My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 31
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris
_________________________________________
Mabilis na nakalayo sila Brix sa mga humahabol sakanila dahil dumaan sila sa mga eskinita kaya nahirapan ang mga armadong lalaki na mahabol sila. Nang masiguro na tuluyan na nilang nailigaw ang mga humahabol sa kanila ay itinigil ni Brix ang motor sa tabi ng kalsada at niyakap si Brylle.
"Thank you for saving me Brylle, dahil s ginawa mo alam ko na ngayon na mahalaga ako sayo kahit paano.. nakangiting Turan ni Brix.
"Syempre mahalaga ka! Ikaw yung... Ikaw ang... Ma.... haiissst! basta mahalaga ka! Turan ni Brylle na kumamot pa sa ulo ng hindi mabigkas ng mga salitang nais nyang sabihin dito. umuwi nanga lang muna tayo! anong oras na rin naman tapos may party pa kayong dadaluhan ni Bright bukas.
.
.
.
.
.
+++ Kinabukasan +++
Hindi pa rin mapakali si Brylle lalo pa at hapon pa lang ay umalis na sila Brix at bright para pumunta sa venue ng party samantalang gabi pa ang simula nun kaya di na sya nakapagpigil at tinanong na nya si Win. "Ah...alam mo b kung bakit umalis agad sila Brix? 3pm pa lang tapos 7pm pa naman ang start ng party diba? tanong nya kay Win
"hanggat maari ayaw ipaalam ni Brix sayo ang impormasyon na ito pero dahil mukhang nag-aalala ka, oh.. mas tamang sabihing nagseselos kaya sasabihin ko na sayo ang totoo.. nakangiting Turan ni Win, nanlaki naman ang mata ni Brylle sa narinig at namula ang tungki ng Tenga. "A-anong nagseselos? hindi ah! ano lang.. ano.. curious lang ako. sagot nya kay Win na tumawa lang.
"Ang totoo hindi talaga yun birthday party kundi isang hunting party.. naniniwala sila Bright at Brix na si Uno ang nasa likod ng pagkawala nila mommy Heaven kaya ginawa nila itong plano para lumabas sa lungga nya si Uno. paliwanag ni Win, kunot noo naman na tumingin si Brylle dito "Uno? tanong nya kay Win na tinanguan naman nito. "Mortal syang kaaway nila Bright, magaling si Uno at madulas, ilang beses na rin syang nakatakas kila Bright, matalino sya at maabilidad.
"Kung ganun dapat tumulong din tayo! Turan ni Brylle, ngunit umiling lang si Win. "Laban nila yun Brylle.. isa pa, baka mag-alangan lang sila pag nandun tayo kaya irespeto nalang natin ang desisyon nila, ang mabuti pa magpahinga ka nalang at ganun din ang gagawin ko. Turan ni win at tinapik ang balikat ni Brylle bago ito umakyat ng kwarto niya.
Naiwang mag-isa sa kusina si Brylle habang nakapikit, pilit nyang pinapakalma ang sarili dahil nais nyang sundan sila Brix sa kabila ng sinabi ni Win ng mag ring ang cellphone nya kaya agad nya iyong sinagot, ang kaibigan nyang si Ken ang tumatawag, gusto nitong makipagkita sa kanya kaya agad na umalis si Brylle para puntahan ang kaibigan.
.
.
.
.
"Anong ngyari dito? nasaktan kaba Ken? tanong niya agad dito pagkarating nya sa bahay na inuupahan nito at makitang magulo at sira ang pinto ng bahay ng kaibigan.
"Cret is in critical condition kaya biglang naalala ng walanghiya kong ama na may isa pa pala syang anak! gusto nyang bumalik ako sa puder nya at pag-aralan muli ang negosyo nya! o mas tamang sabihing kailangan nya ng puppet hanggat hindi gumigising si Cret! Turan ni Ken na nakaupo habang naninigarilyo, mababakas sa bawat salita nito ang labis na galit sa ama
"Matapos nyang ipamukha sayo na anak ka nya sa labas at itakwil ka! ang kapal namn ng mukha ng tatay mo! inis na Turan ni Brylle. Ano ng plano mo? wag mo sabihing susunod ka sakanya?
"Wala akong magagawa Brylle, sabi nya pag di ako sumunod, susunugin nya raw itong inuupahan ko at pahihirapan ang lahat ng tumulong sakin maging ang mga kaibigan ko! Turan nya at galit na sinipa ang lamesa. Wala pa ring nagbago! basta may pera ka at kapangyarihan Ikaw pa rin ang mananalo at masusunod! may bahid ng hinanakit na Turan ni Ken
Hindi na nagawang magsalita ni Brylle ng dumating ang mg tauhan ng ama nito at sunduin si Ken, dahil nag-aalala sa kaibigan ay sumama sya Dito, pagpasok na pagpasok pa lang nila sa malaking bahay na iyon ay bumungad na ang galit na ama ni ken.
"Sino yang sinama mo?! sinabi ko na kalimutan mo na ang mg pulubi mong kaibigan dahil simula ngayon dadalhin mo na ang pangalan ko! sigaw nito sa anak
"Hindi pulubi si Brylle, syaka kung ako lang masusunod mas gusto ko pang magkalimutan nalang tayo tutal namanhindi kadugo ang trato mo sakin, mabuti pa nga ang ibang tao marunong magmalasakit! Turan ni Ken at malakas na sample ang natamo nya sa pisngi dahil sa pagsagot nya s ama. "Walang utang na loob! utang mo sa akin ang buhay mo!
"Utang sayo? wala ka nug nanaganak si mama! wala ka noong mag-aral ako! wala ka sa tabi ko habang lumalaki ako at kahit sa huling sandali ni mama ni hindi ka nag-abalang dumalaw! kung may pamilya ako, si mama lang yun!
"Hoy! kung hindi lang sana nasa kritikal na sitwasyon si Cret ay hindi ako mag aaksaya ng panahon sa bastardo at wlang utang na loob na gaya mo! Turan ng ama nito
"syempre! dyan lang naman kayo magaling! ang gamitin ang mga taong may pakinabang at itapon ang mga walang silbi sa paningin nyo! puno ng hinanakit n Turan ni Ken
"Nasa kinatatayuan ko ako ngayon dahil alam ko kung paano gamitin ang mga taong dapat gamitin! at matutunan mo rin yun sa paglipas ng panahon! sa ngayon gusto kong pumunta ka sa masquerade party ng anak ng Isang senador, magpanggap ka bilang si Cret!
"Paano kung ayoko?
masamang tinignan ang anak. "Wala kang magagawa kundi sundin ako dahil mahina ka! dalhin nyo na to s magiging kwarto nya at ayusan na! Turuan nyo ng dapat gawin nya yan dun sa party ha! ayokong makahalata silang nagpadala ako ng bastardo sa party ni senator! Turan nito, agad namang hinila ng mga lalaki si ken sa kwarto nito at binigyan ng pamalit na suit at gagamitin nitong maskara. "Tatawagin lng po namin ang mag-aayos sayo sir, magplit na kayo. Turan ng mga lalaki at lumabas n ng kwarto
"Ano namang gagawin ko sa party na to! Turan ni Ken habang hawak ang invitation card na nakita nya sa kama
"Kung magpakalayo layo kanalang kaya Ken? kesa ganito ka itrato ng sarili mong ama... Turan ni Brylle
"Sa tingin mo may choice ako? tama sya... mahina ako, lalo pa at may tao kong gustong protektahan.. Turan ni Ken
Napabuntong hininga nalang si Byrlle dahil sa sitwasyon ng kaibigan ng mapansin ang hawk nitong invitation card na kahawig ng invitation nila Brix kaya agad nya iyong kinuha upng makasiguro. "Ah...ken, gusto mo ng tulong? Turan nya dito
"Wag na baka madamay ka pa.. ako nalng bahala sa ama ko.
"Hindi yun.. itong party, gusto mo ako umattend? hindi namn nila mahahalata kasi nakamaskara naman! ano? payag ka? Turan ni brylle
"Ayokong umattend pero sigurado ka Brylle? ano bang meron dyan sa party na yan at gusto mong pumunta?
"Nandito rin kasi si Brix! ano? sige na.. ako nalng attend!
"Okay.. pabor sakin yun, ayoko naman talagang pumunta dyn.
Dahil sa napagkasunduan ay si Brylle ang nagsuot ng suit nito at sapatos, pagdating ng mag-aayos kay Ken ay agad nila itong kinausap na higpitan ang Tali ng maskara upang hindi madaling matanggal, dahil hindi nito kilala ang mukha ni ken at tanging pangalan lang ang alam ay madali nilang naloko ito ng sabihin ni Brylle na sya si ken.
"Ah.. miss, padagdagan pa ng Tali, higpitan mo pa yung tipong kahit hilahin hindi matatanggal. Turan ni Brylle
"Okay sir.
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...
