My Mafia boss Season 3
"Mask of death"
chapter 16
Bright as Brix Vachirawit Vespers
Win As Brylle Velence
Bright Vespers (Brix Brother)
Win/Levi Vespers (husband of Bright)
Angel Vespers (Bright's twin sister)
_______________________________________
Simula ng dumating si Brylle sa mansyon ng mga Vespers ay naging tila isang battle ground na Ang lugar na iyon, walang oras na hindi nagtatalo si Bright at Brix dahil kay Brylle, at dahil kinailangang umalis ng bansa ng mga magulang nila kaya minabuti ni Bright na doon muna sila ni Win mamalagi sa mansyon para mabantayan ang bawat kilos ni Brylle.
"Naiinis din ako sa pagpapanggap ni Brylle, pero bakit parang sobra naman ata si bright? tanong ni Angel kay Win,
Napabuntong hininga na Lang si Win habang nasa garden at nakasandal sa isang puno "Hindi ko rin alam, sumasakit na ang ulo ko kakaawat sa kanilang dalawa.
"Ano ba kasing plano ni Bright.. hay naku naman, dahil lang sa isang tao biglang gumulo ang pamilya natin.
tumango si Win habang nakamulsa at nakasandal parin sa puno, "Yeah.. para tayong may puzzle na kailangang ayusin pero kulang ang mga pyesa kaya imbes na maayos lalo lang nagugulo.. sagot nya kay Angel ng makita sa di kalayuan si Brylle, sumeryoso ang mukha ni Win habang nakatitig lamang dito kaya sinundan ni Angel ng tingin ang Tinitignan ni Win. "Bakit ka nakatitig kay Brylle? wait.. please wag kana dumagdag sa gulo okay? tulungan mo nalang ako sa pag-awat sa dalawa kong kapatid. wika ni angel
"I'm still thinking if I'm going to help him or be his enemy.. wika nya habang Hindi tinatanggal ang titig kay Brylle
"enemy? gusto mong magka world war 3? pwede ba Win, 2 crazy person is enough! hayaan mo na Ang titulong yun kay Bright at Brix, pwede?
Bumuntong hininga. "Yeah.. Tama ka, kaya kailangan nating malaman ang lahat sakanya para makausad tayo, mahirap gumawa ng plano kung hindi mo alam ang motibo ng kalaban mo.. sagot ni Win kay Angel
Kasalukuyan namang palapit si Bright sa kinaroroonan ni Win ng makita nya itong titig na titig kay Brylle, napakuyom nalang ang kamao nya habang masama ang ipinukol na titig kay Brylle.
.
.
.
.
.
Sa kabilang banda, malalim naman ang iniisip ni Brylle habang nakaupo at hawak ang litrato ni Win at ng Isang babae. Kanina noong tinulungan nya ang kasambahay na maglinis sa stock room ay may nakita syang libro at nakaipit ito doon. Simula sapul ay hindi kasama si Win sa plano nya, kahit magkalokoloko ang plano ay nangako sya sa sarili na Hindi ito idadamay. Dahil sa dami ng iniisip ay di nya namalayan na nasa likod na nya si Brix na masamang nakatitig sa hawak nyang litrato, mababakas ang galit sa mata nito, lalo pa at Hindi sya sigurado kung totoo ang nararamdaman ni Brylle sakanya o ginagamit lang sya nito.
"Brylle.. sa wakas ay sambit nya matapos ikalma ang sarili
Nagulat si Brylle kaya bigla nyang nailagay sa bulsa ang hawak na litrato at takot na lumingon kay Brix. "K-kanina kapa dyan?
"Hindi naman, Kakain na.. Tara na.
"Sandali Brix, pwede bang wag tayong sumabay sa kanila? I mean.. makakaaway mo lang si Bright dun..
"Kung ayaw nya ng gulo, tumihimik sya, as simple as that, dahil malabong ako ang iiwas sa laban na sinimulan nya. sagot ni Brix at hinila na si Brylle papuntang hapag kainan
++++ HAPAGKAINAN ++++
Halatang wala sa mood pareho si Bright at Brix kaya nag-iingat sa kilos sila Brylle dahil anumang oras ay pwede na sumabog ang isa sa magkapatid.
Pero halos sabay sabay natigilan ang mga nasa mesa ng nagkasabay sa pagkuha ng ulam si Brylle at Win, dahil dito ay nahawakan ni Brylle ang kamay ni Win, nagkatinginan pa ang dalawa at tipid na ngumiti si Win "Hawak ko na ang serving spoon, kaya kung okay lang ako muna ang kukuha ng ulam.. wika ni Win, agad namang namula ang mukha ni Brylle ng mapagtanto na hawak nya pa Ang kamay nito. "S-sorry.. sige, Mauna kana.. sagot ni Brylle na nginitian lang ni Win
"Why won't you choose a decent man? seriously, flirting Infront of the husband and his boyfriend. seryosong wika ni Bright habang masamang nakatingin kay Brylle
"Bakit Hindi mo pagsabihan ang asawa mong wag masyadong maging friendly? wait.. baka nagsasawa na sya sayo kaya ka nagkakaganyan. sarkastikong sagot naman ni Brix
Aawat na sana sila Angel ng biglang suntukin ni Bright si Brix kaya agad na tumayo sila Win at Brylle para awatin ang dalawa. "Stop it! Bright! saway ni win sa asawa
"Bitawan mo ko babe, tuturuan ko lang ng leksyon yang kapatid ko ng tumino! wika ni Bright
"Tama na sabi! wika ni Win
"Tama na din Brix nakikiusap ako.. pigil ni Brylle dito
Masamang tinignan naman ni Brix si Bright bago muling naupo at kumain, nag-aalangan namang muling umupo si Brylle habang nakatingin sa kamay ni win na nagdudugo dahil nasugatan ng awatin nya si Bright.
"Stop it.. wika ni Brix ng di inaalis ang tingin sa pagkain.
"Tumigil na nga si Bright.. kumain kanalang dyan Brix, please.. kahit minsan lang kumain naman tayo ng tahimik! wika ni Angel
Dahil nag-aalala sa sugat ni Win ay hindi maiwasan ni Brylle na sulyap sulyapan ang kamay nitong may dugo, na lalong nagpa-init sa ulo ni Brix "Sinabihan na kitang tumigil! sa pagkain kalang tumingin! galit na wika ni Brix kay Brylle
"S-sorry.. sagot ni Brylle.
Padabog na tumayo naman si bright at hinila si Win paakyat sa kwarto nila.
"Hoy Brix! alam mo namang sigurong you've crossed the line to win right? lalo na at nakikisama lang naman sya sa boyfriend mo. wika ni Angel ng tuluyan ng makaalis sila Win sa hapagkainan.
"I don't need his friendliness! wika nya at masamang tumingin kay Brylle. Lalo na kung namumula ang mukha mo sa simpleng pagngiti lang ni Win sayo! seryosong sabi nya kay Brylle
"OMG! Seriously! nagseselos ka kay Win? nababaliw kanaba Brix? ilang turnilyo ba ang natanggal sayo nung nasa probinsya kapa? nakikisama lang si Win sa boyfriend mo at kung bobigyan ng malisya yun ng boyfriend mo! hindi na kasalanan ni win yun! wika ni Angel syaka tumayo na at umakyat sa kwarto nya, agad nmang sumunod si Love dito kaya naiwan si Brix at Brylle sa mesa
"S-sorry.. mahinang wika ni Brylle pagkaran ng ilang minuto
"Sabihin mo nga, do you like win?!
"No! syempre hindi! ano ba yang iniisip mo?
"Siguraduhin mo lang Brylle dahil magkakamatayan kaming magkapatid pag nagkataon! teka.. baka yun talaga ang plano mo? sarkastikong wika ni Brix
yumuko si Brylle habang nagpipigil ng luha. "I like you Brix.. Wala akong gusto kay Win..

BINABASA MO ANG
Mask of death
RomansaMy Mafia boss Season 3 "Mask of death" Bright as Brix Vachirawit Vespers Win As Brylle Jimenez _______________________________________ Sypnosis What will happen when a soulless ace meets someone with a kind and genuine heart..? Brix Vespers, the ne...