My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 4
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_______________________________________
Limang araw na si Brylle na hindi nakakalabas sa kwarto ni Brix.
Inilipat narin ni Brix ang ibang gamit nya sa kwarto nito sa twing may kailangan naman sya ay ito rin ang kumukuha, nag-aalala na si Entong kaya minsan ay kumatok ito sa kwarto ni Brix para kaumustahin sya ay sinabi nyang maayos lang sya kaya wag mag alala, sinabi nyang may sakit lang sya at si Brix ang nag aalaga sakanya, hindi na nagsalita si Manong Entong at umalis na.
.
."Brix.. kailan ako pwedeng lumabas?
"Pwede ka ng lumabas.
nagliwanag ang mukha, "Ta-talaga? salamat..
Agad na lumabas si Brylle at nagtungo sa kwarto nya para mag bihis syaka sya umalis ng bahay na iyon na may dalang ilang gamit at pagkain, nag-iwan din sya ng sulat sa may ref na sa kaibigan muna sya makikitulog.
Dumiretcho sa Kubo si Brylle at agad na tinawagan ang mommy nya, tinanong nya kung anong trabaho ni Brix at kung anong klase ng pamilya meron ito, ang tanging sagot lang ng mommy nya ay galing ito sa mayaman at kilalang pamilya, isa rin itong CEO ng malaking kumpanya.
Matapos nilang mag-usap ng mommy nya ay sumilip sya sa bintana, masakit pa ang katawan nya at halatang halata pa ang mga marka ng halik ni Brix sa katawan nya kaya hindi Sya makapunta sa nayon, kahit sa mga braso nya ay may bakat ng kagat si Brix, alam nyang magtataka ang mga taga nayon pag nakita syang balot na balot ng damit kaya minabuti nyang sa kubo na muna magpalipas ng mga araw.
Dahil sa sakit ng katawan at pagod ay naisipan nyang matulog muna, umaga na ng magising si Brylle, habang sa Bahay naman nila ay ilang beses ng nagpabalik balik sa kwarto ni Brylle si Brix at dahil 24 hours ng wala si Brylle kaya nagtanong na sya kay Entong kung nasaan si Brylle
"Naku sir Brix, ang sabi lang nya ay pupunta sya sa kaibigan at doon makikitulog, marami hong kaibigan si Brylle at mababait naman ang mga tao rito kaya hindi ako nag-aalala. sagot ni entong
Hindi maintindihan ni Brix ang nararamdaman, may parte sa kanya na gustong makita si Brylle pero mayroon ding parte nya na nagagalit dahil sa hindi nito pagpapaalam na aalis ng bahay.
Kinukumbinsi nya ang sarili na kaya lang sya nagkakaganun ay dahil naiinip sya sa lugar na iyon at malabong nangungulila sya kay Brylle pero kahit anong kumbinsi nya sa sarili at gawin nya ay si Brylle lang ang naiisip nya kaya lumabas sya at sinubukang hanapin si Brylle sa nayon
"Sir Brix! Ikaw ang pinsan ni Brylle Tama?" wika ng matandang lumapit kay Brix
"Hindi kami magka mag anak
"Kung ganun magkaibigan kayo?
"Asan si Brylle? tanong ni Brix
"Si Brylle ba kanyo? aba't anim na araw na nga naming hindi nakikita..nag aalala na nga kami kaya bibisitahin na sana namin, akala ko alam mo kaya tinawag kita
kumunot ang noo, "Sabi nya makikitulog sya sa kaibigan nya na Taga nayon
"abay kung totoo nga iyan ay dapat nakarating na ang balitang iyan sa amin, malamang nasa Kubo nya si Brylle..
"Kubo? tanong ni Brix
"Oo.. ang alam ko kasi nagpagawa sya ng Kubo sa bundok noon dahil may signal dun ang telepono nya kahit papaano
"Kung ganun okay lang sya.
Gustong alamin ni Brix kung saan ang Kubo na sinasabi nito pero sinaway nya ang sarili at naglakad nalang sya pabalik sa bahay nya. ilang minuto na siya sa kwarto nya pero hindi parin sya mapakali, wala syang ibang maisip kundi si Brylle. naisipan nyang uminom ng alak kaya bumaba sya para kumuha ng wine ng marinig nya ang matandang nakausap nya kanina sa nayon at si Entong na nag uusap.

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...