s*x partner

110 11 1
                                        

My Mafia boss Season 3

"Mask of death"

chapter 3

Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence

_______________________________________

Kinabukasan ay maagang nagtungo si Brylle sa bahay nila upang yayain si Brix na maligo sa ilog kahit natatakot sya rito ay hindi naman nya kayang suwayin ang utos ng mommy niya.

Nakaugalian na sa lugar nila na magtipon tipon sa ilog tuwing byernes ang mga kabataan kaya naisipan nyang gamitin iyon para mapalapit kay Brix. Agad nyang kinatok ang kwarto ni Brix pero nakakailang katok na sya at tawag ay hindi parin ito sumasagot kaya bumaba na sya para hingin ang susi ng kwarto ni Brix kay manong Entong ngunit sinabihan lang sya nito na mahigpit daw na bilin ni Brix na wag syang gagambalain.

Dahil desidido si Manong Entong na hindi ibigay ang susi ng kwarto ay nagpasya si Brylle na sa bintana nalang ng kwarto ni Brix dadaan kaya pumunta sya sa likod bahay at inakyat ang puno na malapit sa bintana ni Brix, pagkaakyat nya ay napangiti sya ng malamang hindi naka lock ang bintana nito, sinilip nya ang loob at dahan dahan syang pumasok ng makita nyang nakapikit pa si Brix.

inikot nya ang kwarto nito at kalaunan ay dahan dahang umupo sa kama habang pinagmamasdan ang mukha nito habang natutulog,

"tignan mo nga naman.. ang bait mo tignan pag tulog..

naghanap sya sa drawer ni Brix ng ballpen at papel at sinulatan iyon syaka dahan dahang lumabas muli sa bintana..

Pagkaalis ni Brylle sa kwarto ay ibinukas ni Brix ang kanyang mata at tinignan ang papel na iniwan nito doon, niyayaya sya nitong maligo sa ilog mamayang hapon, ipinaliwanag din nito sa sulat na sa bintana sya dumaan at sa susunod ay ilock nya raw ang bintana kung matutulog sya dahil para syang mantika matulog.

ginusot nya ang papel at inihagis iyon sa basurahan, wala syang oras makihalubilo sa kahit na sino sa lugar na iyon.

.
.
.

Alas Dos na ng hapon bumaba si Brix para kumain, nagtataka syang tahimik ang buong bahay pero di na sya nag abalang hanapin pa si Entong at mabilis na kumain at bumalik sa kwarto niya pero pag pasok nya ay naroon sa kama nya nakaupo si Brylle

"Anong ginagawa mo sa kwarto ko? sinabihan na kitang lumayo sakin.

"Sabi ni mommy hindi daw talaga tayo magka mag-anak..

"Ngayong alam mo na, lumabas kana sa kwarto ko

"Gusto sana kitang maging kaibigan Brix..

"Hindi ko kailangan ng kaibigan

"Ha? Pero bakit?

pinalawak ang bukas ng pinto, "Wag mo ng painitin ang ulo ko. Ali's na.

Tumango nalang si Brylle at naglakad na palabas ng kwarto ni Brix pero bago tuluyang makalabas ay muli syang humarap kay Brix.

"Sure ka, ayaw mo.. hindi nya natapos ang sasabihin dahil nagulat syang sobrang magkalapit sila ni Brix,

Nakatitig sa mata ni Brylle, "I change my mind, I'm bored so do something! wika nya sabay hila kay Brylle papasok muli sa kwarto nya

"Ha? a-anong gagawin ko?

Umupo, "You want us to be friends so entertain me.

"Entertain you? friendship ang inooffer ko hindi ang maging entertainer mo..

Tumayo, "Meaning, your useless. labas na.

"Wait.. sige! sige! masyado namang mainitin ang ulo mo,

Muling umupo si Brix habang ilang beses namang huminga ng malalim si Brylle, wala na syang ibang iniisip kundi makuha ang loob nito para sa magulang nya.

Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon