nya pa lang sa loob ng mansyon ay Isang malakas na suntok ni Win ang bumungad sakanya. "Siraulo ka! anong ngyari sa Brix kahapon na handang talikuran ang lahat para kay Brylle?! galit na sigaw ni Win, marahas na pinunasan ni Brix ang dugo sa gilid ng labi nya gamit ang likod ng palad nya syaka diretchong tumingin s mata ni Win. "Kung nag-aalala ka sakanya, gumawa k ng paraan at wag ako ang pagbuntunan mo ng galit,Turan nya at tumingin kay Bright. Pinasok ang hideout! nawawala si Brylle, ang hula ko kasabwat sya ni Uno. walang emosyon na wika nya syaka umakyat ng hagdan.
Hindi na nagawang magsalita ni Win sa narinig at tumingin kay Bright na hindi rin makapaniwala, "Ipapahanap ko sya. singit ni Angel, ayoko kay Brylle pero alam kong hindi sya ganun kasama para idamay si mommy kaya kailangan kong mahanap ang Brylle na yun para sa bibig nya mismo malaman ang sagot sa mga tanong natin. tumango si Bright at si Win sa sinabi ni Angel.
Habang si Brix naman ay agad na inilock ang kwarto nya pagpasok nya rito at nagpalit ng damit, balak nyang pasekretong umalis para hanapin si Brylle, dumaan sya sa bintana at maingat na umalis sa lugar na iyon, "Boss! dala na namin ang motor n gagamitin mo. Turan ng isa sa mga tauhan nya. Sa ngayon sir, nakita na namin ang sasakyan na ginamit ng kumuha kay sir Brylle, ayon sa impormasyon na nakalap namin ay nasa bandang Antipolo nya dinala si sir Brylle pero Hindi pa po namin sigurado ang exact location nya. Hindi na sumagot si Brix at mabilis na pinaandar ang motor nya.
.
.
.
.
.
.
Si Ken naman ay dinala si Brylle sa isang clinic para magamot at pagtapos ay agad na dumiretcho sa sekretong hideout nya, malayo iyon sa kabahayan at tanging sila lamang ang naroon, kinabitan nya ng dextrose si Brylle at hinayaan nyang magpahinga ito.
Kinabukasan ng magising si Brylle ay agad nitong sinubukang tumayo para alamin kung nasaan sya ng bumukas ang pinto at iluwa nun si ken na may dalang pagkain. "Gising kana! kumusta ka? sigurado ako nagugutom kana.. kumain ka muna nagluto ako ng lugaw, masayang bungad ni Ken
"Asan tayo? tanong nya dito.
"Nasa Antipolo tayo, dinala kita rito matapos kitang iligtas, kumain ka muna para may lakas kang magtanong. maingat n umupo si Brylle at inilibot ang mata sa kwarto na iyon. "Si Brix... nakita mo ba sya bago mo ako nailigtas? tanong ni Brylle na ikinainis ni Ken. "Brix?! talaga Brylle? matapos ng ginawa nya sayo hinahanap mo pa rin sya? matapos ang lahat umaasa ka pa rin na darating sya para iligtas ka samantalang sya Ang dahilan kung bakit ngyari yan lahat sayo ngayon! napabuntong hininga na Lang si Brylle at tumingin sa mata ni Ken. "Anong magagawa ko kung sya agad ang gusto makita ng mga mata ko pagmulat nito.. Ken, I fell in love with him. nakayuko nyang Turan sa kaibigan
"Hindi naman yun maiiwasan lalo at lagi kayong magkasama, turan nya at inilapag sa mesa ang pagkain ni Brylle, Ang mabuti pa kumain kana muna, wag ka mag alala makakalimutan mo din sya agad, aalis na muna ko, may nakalimutan akong gawin sa baba.
"No ken.. I fell more than you think, and this feeling will never go away and will stay in my heart forever. Inis na nasuklay nalang ni Ken ang buhok nya gamit ang mga daliri at nilingon si Brylle. "he fell first but you fell in love harder? is that it? wow...are we shooting a romance story here Brylle? don't give me that bullsh*t and stay here until you are sane again! galit na Turan nya at malakas na isinara ang pinto. mariing napapikit si Brylle dahil sa lakas ng pagkasara nun. "Kailangan kong makausap si Brix sa lalong madaling panahon, dapat nilang malaman na hindi mapagkakatiwalaan si Luke pero bago yun, kailangan kong lumayo kay Ken, mahina nyang sambit sa sarili
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...
