promised kiss

66 6 0
                                        


Halos lahat ng tao roon ay nakatingin sa bagong-dating na sina Brylle at Brix, nakasuot sila ng luma na kamiseta na ipinahiram ni Tatang at lumang salawal ngunit hindi iyon naging kabawasan sa taglay na kakisigan ng dalawa.

"Ang kikisig naman ng bisita ni Tatang, rinig nila Brylle na bulungan ng mga kadalagahan roon.

"I'm not comfortable here. kunot noo na wika ni Brix na nagpangiti kay Brylle. "At bakit naman? wag mo sabihing nahihiya ka sa suot mo? o baka.. naiilang ka sa mga tingin ng Taga rito sayo? tanong ni Brylle dito.

"Hindi ako kumportableng tinititigan ka nila Brylle, sabihin mo nga, bakit kahit anong isuot mo bagay sayo? iritableng wika ni Brix na nagpatawa kay Brylle. "Wow.. sayo talaga nggaling yan ha? kumusta naman itsura mo? kahit basahan ata isuot mo hindi mababawasan kagwapuhan mo eh. iiling iling na wika ni Brylle. "Ibig sabihin gwapo ako sa paningin mo kahit anong suot ko? nakangiti na ring Turan ni Brix "Ha? Oo naman.. kailangan paulit ulit? gwapo ka okay? sa paningin ko man o ng kahit na sino dito, malabo lang ang mata ng magsasabing hindi ka gwapo. nakangiting wika ni Brylle ng yakapin sya mula sa likod nya ni Brix "I don't care about others opinyon, dahil opinyon mo lang ang mahalaga Brylle.

"Ehem.. mawalang galang na mga iho pero maari bang mahingi namin ang tulong nyong dalawa? tanong ni Aling Maria "Ano pong tulong? takang tanong ni Brylle dito "Unang araw kasi ng sayawan ngayon at nakaugalian na kumukuha kami ng iilan na kabinataan para isubasta ang unang gabi nila ng pagsasayaw, ginagawa namin yun para madagdagan ang pondo sa parating na fiesta, pero wag kayong mag alala hindi naman kayo aalis sa lugar na ito. kahit dalawang oras nyo lang samahan ang bumili sa oras nyo. wika ni Aling Maria na tinanguan ni Brylle. "Ang ibig nyo pong sabihin, parang yung 2hours ng gabi namin bibilhin nila? yung parang pataasan ng presyo para makadate kami?

"Oo Brylle, pwede ba kayong dalawa? tumango naman si Brylle. "Sige po!

Pag-alis ni Aling Maria ay hinawakan ni Brix ang braso ni Brylle. "Magkano ba ang kailangan nila? Ako nalang bibili sayo. seryosong wika nya. "Ano kaba? wala kang pera ngayon diba? syaka okay lang yan.. tutulungan lang naman natin sila makakalap ng pundo, 2hours lang naman at Dito lang din naman gaganapin ang date kaya pwede tulungan nalang natin sila? please Brix..? magiliw na wika ni Brylle kaya wala ng nagawa si Brix kundi bumuntong hininga "Fine! 2hours lang. sagot nito.

Nag-umpisa na ang programa at unang isinalang si Brylle, hindi nagtagal ay isang magandang binibini ang nagwagi sa pataasan ng perang idodonate at makakasama ni Brylle ng dalawang oras.

"Hi Brylle, I'm Angela, anak ako ng kapitan sa bayan, don't worry binili ko ang oras mo ngayon dahil kagalit ko ang isang may balak bumili sa oras mo kanina, nakangiti nitong wika. "Ah.. okay, yung nakabili sa oras ni Brix, Kasama mo yun diba? tanong ni Brylle dito. "Si Jam? Oo, bestfriend ko sya. sagot nito habang nakatingin sa kaibigan na nasa kalayuan ang mesa. "Gusto mo sya? I mean romantically? tanong ni Brylle na nagpabilog sa mata ni Angela sa pagkabigla. "My gosh! halata ba talaga? gulat nyang tanong na ikinatawa ni Brylle."Araw araw ko ba namang kasama si Brix, e pareho kayo kung makatitig sa taong gusto nyo. sagot nya dito. "Talaga? pareho kami kung paano tumingin sa taong gusto namin? teka nga.. explain mo, paano ba ako kung tumitig kay Jam? tanong nya kay Brylle. "Ah..yung parang sya ang mundo mo, napansin ko kasi napapangiti ka kahit tinitignan mo lang sya sa malayo tapos kumikislap yang mga mata mo habang nakatitig sa kanya at kahit ako ang katabi at kausap mo parang nakamagnet na ang mata mo sa kanya. nakangiti habang umiiling iling nyang Turan. "That's true.. she is my world, pero hindi gaya nyo ni Brix, na friend zone ako. Turan nya na nagpataas ng kilay ni Brylle. "Tulad namin ni Brix? anong point mo?

"Well.. halata kasi kayo, magboyfriend kayo diba?

"Kami ni Brix? no! I mean, magkaibigan lang kami. defensive na sagot ni Brylle, napataas ang kilay ni Angela sa narinig. "Obvious kaya kayong dalawa! kunot noo nyang Turan. "To clear your assumption, si Brix, Oo may gusto daw sya sa akin pero ako? wala.. as in hindi kami pareho ng nararamdaman. pagak na natawa si Angela sa narinig "alam mo Ikaw, dapat mas maging totoo ka sa feelings moeh, sige ka, mamaya magising kanalang wala na sa timing ang lahat, yung tipong tanggap mo na yung feelings mo pero malabo ng maging kayo.. tulad namin ni Jam, nung narealize kong sya ang gusto kong makasama habang buhay, wala na.. ikakasal na sya sa kuya ko. muntik ng maibuga ni Brylle ang iniinom sa narinig. "Ikakasal na sya? at sa kuya mo pa talaga? wow.. ang awkward nun.

Malungkot na ngumiti si Angela at uminom ng juice syaka tumingin sa mata ni Brylle. "I lost the timing to confess my true feelings to her, ang masaklap, tanggap na nyang hanggang kaibigan lang kami kaya mas gugustuhin nya raw na maging kapamilya ko kesa kaibigan lang atleast may koneksyon parin daw kami.. ang weird nya noh? diko sya magets kasi kung mahal pa rin talaga nya ko hindi sya magpapatali sa iba, kaya payong with experience lang Brylle, kung alam mong maswerte kana sa kanya, kung sigurado ka nang mahal ka talaga nya at kung alam mo na sa sarili mong masaya kang kasama sya, wag mo yung balewalain o isang tabi lang dahil ang feelings ng tao, pwedeng magbago.. baka kung kailan handa ka ng kumapit sa kamay nya ay huli na dahil handa na syang bitawan ka...

Hindi sumagot si Brylle na nilingon ang kinaroroonan ni Brix na kasalukuyang nakatingin sa kanya kaya nagtagpo ang mga mata nila, ilang Segundo silang nanatiling nakatingin sa isa't isa ng mamatay ang ilaw.

"Muling bubuksan ang ilaw matapos kung magpaliwanag, kada taon sa twing ika-unang pagsalubong sa paparating na fiesta ay nagkakaron kami ng tinatawag na destined kiss,Naging pamahiin na namin ito taon taon. ipaghihiwalay namin kayong lahat habang isusuot nyo ang ibibigay naming mask, at sa loob dalawangpung Segundo bago pumatak ang alas dose ay muli naming papatayin ang ilaw, sa mga oras na tanging pakiramdam lang ang aasahan nyo, maari nyong halikan ang taong pinakamalapit sa pwesto nyo, Fun fact sa game natin, alam nyo bang taon taon may nagkakatuluyan sa mga sumali? yung unang naging couple sa game natin ay pinatunayan ang pangako nilang till death do us part, maraming naging saksi, sa wagas nilang pagmamahalan na kahit sa huling oras ng sandali nila ay kapit kamay nilang hinarap iyon, 88 years old nawala si tatay Emanuel at 86 years old naman si Nanang Mona, kaya kung may inaasam ang puso nyo na narito ngayong gabi, manalig kayo at maniwala dahil kung para sa inyo talaga, ibibigay sya ng tadhana sayo... kung naiintindihan nyo na mag uumpisa na tayo, yung ayaw sumali sa labas kayo ng kawayan na bakod para hindi kayo mahila mamaya.. by the way, sa ganap na alas dose muling bubuksan ang ilaw, at yung katapat mo na dinala ng tadhana para sayo ay halikan mo, to sealed the promised kiss. Accept him or her kasi sya na rin ang magiging future mo.. nakangiting wika ng emcee, So ano pang hinihintay natin?! ready na ba kayong lahat? masiglang wika ng emcee na sinagot naman ng "yes ng mga naroon.

Pinaghiwahiwalay sila at inabutan ng tig-iisang mask, pilit pang hinahanap ni Brix ang kinaroroonan ni Brylle ngunit masyadong maraming tao kaya hindi nya ito makita ng biglang mamatay ang ilaw, nag-umpisang gumalaw ang iba at nagkakatulakan na Ang iba habang ibat ibang ingay ang maririnig, sanay si Brix sa dilim at malakas ang pakiramdam nya ngunit dahil sa dami ng naroon at sa pare-parehong mask na suot kaya nahihirapan syang hanapin si Byrlle, hindi naman talaga sya naniniwala sa mga ganung paniniwala dahil para sa kanya ay isa lang iyong kasinungalingan upang mas maraming sumali pero kahit ganun, umaasa syang makita si Brylle sa mga oras na iyon at mahalikan nya, dahil mula ng makilala nya si Byrlle ay handa na nyang gawin ang lahat mahalin lang sya nito kahit pa ang maniwala sa mga pamahiin ng kahit na sino o gawin ang mga bagay na hindi nya ginagawa noon kaya seryosong naghahanap si Brix ng muling magsalita sa Mike ang emcee.

"Okay mga iho, iha,bubuksan na Ang ilaw in 5.. 4... 3... 2... 1... buksan na ang ilaw!

Naikuyom ni Brix ang kamao ng marinig ang emcee, hindi nya inakala na manghihinayang sya ng ganun katindi ng dahil sa hindi nya mahahalikan si Brylle sa mga oras na iyon, marahas na napabuntong hininga sya ng bumukas ang ilaw at inis na tinanggal ang maskara nya sa mukha ng magkatulakan ang nasa harap nya kaya tumalikod sya sa mga ito.

"Brix.... gulat na wika ni Brylle ng mapagtanto na si Brix ang nasa harap, hindi nya sukat akalain na sasali ito sa palaro "Brylle.. tanging nasambit niya pagbukas ng mata nya at hinila papalapit si Brylle sa kanya saka hinalikan ito sa labi habang nasa pagitan nila ang kawayan na ginawang harang para sa mga hindi sasali sa palaro.

"Teka.. hindi ako kasali. pigil ni Brylle dito ng ilang segundong maglapat ang mga labi nila.

"Alam mo bang kanina pa ako paikot ikot para lang hanapin ka? kaya pala hindi kita makita dahil hindi ka sumali pero alam mo yung nakakamangha? nung akala ko wala ng pag asang mahanap kita, tinawag mo ang pangalan ko Brylle.. tingin ko sign na yun para mahalin mo ako dahil kahit ang tadhana, kumakampi na sa akin... nakangiting Turan ni Brix, hindi na kasagot si Brylle at nanatiling nakatitig lang dito dahil kahit sya hindi inisip na magkikita sila ni Brix sa dami ng taong naroon.

"Congratulations everyone! Welcome to our first day celebration! hangad namin na gaya ng mga naunang nakilala ang destined kiss nila noong mga nakaraang taon ay mahanap nyo rin sa isa't isa ngayon ang forever at happiness na nararapat sa inyo! masayang wika ng emcee. Everyone, let's enjoy the night!










Mask of deathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon