My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 10
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence_______________________________________
Brix pov
Nagpaalam na si Brylle sa mga Madre at niyaya nya akong mag puntang mall, habang nag iikot may iilan na lumalapit sa min lalo na kay Brylle at hinihingi ang cellphone number naming dalawa, tinatanggihan naman silang lahat si Brylle habang nilalampasan ko naman ang mga lumalapit sa akin syaka hinihila si Brylle"Pwede ba tigilan mo ang pakikipag usap sa mga hindi mo naman kilala! lahat ba ng lalapit sayo kailangan mong kausapin? nakakunot ng noo kong wika
"Lumapit sila at nagtanong ng maayos kaya pinapatunguhan ko rin sila ng Tama..
"Nagsasayang ka lang ng oras at laway sa ginagawa mo!
"Alam mo wala namang masama kung matututo kang makihalubilo at makipag kapwa tao. nakangiting wika ni Brylle
"Akala mo lahat ng makakasalubong mo at lalapit sayo pareho mo ng ugali? alalahanin mo sa mundong gingalawan mo marami ang mapang abuso at masasama... bawat tao merong halimaw sa kaibuturan ng puso nila. wika ko habang nakapamulsa at naglalakad
"Maari ngang iba iba ang ugali ng tao pero hindi naman lahat ng tao pareho mo eh.. syaka naniniwala akong lahat ng tao ay may kabutihan sa kanila, nagbabago lang yun depende sa kinalakihan nilang lugar at mga taong nakasama..
"Kahit ano pa matututo kang mag ingat! syaka..(natigil sa paglalakad at tumingin kay Brylle) Teka.. sinasabi mo bang masama ako sayo? baka nakakalimutan mo ilang beses na kitang niligtas!
ngumiti. "Ako Kasi yung ginawa mong halimbawa kaya Ikaw rin yung ginawa kung hlimabawa.
"Masyado nanaman ba akong mabait sayo?
"Binibiro lang kita.. lagi ka nalang kasi seryoso o kaya naka kunot ang noo. subukan mo kayang ngumiti kahit minsan lang Brix?
"Bilhin mo nalang ang bibilhin mo dito para makauwi na tayo, may gagawin pa tayo sa bahay.
napalunok. "So-sorry na, nagbibiro lang talaga ako.
Hindi ko na sya sinagot at nauna ng naglakad, ilang oras pa kami sa mall bago sya nagpasyang umuwi na, ramdam kong kinakabahan si Brylle habang nasa byahe, wala naman talaga akong planong gawin sakanya na masama, Hindi ko lang nililinaw sa kanya kasi natutuwa akong tignan sya.
.
.
.
.
Pagdating sa bahay ay pinababa ko na ang lahat ng dala namin kay Entong at pinasunod ko si Levi sa likod ng bahay, malawak kasi ang espasyo dun. inilatag ko ang binili kong mga Mat syaka hinubad ng jacket ko at sapatos."Ano pang hinihintay mo? tanggalin mo na ang sapatos mo at pumunta ka dito! wika ko kay Levi
"Ano bang gagawin natin? nagtatakang tanong nya kaya lumapit ako sakanya at tinanggal ang suot nyang jacket at sapatos, naramdaman ko pa ang paninigas ng katawan nya sa ginawa ko
"Ano ba sa tingin mo ang gagawin natin? psshh.. tuturuan lang kitang protektahan ang sarili mo! masyado ka kasing mahina, panu kung wala ako sa tabi mo? dimo naman iniisip na 24hours kitang babantayan at aalagaan?
ngumuso, "Inaalagaan mo ba ko? parang Hindi naman..
masamang tinignan si Brylle. "May sinasabi ka?
"H-ha? w-wala,
"Dito kana sa gitna!
"Ah.. kasi ang totoo nyan black belter na ako sa taekwondo. sagot ni Brylle na ikinakunot ng noo ko
"Sinong niloko mo?
"Totoo ang sinasabi ko..
"Talaga?! edi subukan natin!
Sinugod ko si Brylle, at dahil hindi ako naniniwala ay madali nya akong napabagsak at nalock nya ang braso ko, marami na akong nakaharap na mga magagaling sa pakikipaglaban at sigurado ako sa kilos nya ay totoo ang sinasabi nya, sinubukan kong umikot pero mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa braso ko kaya napangiti ako, dahil marami na akong karanasan kaya nagawa kong makawala sa kanya. "Mukhang totoo nga..
"Totoo naman talaga.. pinilit ako ni kuyang mag aral ng taekwondo para daw maprotektahan ko ang sarili ko at ang mga taong mahalaga sakin pati mahihina..
"Kung ganun, bakit hinayaan mong gawin ko sayo yun? ni minsan Hindi ka pumalag..
yumuko, "Nabigla ako sa ginawa mo.. diko akalain na gagawin mo yun.. isa pa, gusto ni mommy na makuha ko ang loob mo noon, kaya ayaw kong gumawa ng ikakagalit mo.
nagsalubong ang kilay. "Kaya ka mabait sakin dahil sa utos ng babaeng yun?
"Hindi namn dahil lang dun, sabihin na nating Mabait talaga ako kumpara sayo, syaka.. meron kasing kung ano sayo na Hindi ko maintindihan pero kusang humahakbang ang mg paa ko palapit sayo.. mukhang hindi ka gagawa ng mabuti pero kusang nagtitiwala ang puso ko sayo
"Pinagsasabi mo? (humiga) Sa susunod, Kapag may mananakit sayo unahan mo na agad! wag kang papayag na masaktan ka nila!
"Panu pala kung wala silang balak na saktan ako? tanong ni Brylle
"Ano ka bata?! stop being too innocent! basta unahan mo nalang kesa masaktan ka! wag mong hahayaang madehado ka! triple dapat ang sakit ng ganti mo sa kanila
"Hindi naman ako nag aral ng taekwondo para makasakit ng iba o makaganti..
"Hoy Brylle! kahapon kaba pinanganak? yung mga magulang mo at yung mga lalaki kanina, mga masasama sila at walang pakiilam sayo, sasaktan kalang nila kaya dapat inuunahan mo sila bago kapa masaktan.
"Hindi uso sayo ang salitang second chance noh?
"Second chance my ass! if you give a second chance then they will not give their best from the very start and just wait for another opportunity.
bumuntong hininga. "Bakit kaba ganyan? mukha namang mabait ang mga magulang mo sayo.. syaka ano bang akala mo sa mga tao? naturalisa na natin ang magkamali dahil hindi Tayo Perfekto! kaya nga binigyan din tayo ng puso para gamitin din natin.. ang mahalaga naman matututo tayo sa pagkakamali natin
"Bakit ang hilig nyong gamitin ang salitang, natural lang na magkamali kasi tao lang kayo? kaya nga may utak tayo para mapag isipan ng mabuti ang bawat hakbang!
"Bakit Ikaw ni minsan ba Hindi ka nagkamali?
ilang sandaling natigilan ako sa tanong nya. "Kaya ako nandito dahil sa isang pagkakamali.. pero hindi ko idinahilaan na nagkamali ako dahil tao lang ako! tinanggap kong nagkulang ako sa pag analyse ng datos kaya nagkamali ako at itong pamamalagi ko sa lugar na ito ang kabayaran ng pagkakamali ko.
"edi nagkamali Karin..
"Pero Hindi ako nagdahilan! nagkamali ako at kasalanan ko yun! yung mga nagsasabing nagkamali ako Kasi tao lang ako.. sila yung mga taong hindi marunong tumanggap ng mali!
bumuntong hininga.. "Pareho kasi tayong may point eh, ako naiintindihan ko yung gusto mong iparating pero Ikaw ayaw mong pakinggan yung mga sinasabi ko.
"Umakyat nanga tayo! nagdidilim na. wika ko at tumayo na.. nakakailang hakbang palang ako ng magsalita si Brylle
"Nagsisisi kabang napunta ka dito Brix? nakayuko nitong tanong
"Ayokong nagkakamali! pero.. Hindi na ako nagsisisi (tumingin kay Brylle) atleast nakilala kita dito..
bahagyang ngumiti, "Ako rin.. Hindi ako nagsisising binigyan kita ng second chance, atleast ngayon nalaman kong magugustuhan pala kita..
BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...