My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 15
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle VelenceBright Vespers (Brix Brother)
Win/Levi Vespers (husband of Bright)
Angel Vespers (Bright's twin sister)_______________________________________
"Dahil sa video na yan kaya ako naaksidente.. kailangan na nating sabihin to kila daddy phoenix, Hindi basta basta ang lalaking yan.. wika ni win.
"May tiwala ako kay Brix pero dahil Ikaw babe ang nag suggest kaya sige.. sasabihin natin ang sitwasyon kila dad. wika ni Bright
"May tiwala rin naman ako kay Brix pero maganda na ang nag iingat. sagot ni Win.
"Sabagay.. pero dapat mag ingat ang impostor na yun kay Brix. sagot ni love
"Sakanilang dalawa sa tingin nyo kanino dapat mas mag ingat? tanong ni win
"Tinatanong pa ba yan? syempre kay Brix! alam nyo namang para yung bomba na pwedeng sumabog anytime.. sagot ni Love
"Brix is like a puzzle book while Brylle is a Diary.. si Brix ang tipo ng tao na mahirap basahin pero once na napag aralan mo siya ng mabuti ay makakaya mo ng mahulaan ang Tama at susunod mong hakbang. Habang si Brylle ay ang tipo ng libro na nakatago lang.. alam mong marami syang sekreto pero hindi mo sya magawang mabasa dahil sya lang ang nakakaalam ng tunay na siya at wala siyang balak na ipabasa yun sa iba.. sagot ni Angel
"And that makes him dangerous and complicated. An angel in disguised. sagot ni Win
"And we must remove the dirt before it stains. tama ba ako Win? tanong ni Angel
"Hindi pa naman tayo sigurado kung sino talaga siya at ano ang pakay nya.. but to make him shut, means a war with Brix, sigurado ako mahal na nya ang impostor na iyon.. sagot ni Win
"Kaya aalamin natin kung sino talaga sya at hahayaan na si Brix ang humatol sakanya. wika ni Bright na tinanguan ni angel at love
.
.
.
.
.++++ PROVINCE ++++
"Nahihirapan na ako Brylle, ano bang dapat kong gawin?
Lumapit si Brylle at mahigpit na niyakap si Brix, "Pakinggan mo lang ang puso mo Brix at malalaman mo ang dapat mong gawin..
"My heart wants you, but my mind says otherwise.. alam kong dapat sinusunod ang isip pero hindi ko magawa.. natatakot akong mawala ka tulad ng natatakot akong nasa tabi kita.. Hindi ko na alam, naguguluhan ako
"Kung ganun tutulungan kita.. hayaan mo kong ipaintindi sayo kung ano ang mas matimbang Brix, (ngumiti) let me show you what love is..
"Love... (tumango tango at niyakap si Brylle) kung mahal nga kita gusto kong mahalin mo rin ako.. (tumingin kay Brylle) your mine afterall
ngumiti, "Yeah.. I'm yours, pero sa ngayon bumalik na tayo.
Pagdating nila sa bahay ay agad na ginamot ni Brix ang ilang sugat na nakuha ni Brylle syaka sila kumain, habang kumakain ay hindi binabitawan ni Brix ang kaliwang kamay ni Brylle kahit nahihirapan siyang kumain kaya manaka nakang sinusubuan siya ni Brylle, sa twing gagawin yun ni Brylle ay tipid na ngumingiti si Brix at tumititig dito.
Kinagabihan ay nagpasya silang sa kwarto ni Brylle matulog.
"Ang mommy mo, mukhang mabait sya..
tumango si Brix. "She is. Siya lang din ang nag-iisang tao na kayang pasunurin si dad at pigilan
"mahal na mahal pala ng dad mo ang mommy mo.. eh yung mga kapatid mo? anong ugali meron sila?
"Angel is easygoing person while Bright is not.
"may asawa naba sila? ang alam ko kasi Ikaw Ang bunso..
"Si Bright meron na, mahal n mahal nya si Win at tingin ko under sya nito. (tumingin kay Brylle) Kaya napakaswerte mo kung talagang mahal na kita.. nasa lahi namin ang tapat at wagas kung magmahal...
ngumiti, "Mas mswerte ka sakin pag nagkataon! biruin mo kanina lang muntik mo na akong patayin pero ito na ako ngayon katabi mo at napatawad kana, (tinapik sa balikat si Brix) Tama ang desisyon ng puso mong mahalin ako, patutunayan ko yan sayo..
nakatitig sa mukha ni Brylle. "Wag kang ngumiti sakin ng ganyan.. nagtitimpi lang ako ngayon dahil sa mga galos at sugat mo pero sinasabi ko sayo hindi ako gentleman.
tumawa. "Matulog na nga tayo..
niyakap si Brylle at hinalikan sa noo. "Dream of me..
ngumiti. "Aba.. may paganyan ganyan kana ha..
"Matulog kana nga lang kung ayaw mong magdamag mag exercise kasama ko!
pinikit ang mata. "Matutulog na po.
.
.
.
.
.Tumayo si Brylle at lumabas ng masigurong himbing na si Brix, kampante naman syang Hindi ito basta basta magigising dahil nalagyan nya ng kaunting pampatulog ang inumin nito kanina,
Maingat siyang lumabas at nagtungo sa madilim na bahagi ng bakuran nila.
"Labas na dyan! wika ni Brylle
Lumabas naman ang isang lalaki sa tinataguan nito. "Sinigurado mo bang walang nakakita sayo? tanong nito kay Brylle
"Dapat mo pa bang itanong yan? dimo ba ako kilala?!
Ngumiti, "Kung may tao man na higit na nakakakilala sayo ako yun Zale Harris...
"Tumahimik ka nga Ken! sinabi ko na sayo na wag mo akong tatawagin sa pangalan ko! ako si Brylle Velence! kuha mo?!
"Tayo lang naman ang nandito..
"Binabalaan kita, kalimutan mo na ang pangalan na iyan! ayokong maririnig yan lalo na kung galing sayo! seryosong wika ni Brylle
tinaas Ang dalawang kamay pantay sa ulo nito. "Okay.. sorry.. masyado ka namang high blood, Syanga pla bakit mo ko pinuntahan?
Biglang sinikmuraan ni Brylle ang lalaki. "Para yan sa kanina! Binabantayan mo ko para protektahan hindi para panooring matuklaw ng ahas o masaktan ni Brix!
umubo ubo. "Si Brix at ahas lang yun.. alam kong kaya mo naman sila..
"Makamandag na ahas ang nasa harapan ko kanina at isang mabangis na Leon naman ang nasa likuran ko tapos wala kang ginawa?! hindi mo ba Nakita ang itsura ni Brix kanina habang hinahabol ako?
"Ahas at leon lang pala yun.. kaya mo sila kahit ikaw lang.. syaka kahit papano gumawa ako ng aksyon. patalim ko ang isang tumama sa ahas.
Natigilan. "Nag iisip kaba? pano kung napansin ni Brix na may ibang bumato ng patalim? tutulong kanalang palpak pa!
"Hindi ako pwedeng magpakita sakanya, alam mo yan..
inilagay ang mga kamay sa bulsa. "Sa susunod na kita paparusahan, sabihin mo nalang sa kanya na nagawa ko ng mapa ibig ang bunsong anak ni Phoenix, kailangan na naming magkita para sa susunod na plano.
sumaludo. "Yes boss..

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...