Not now

98 10 4
                                        

Sa di kalayuan ay narinig ni Brylle ang pag tawag sa kanya ni Brix kaya agad syang napalingon dito, sa oras na iyon ay naguguluhan pa sya matapos ang lahat ng nalaman nya. alam niya na mahal niya ito ngunit hindi sya sigurado kung sapat na iyon upang makalimutan nya ang lahat ng sakit at hirap na dinanas niya sa pagkawala ng pamilya nya at ng kuya Harold nya na itinuring nya na higit pa sa tunay na kapatid.

"Pumasok na kayo! siguraduhin ninyong hindi masasaktan si Brylle! utos ni Brix sa mga kararating na tauhan

Ilang sandaling nagdalawang isip si Brylle ngunit sa huli ay minabuti nyang lumayo muna at pag-isipan ng mabuti ang lahat bago magdesisyon dahil alam nya na walang patutunguhan ang isang relasyon na puno ng pag- aalinlangan.

"Kung sakaling magkita tayong muli.. sa oras na yun, maniniwala na ako sa tadhana at sisiguraduhin kong mas pipiliin kong sumaya kasama ka.. pero sa ngayon, patawad Brix, dahil kailangan ko munang paghilumin ang lahat ng sugat sa puso ko.. mahinang wika nya sa hangin at malungkot ang ngiting lumayo sa lugar na iyon.

.
.
.
.
.

Nagising si Ken ng makarinig ng mga yapak, agad siyang bumangon at nagtungo sa kwarto ni Brylle ngunit isang sulat lang ang nakita nya sa kama nito, "Let's not see each other again. I can take care of myself." iyon lang ang naka sulat doon, galit na nilumukos nya ang papel at maingat na lumabas, pinatay nya ang lahat ng Ilaw at binalian ng leeg ang unang tao na nakita nya at dinala sa Cr ng kwarto ni Brylle, ginilitan nya ito at hinayaang umagos ang dugo nito sa tubig, umalis sya saglit upang Kunin ang bloodbag ni Brylle na kinolekta nya noong wala itong malay syaka dinala ang bangkay sa kama at pinakalat ang dugo ni Brylle sa sahig, matapos iyon ay lumabas sya sa bintana, ng makalayo sa bahay na iyon ay ngumisi sya bago pindutin ang kulay pulang button sa remote control na hawak nya. "A'dios. ang winika nya bago sumabog ang bahay na iyon.

Samantalang nasa loob sila Brix ng sumabog ang bahay na iyon, mabuti na Lang at naging maagap sya at tumalon sa bintana, dahil nasa ikalawang palapag sya kaya nabalian ang paa nya kaya halos gumapang sya makalayo lang sa bahay na iyon, dahil sa makapal na usok at iniinda nyang sakit ay di na namalayan ni Brix ang ngyayari at paggising nya ay nasa ospital na sya.

"Brix! anong nararamdaman mo? nakikilala mo ba ako? nag-aalalang tanong ni Angel

"Si Brylle.. tanong ni Brix, ngunit imbes na sagutin nito ang tanong nya ay yumuko lamang ito at humingi ng tawad

"He's dead... kasama si Brylle sa namatay.. garalgal ang boses na turan ni Angel, kahit na hirap kumilos ay nagawa ni Brix na bumangon at hilahin ang dextrose nya. "Sinungaling! sinasabi mo lang yan dahil ayaw mo kay Brylle! ilabas nyo sya! sigaw ni Brix

"Kahit ano pang gawin at sabihin mo Hindi mo na sya maibabalik! turan ni Bright na lalong ikinagalit ni Brix! "Bitiwan mo ko! kung ayaw nyo akong tulungan ako mismo ang hahanap kay Brylle! sigaw nya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ni Angel

"please Brix.. Tama na.. baka mapano ka pa eh.. umiiyak na wika ni Angel ngunit lalo lang maging histerical si Brix kaya wala ng nagawa si Bright kundi tumawag ng doktor upang maturukan ito ng pampatulog.

Dahil hindi matanggap ni Brix ang ngyari kaya sa twing magigising sya ay nagwawala ito at nagpupumilit na umalis para hanapin si Brylle kaya nagdesisyon na sila Phoenix na ikadena ang Isang paa ng anak upang hindi na ito makapagtangkang umalis sa ospital ngunit dahil sa ginawa nila ay muntikan ng putulin ni Brix ang paa nya makaalis lang sa lugar na iyon.

"I'm sorry ma'am, sir, your son is now in trauma, I'm afraid were not a capable doctors for him, please seek psychological assistance. turan ng doktor nito

Agad na napatakip si heaven sa bibig s narinig, "Magiging okay pa po ba ang anak ko dok? tanong nito

"He's the one who can make it happen ma'am, I'm sorry I can't help.

Napaiyak si Heaven sa narinig habang halos walang lakas na napaupo si Bright. "Ano ng gagawin natin dad? tanong nya

"We will transfer your brother tonight, pero siguraduhin mong nandito pa rin ang records nya at walang makakaalam sa pamilya man o sa labas ng karamdaman ni Brix, we will protect your brother at any cost. desididong turan ni Phoenix.

Kinagabihan ay patagong dinala si Brix sa isang kilalang Psychiatric Hospital, ibang pangalan ang inirehistro doon at may mga bantay sa labas ng kwarto ni Brix.

Hindi naging madali sa pamilya ni Brix ang makita ito na nagdedeliryo at animo ay baliw na kinakausap ang hangin, makailang beses na napahagulgol si heaven at angel sa tuwing makikita ito na sinasaktan ang sarili o dikaya namay animo'y nasa alapaap at tumatawa mag isa.

"Brylle.. nagustuhan mo ba Ang mansyon natin? masaya ka rin diba? tumatawag turan ni Brix habang nakatingin sa rehas na bintana.

"Doc..bakit parang mas lumalala ang anak ko? tanong ni Heaven.

"Kahit gaano kagaling na doktor, kung ang mismong pasyente ang ayaw gumaling, mahihirapan po talaga ma'am.. lalo na at, masaya sya at kuntento sa mundong ginawa nya.

Bagsak ang balikat na pumasok si Heaven sa kwarto ng anak at maingat na hinimas ang ulo nito. "Anak.. anim na buwan na ang nakakalipas..

"Psshhh..wag mong lakasan ang boses mo mommy, tulog si Brylle.. napagod ko siya kagabi kaya kailangan nya mag-ipon ng lakas.. napatakip nalang sa bibig si heaven habang impit na umiiyak. "Anak.. patay na siya.. walang Brylle dito.. tanggapin mo ng wala na sya, nagmamakaawa ako sayo anak..

"Umalis kana.. malamig ang boses n turan ni Brix sa Ina. kung tulad kalang din nila na hindi maniniwala sa sarili mong anak Ang mabuti pa umalis kanalang at iwan kami ni Brylle dito! parehas ka lang nila! ayaw mo rin kaming sumaya ni Brylle!

"Anak.. Hindi..

"Alis na! iwanan mo ko! sigaw ni Brix sa Ina.

Dahil nagwawala na si Brix at nasasaktan na nito ang sarili kaya wala ng nagawa si heaven kundi ang lumabas ng kwarto. Sa ilang buwan nitong pagkakasakit ay nangayayat n ito ng husto dahil nagagalit ito pag may ibang pumapasok sa kwarto at minsan ay sinasaktan pa ang mga nurse na nag-aasikaso sakanya.

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon