My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 33
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence/ Zale Harris_________________________________________
"Brylle! gumising ka! Brylle... rinig ni Brylle na Turan ni bright ngunit wala na syang lakas para ibukas pa ang mga mata nya, Anong ngyari sayo Brix?! buti nagawa kong maabutan ang kamay niya kung hindi malamang wala na si Brylle! muling Turan ni Bright, syaka kwenelyuhan ang kapatid, Gumising ka nga! Brix!
"B-Brylle.... sambit ni Brix habang nakatingin sa nakahigang si Brylle, ni hindi nya magawang ihakbang ang mga paa nya para lapitan ito, unang beses nyang makaramdam ng sobrang takot at sigurado syang Hindi nya malilimutan ang pakiramdam na yun, muntik na nyang mapatay ang nag-iisang tao na nilalaman ng puso nya.
"Dalhin nyo sya sa hideout, Turan ni Luke. agad na napalingon sila Bright dito. alam kong mahalaga sya sayo Brix pero may mga batas tayo na sinusunod,
"Hindi Ikaw ang magdedesisyon nyan Luke. Turan ni bright syaka nilingon si Brix, Ano sa tingin mo? pwedeng Ikaw na ang kumausap kay Brylle pag gising nya. Turan pa nya ngunit umiling si Brix, dalhin nyo sya sa hideout, kailangan nyang maimbistigahan. sagot nito na ikinagulat ni Bright. "Sigurado ka sa desisyon mo? alam mo ang ginagawa nila sa mga dinadala sa hideout Brix! di makapaniwalang turan ni Bright, tumango naman si Brix dito. "Ikaw na ang bahala sakanya Luke, wika pa nya at naglakad na palayo.
"Sigurado ka? pwede kong gawin sakanya ang lahat ng gusto ko para ma pa amin sya? manghang tanong ni Luke, "Ikaw Ang bahala muling tugon ni Brix na hindi na nag-abalang lingunin si Brylle. "Dalhin yan sa underground! rinig nyang sinabi ni Luke.
Pagpasok na pagpasok nya sa kwarto ay napaupo sya habang nakahawak ang mga kamay nya sa dibdib nya ng malakas na bumukas ang pinto at iluwa nun si Bright na galit na galit. "Ano bang ngyayari sayo Brix?! kilala mo si Luke, paano kung mapasama si Brylle sa gagawin nya? Turan ni Bright ngunit ni hindi sya pinansin ni Brix kaya sinuntok nya ito upang matauhan. Hoy! naiintindihan mo ba ang ginagawa mo?! gumising ka nga! hindi magdadalawang isip si Luke na saktan o patayin si Brylle! sigaw nya sa kapatid
"Anong gusto mong gawin ko?! sigaw ni Brix dito, Kanina...sobrang natakot ako ni hindi ako makakilos! sa isang iglap lang parang gumuho ang lahat.. hindi ko dapat maramdaman to Bright, maling nagmahal ako, dahil sa naramdaman ko kanina ginusto kong sirain ang lahat, sabihin mo tama bang maramdaman ko to? tama bang isakripisyo ko ang lahat ng pinaghirapan ko para sa lintik na puso n to! naguguluhan na sigaw nya kay Bright. Isa pa, sigurado akong may connection sya kay Uno dahil maskara nito ang suot niya kanina.. kaya sabihin mo Bright, bakit kailangan kong maramdaman to at magpakatanga sa taong walang ibang hinangad kundi ang pabagsakin ako at ang angkan natin?!
Hindi makapaniwala sa narinig na napabuga ng hangin si Bright "Ang sabihin mo duwag ka.. aminin mo na, natatakot kang harapin si Brylle dahil nasaktan mo sya at muntik na syang mamatay dahil sayo.. sa mga kamay mo mismo..natatakot kang baka nga may koneksyon sya kay Uno at isa sya sa nasa likod ng pagkawala nila mommy, Tama ba ako Brix? Turan ni Bright ngunit nanatiling tikom ang bibig ni Brix. Tandaan mo ang sasabihin ko sayo, pagsisisihan mo habang buhay ang desisyon mong ito kaya habang may oras ka pa, puntahan mo na si Brylle.. harapin mo at wag mong taguan ang nararamdaman mong yan dahil oras na tuluyan kang iwan ni Brylle, sa oras na tuluyan syang mawala sayo, sinasabi ko sayo, mas masakit pa sa nararamdaman mo ngayon ang dadanasin mo. payo ni bright at tinalikuran na si Brix para umalis. sa puntong iyon wala na syang magagawa pa para sa kaligtasan ni Brylle dahil may mga batas silang sinusunod at dahil partner ni Brix si Brylle kaya ito lang ang may karapatang pumagitna sa sasapitin ni Brylle. napabuntong hininga nalang si Bright at tinignan ang litrato ni Win sa phone nya. I'm sorry babe, wala na akong magagawa sa sitwasyon ni Brylle...
.
.
.
.
.
.Nagising si Brylle sa isang maliit na selda, nakakadena ang isang paa nya, masakit ang katawan na naupo sya at muling inalala kung pano sya napunta dun at naikuyom nalang nya ang kamao ng maalalang tinalikuran sya ni Brix sa oras na pinaka kailangan nya ito. "Hindi...boses lang ang narinig ko.. baka Hindi si Brix yun.. mahina nyang sambit, ngunit kahit pilitin nyang papaniwalain ang sarili ay alam nyang tinalikuran sya ni Brix, isang patunay lang na hinayaan sya nitong makabitaw sa railing ng balcony, kung hindi sya nailigtas ni Bright ay malamang wala na sya ngayon. Brix...ano ba talaga, sabi mo mahal mo ko... mahina nyang turan, ni hindi nya mawari ang nararamdaman nya dahil halo halong emosyon ang nanalgingibabaw sa kanya, may parte sa kanyang nais pagtiwalaan si Brix at nanalig na ililigtas sya ni Brix ngunit sa kabila nun ay naroon din ang takot na baka pinaglaruan lang sya nito at pinaasa.
"Gising kana. Ayoko sayo dahil isa kang balakid kay Brix pero hanggat maari ayoko namang kamuhian nya ako kaya makisama ka sana dahil nakasalalay sa mga sasabihin mo ang kaligtasan mo, bago tayo magsimula gusto kong malaman mo na maikli ang pasensya ko at dahil pumayag si Brix na dalhin ka dito kaya kahit patayin kita ngayon wala na syang magagawa. Turan ni Luke at umupo. ngayon umamin ka, bakit nasayo ang maskara ni uno? Turan ni Luke
"Nasa ospital si Cret Raybert kaya ang kaibigan ko dapat na si Ken ang papalit sa posisyon nya at dadalo sa pagtitipon na ito pero nakiusap ako sakanya na ako na Ang dadalo dahil alam kong nandito si Brix, Wala akong alam tungkol kay Uno o sa maskara, bukod doon. kalmado na sagot ni Brylle
Tumango si Luke sa sinabi nya, Hindi na kita tatanungin pa dahil alam ko na ang sagot, Turan nito at tumayo na, Pero...pasensya kana Brylle, kahit nagsasabi ka pa ng totoo ay Hindi nun maikakaila na isa kang balakid kay Brix kaya kailangan mong mawala, kahit pa magalit sa akin si Brix, pero Duda akong magagalit sya dahil sarili nyang desisyon na pabayaan ka. Turan nito at pinapasok ang apat na tauhan. gawin nyo ang gusto nyo sakanya pero wag nyo syang papatayin, may pagbibigyan pa ako sakanya, tandaan nyo, lahat ng gusto nyo pwede nyong gawin.. nakangisi n wika ni Luke bago tuluyang lumabas.
"Walangh*ya ka! sigaw ni Brylle at inihanda ang sarili, napatiim nalang ang bagang nya ng makita ang mga ngisi ng mga lalaki na iyon at naikuyom nya ang kamao ng sumipol ang isa, naglabas sila ng syringe at muling ngumisi. "Sisiguraduhin naming matutuwa ka sa gagawin namin.. tumatawapa nitong wika, ngunit bago iyon maiturok sa kanya ay nagawa nyang sikuhin ito at iturok dito ang syringe, sabay sabay na sinugod sya ng mga lalaki ngunit nanlaban sya hanggang mapabagsak ang apat, ngunit dahil hirap kumilos ay nagtamo sya ng mga sugat at nasaksak sya ng Isang lalaki sa tagiliran, nagawa nyang matanggal ang lock ng kadena gamit ang kutsilyo syaka lumabas sa kulungan na iyon, nakahawak ang Isang kamay nya sa pader dahil nahihirapan na syang maglakad ng diretcho habang ang Isang kamay nya ay nasa may sugat nya na patuloy ang pagdaloy ng dugo, dumidilim na ang paningin nya marahil ay dahil sa dami ng dugong nawala sakanya ng may maaninag syang Isang lalaki na palapit. "B-brix... mahina nyang sambit bago tuluyang mawalan ng balanse at bumagsak.
"Brix? sya na Ang dahilan kung bakit ka nasa ganyng kalagayan pero siya pa rin ang nais mong makita hanggang sa huli. Turan ni Ken at bihuhat ang walang malay na si Brylle.
"Ito na ang huli.. sa susunod na magkita tayo ay magkalaban na tayo. itago mo sya at wag hayaang makalapit kahit ang anino nya kay Brix dahil kung hindi, sisiguraduhin kong mabubura na sya sa mundo. Turan ni Luke. masamang tinignan sya ni Ken. "Ngayong patas na tayo, ilabas mo na si Phoenix at Heaven ng sa gayon ay mas makakilos ako ng maayos. sagot nya dito. natawa naman si Luke sa sinabi nito. "matinik ka talaga, Uno... Turan niya ngunit hindi na sya pinansin pa ni ken at nagpatuloy na sa paglalakad palayo sa lugar na iyon.

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomanceMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...