"Brylle! anong ngyari? sigaw ni Maki habang patuloy ang sa pag takbo palapit sa kinaroroonan nito.
"Maki! mabuti dumating kana! na stroke si Nanang kaya dinala ko agad dito sa ospital, hinahanap ka ng nurse para pumirma sa mga papers nya dito sa ospital, kapamilya kasi ang kailangan.. turan ni Brylle
"Mabuti na Lang hindi pa ako naka karating sa trabaho ko ng tumawag ka dahil mahigpit sa pina pasukan kong hospital. sagot ni Maki habang pini-pirmahan ang mga kaka-ilanganin para ma admit ang Nanang nya.
"Eh pano sa trabaho mo? natawagan mo na ba? diba sabi mo mahigpit ngayon dun lalo at isa ka sa napili para mag alaga sa vip patient nyo? tanong ni Brylle. napabuntong hininga na Lang si Maki sa sinabi nito. "Mahalaga ang trabaho ko sa hospital at alam kong baka hindi na ako makahanap ng trabahong ganun kalaki ang sweldo pero mas mahalaga si Nanang.. ako nalang ang pamilya nya..
"Kung papayag ka Maki, ako muna papalit sayo..pareho naman tayo ng built ng katawan at nakamask ka naman sa hospital diba? wala naman sigurong makakaalam na pinalitan kita. isa pa mas kailangan mo ngayon ng trabaho, suhestyon ni Brylle
"Baka mapahamak ka pa sa gagawin mo Brylle, malaking ospital yun at mga bigating tao ang kadalasang naroon, baka mabisto ka makukulong tayo.. turan ni Maki
"Pero Ikaw na rin ang nagsabi, baka hindi kana makahanap ng trabaho na ganun kalaki ang sweldo, isa pa, diba may pinirmahan kang kontrata na kahit Anong mangyari Hindi ka liliban sa trabaho? mamaya pagbayarin kapa ng penalty pag hindi mo nagawa ang trabaho mo ngayong araw.. syaka alam mo namang gipit tayo ngayon diba? kaya mas kailangan natin ang trabahong may malaking sweldo.. sige na Maki, pangako mag iingt ako at hindi kita ipapahamak..
ilang ulit pa nyang kinumbinsi ang kaibigan bago nya ito napapayag.
ngayon nga ay nasa harap na sya ng isa sa pinakamalaking psychiatric hospital sa buong mundo, huminga muna sya ng malalim bago tuluyang magpatuloy sa paglakad at habang inaalala ang mg bilin ni Maki, 'Basta tandaan mo Brylle, wag na wag kang masyadong lalapit kay boss x dahil may tendency syang manakit, wag ka ring titingin sa mata niya dahil ayaw nya iyon at kung ayaw nya kainin ang binibigay mong pagkain ay hayaan mo nalang muna sya, natatakot kasi akong magkaron ng problema pag kinumbinsi mo syang kumain kaya wag na wag mo syang pipilitin ha? wag kang mag-alala, ang pagpapakain lang sakanya ang trabaho ko dahil may ibang nakatoka sa pagpapaligo at paglilinis sakanya'. Nabalik lang sa kasalukuyan ang diwa ni Brylle ng tapikin sya ng guardya. "Ayos ka lang sir? hindi kapa ba mag i-in? turan nito kaya agad na inilapat nya ang i.d na suot s machine at dalidali ng pumasok, dahil minsan na syang nakapasok doon ay kahit paano ay alam na nya ang pasikot sikot kaya naman ay Hindi na sya nahirapan na hanapin ang locker ng kaibigang si Maki at ang kwarto ng vip costumer nito.
"Code?! tanong ng gwardiya habang nakaharang sa pinto ng pasyente nya.
"Boss X 403 sir. sagot ni Brylle at agad naman syang pinapasok,
Pagpasok nya ay agad nyang binati ng magandang Umaga ang pasyente at inalis ang takip ng mga pagkaing dala nya. "Sir, mag agahan na po kayo, nakangiti nyang turan kahit pa alam nyang hindi nito makikita ang ngiti nya dahil nakamask sya, Sir...? muli nyang turan ng hindi ito kumilos sa pagkakahiga. "Sir, okay lang po ba kayo? kailangan nyo po ba ng tulong sa pag upo? muli nyang tanong ng magsalita ito ng paangil.
"Stop it! your too loud! baka magising ang boyfriend ko! sigaw ni Brix na masama ang tingin kay Brylle.
Hindi makapaniwala si Brylle ng makita ang pasyente, sa isip nya ay impossible na ito ang Brix na kilala nya, ngunit ang mukha at boses nito ay kapareho ng kay Brix, hanggang sa tuluyan syang maniwala ng marinig nya itong kinakausap na Brylle ang singsing sa tabi nya.
"B-Brix.. Anong ngyari sayo? umiiyak nyang tanong at niyakap ito. Brix... anong ngyari? bakit nandito ka?
"Bitiwan mo ko! galit n wika ni Brix at malakas na tinulak siya. Babe..Brylle, wag kang magseselos ha? hindi ko kilala yang lalaki na yan.. nababaliw na ata yan eh. kausap ni Brix sa hangin
Napatakip nalang sa bibig si Brylle habang pinipigilan ang sariling mapahagulgol dahil sa awa at pagsisisi sa paglayo nya noon, ilang sandali pa ay tinanggal nya ang mask at muling lumapit dito. "Brix...nakikilala mo ba ko? ako to... si Brylle..
"Brylle? kunot noo na turan ni Brix
"Oo.. ako to.. ako to si Brylle.. A-anong ngyari sayo Brix? bakit ka nandito? hilam ang mga luha n turan nya.
"Dalawa kayong Brylle? umiling iling siya sa sinabi nito. "No.. nag-iisa lang ako Brix, ako lang ang narito at kasama mo.. ako lang ang Brylle.. turan nya
"Anong Ikaw lang ang kasama ko? hindi mo ba sya nakikita? ito oh.. magkamukhang magkamukha kayo, syaka alam mo bang hindi nya ko iniwan dito.. kahit saan ako magpunta sinasamahan nya ako.. inaalagaan nya ko.. kaya kung nandito ka para ilayo ako sakanya, mabibigo kalang.. masaya na kami ni Brylle, isa pa, sigurado akong hindi nya ako iiwan.. nakangiting turan ni Brix
"Alam mo ba kung nasan ka ngayon? nasa psychiatric hospital ka Brix! alam mo ba kung kailan ka pa nandito? alam mo ba ang dahilan ng pagdala nila sayo sa lugar na to? sunod sunod n tanong ni Brylle
sumeryoso ang mukha ni Brix at tumitig sa mata ni Brylle. "Wala akong pakiilam kahit nasaan pa ako dahil ang mahalaga lang ay ang makasama ko si Brylle! kung iniisip mo na mailalayo mo ako sa kanya ay nagkakamali ka! hindi mo ako maloloko kahit pa gayahin mo ang mukha ni Brylle. turan nya
"Brix... Dahil ba sa akin? nagkaganyan kaba mula ng iwan kita? Brix..sabihin mo, kasalanan ko ba..? umiiyak na tanong ni Brylle ngunit hindi sya pinansin ni Brix at nahiga lang habang yakap yakap ang unan

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...