My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 6
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_______________________________________
Brylle pov
Nanginginig ang mga kamay ko habang nakaluhod sa harapan ko ang isang lalaki at humihingi ng tulong. Sabi nya isa siya sa mga naoperahan ko at tuluyang gumaling noong doktor pa ako, nagpakilala syang Harold."Nakikiusap ako doc.. parang awa mo na, iligtas mo ang kapatid ko, alam kong kaya mong gawin yun dahil napatunayan ko iyon ng minsan akong malagay sa panganib at Ikaw nng mag opera sa akin.. doc Brylle.. tulungan nyo po kami..
Kanina lang ay may mga rebeldeng humarang sa amin ni manong Entong sa kalsada, hinayaan nilang makatakas si Manong Entong ngunit binihag nila ako. mabuti nalang nakita at nakilala ako ni Harold na kasalukuyang papunta ng bayan dahil may tama ng baril ang kapatid nito tinulungan niya akong makatakas sa mga rebelde at ngayon nga ay sya naman ang humihingi ng tulong sa akin.
"I'm sorry.. hindi na ako Isang doktor ngayon, ni hindi ko na nga magawang humawak ng scalpel
"Dok.. dalawang taon pa lang ang nakalipas kaya alam kong magagawa mo pa rin.. nakikiusap ako, Dok.. nag iisa lang ang kapatid ko na natitira kong pamilya, wala na kaming magulang.. pakiusap dok.
.
.
.
.
.Brix Pov
Habang mabilis akong nagmamaneho ay bigla akong tinapik ni Entong. sinabi nyang doon daw sila hinarang ng mga rebelde kaya bumaba ako, malayo layo na rin ang nalalakad namin ng ituro ni Entong ang mga rebelde na ngayon ay mga nakahandusay at sugatan."Hoy! Asan si Brylle! sipa ko sa isa sakanila
"hi-hindi ko alam! sagot ng rebelde, agad naman na uminit ang ulo ko at kinuha ang kutsilyo nito syaka iyon itinutok sa leeg ng rebelde. "Hindi ko na uulitin ang tanong ko! sasabihin mo ang nalalaman mo o isa isa ko kayong gigilitan ng buhay?!
Takot na nagsalita naman ang rebelde, "Ki-kinuha sila nila Harold.. malapit lang dito ang Kuta ng mga iyon.. a-ayon.. nakikita nyo ang usok na iyon.. Kuta nila iyon..
Sinipa ni Brix ang lalaki at naglakad na, "Dalhin mo ako dun Entong! wika ni Brix.
Mabilis ang bawat hakbang ko at halos tumakbo na si Entong para makahabol sa akin, malayo pa kami sa pinagmumulan ng usok ng magsalita si Entong, "Si-sir.. sandali po, ayun si Brylle.. turo ni Entong
Agad na nilingon ko ang itinuturo nito at nakita ko si brylle na kasalukuyang nakatayo habang may lalaking nakaluhod sa harap nito. lumapit ako kaya narinig ko ang pinag uusapan nila.
"Dalhin nyo nalang sya sa ospital, kung aalis na kayo ngayon maaring mailigtas pa ang kapatid mo Harold. wika ni Brylle
"alam kong alam mo dok na hindi na kakayanin ng katawan nya ang byahe.. nakikiusap ako Dok, may mga gamit dito sa Kubo at may nurse kaming kasama na maaring mag assist sayo.. minsan mo ng sinabi sa akin noon na isa kang doktor at tungkulin mong gawin ang lahat upang mabigyan ng panibagong pag asa ang pasyente mo at pamilya nito.. dok Brylle.. pasyente ang kapatid ko ngayon..
lalapitan ko na sana si Brylle ng hawakan ako sa braso ni Entong, "Sir Brix.. marahil hindi nyo pa alam ngunit isang doktor si Brylle noon, kinikilala sya bilang isang henyo na doktor dahil kahit baguhan at bata pa sa larangan ng medisina ay marami na syang nagawang impossibleng operasyon.. nagkaron pa sya ng palayaw na miracle doktor dahil sa reputasyon nya, kaya lang.. isang araw ay naaksidente ang kuya nya, grabe ang lagay nito at wala na talagang pag asa dahil sa natamo nyang mga sugat pero inoperahan pa rin sya ni Brylle. Alam ng lahat na impossible na itong mabuhay pero umaasa parin sila sa milagrong kamay na taglay ni Brylle ngunit sa pagkakataong yun, hindi nya nagawang iligtas ang pasyente nya.. ang kuya nya.. sobrang close silang magkapatid kaya malaking dagok iyon sakanya at alam kong sinisisi nya ang sarili nya sa ngyari, idagdag pang sya ang sinisi ng mga magulang at kamag anak niya.. Dahil sa ngyari ay huminto sa pagiging doktor si Brylle at muling nag aral patungkol sa negosyo dahil iyon ang utos ng mga magulang nya.
Hindi ako nakapagsalita matapos kong marinig iyon, bukod sa Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sisihin nya ang sarili nya ay hindi ko rin alam kung bakit kailangan nyang sundin ang mga walang kwenta nitong magulang..
Muli kong nilingon si Brylle at nakita kong naikuyom niya ang kamao nya kaya lumapit na ako at hinawakan sya sa magkabilang balikat nya. "Hindi mo kailangang gamutin ang kapatid nya kung ayaw mo.. wika ko, nagulat naman sya at agad akong nilingon at niyakap
Hinila ko na siya paalis sa lugar na iyon habang sumisigaw at umiiyak ang tinawag nyang Harold kanina, hindi ito tumitigil sa pagmamakaawa at ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Brylle sa tuwing sisigaw ito kaya tinakpan ko ng mga kamay ko ang tenga nya habang patuloy kaming naglalakad.
"Gusto ko siyang tulungan.. gusto kong operahan ang kapatid nya pero hindi ko kaya.. ni hindi ko na magawang humawak ng kahit anong surgical instruments.. umiiyak habang nakatingin kay Brix. "Pero gusto ko syang tulungan Brix.. Anong gagawin ko?
Hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko ng mga oras na ito pero isa lang ang sigurado ako, gusto kong tulungan si Brylle.. pinunasan ko ang mga luha nya syaka sya magiliw na hinalikan. "Kung gusto mo talaga sasamahan kita.. kahit ilang beses mong bitiwan ang hawak mo na pang opera wag kang mag alala dahil nasa tabi mo ako para saluhin iyon bago pa iyon mahulog.. Brylle, wala akong alam sa operasyon o sa mga gagamitin mo pero mananatili ako sa likod mo para maging lakas mo pag nghihina ka.. (hinawakan ang pisngi ni Brylle) alam kong kaya mo..magagawa mo..
tumango si Brylle at bumalik kami kila Harold, agad din nilang inayos ang Kubo at inilagay sa mesa ang lahat ng gagamitin nila, may isang nurse din silang kasamahan na naroon para alalayan si Brylle, habang ako pinagsuot din ng gloves, mask at hairnet kahit hindi ako tutulong.
Ilang beses na nabitawan ni Brylle ang scalpel at ilang ulit din nitong sinabing hindi nya talaga kaya pero sa twing susuko na sya ay ipinapatong ko ang ulo ko sa balikat nya at sinasabing kaya nya.. kakayanin nya para sa batang pasyente..
Makalipas ang ilang beses nitong pag-aatubili ay nagawa rin nitong buksan ang sugat ng pasyente, noong una ay halata ang panginginig ng kamay ni Brylle pero habang tumatagal ay naiibsan iyon, hindi ko maiwasang titigan si Brylle habang inooperahan ang pasyente dahil pakiramdam ko iba ang Brylle na nasa tabi ko ngayon at ang Brylle na nakilala ko.. seryoso ang mata nya at hindi nawawala ang focus s ginagawa.. napalunok ako ng ilang ulit at nakagat ko rin ng ilang ulit ang labi ko upang mapigilan ko ang sarili kong halikan sya. sobrang sexy at hot nya tignan habang nag oopera..
Ni hindi ko namalayan ang oras dahil nalilibang akong titigan sya, kung hindi ko pa narinig ang nurse na nagsabing, good job doctor, magaling ang ginawa mo ay hindi ko pa mapapansin na tapos na sila at umaga na pala.
binaba ang mask ," Sa-salamat.. nakangiting wika ni Brylle habang nakatingin sakin
Bigla ko siyang hinila at hinalikan, ilang Segundo rin tumagal ang halik namin at hindi pa sana matatapos kung hindi lang tumikhim ang nurse na kasama namin dun. pulang pula naman ang mukha ni Brylle na lumabas sa Kubo na iyon.
Halos mangiyak ngiyak naman ang mga taong nasa labas lalo na ng sabihin ni Brylle na malayo na ang pasyente sa panganib, wala ring tigil ang pasasalamat nila sa amin ni Brylle. naiilang ako sa pakikitungo nila kaya niyaya ko ng umuwi si Brylle.
Hawak ko ang kamay nya habang nasa byahe kami, napapangiti pa ako sa twing susulyapan ko ang himbing n si Brylle, para kasi syang baby kung matulog.. ang cute nya, malayong malayo sa seryosong Brylle na nag oopera kagabi, muli akong napangiti ng maalala ko ang itsura ni Brylle habang nag oopera.
Basta kasama ko si Brylle sa tingin ko magiging okay ang pananatili ko sa lugar na ito kahit wala pang signal ang cellphone. Magaan ang pakiramdam kong nagmamaneho at napangiti ng matanaw na ang malaking bahay nila Brylle pero agad ding naglaho iyon ng makita ko ang apat na sasakyan na nakaparada sa labas ng pinto ng bahay, syaka ko lang naalala ang ginawa kong paglabag sa napagkasunduan namin.
Sinenyasan ko si Entong na tahimik na lumabas ng kotse at ganun din ang ginawa ko, ayaw kong makita nila si Brylle.. hindi ko alam kong bakit pero gusto kong itago si Brylle sa lahat..
.
![](https://img.wattpad.com/cover/352293333-288-k757124.jpg)
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomantizmMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...