memories

98 6 1
                                        

Maagang nagising si Brylle at dahil tulog pa si Brix ay dahan dahan syang lumabas at nagtungo sa terrace. 

"Kailangan ko na syang makausap.. mahinang wika nya sa sarili

"Sinong kailangan mong makausap? wika ni Win n kararating lang

Agad naman na napangiti si Brylle ng makita ito. "Bunbun! si Denice? asan sya?

"Wag si Denice ang pag-usapan natin.. napabuntong hininga syaka salubong ang kilay na liningon si Brylle. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? delikado ang pamilyang to Zale.. kung mangangako kang hindi kana magpapakita kahit kanino sa pamilyang to, tutulungan kitang makaalis dito.

"Hindi pwede.. pababagsakin ko ang mga Vespers!

"Ano bang ngyari sayo? bakit kailangan mo silang pabagsakin? tanong ni win

"Troy Harris.. naalala mo ba ang pangalang yun?

"Yeah.. para makaganti sa ginawa nya sa Lolo nila Bright at makuha ang boto nito noon. kaya pinabagsak namin ang pamilyang yun..

"Ginawa nilang pustahan ang buhay at kinabukasan ng Isang pamilya para saan? Sa sarili nilang pangalan? para maging sunod na mafia leader? 

"Anong koneksyon mo sa mga Harris?

"Ama ko si Troy.. itinago man nya ako ay naging mabuting ama naman sya sakin, lalo na si kuya green.. mabuti syang tao at wala sa isip nyang sundan ang yapak ni dad o ni kuya dim! pero pati sya pinatay ng mga Vespers!

"Pinabagsak namin ang pamilya nila pero hindi namin sila pinatay.. Wala kaming pinatay sa pamilya Harris.

"Si Brix.. pinatay nya silang lahat..  walang awa nyang pinatay ang pamilya ko Win! kaya gagantihan ko sya.. mata sa mata, ngipin sa ngipin

"Kung ganun, kalaban narin kita ngayon.. tumingin sa mata ni Brylle. Isa narin akong Vespers

"Wala akong planong idamay ka dito.. Pagnatapos ko na ang paghihiganti ko, umalis tayo dito, hanapin natin si Denice tapos mamuhay na Tayo ng tahimik at masaya gaya ng pangako natin noon..

"Tulad ng marami ng nagbago sayo Brylle, ganun din kmi ni Denice, Hindi na kami ang kuya at ate mo noon na handa kang ipagtanggol at alagaan sa bawat oras.. Hindi na rin tulad si Denice noon na handang bantayan ang likod ko habang nakikipaglaban ako dahil isa narin syang baliktarang talim na walang pakiilam kung sinong masusugatan nya basta manalo lang siya... malungkot na ngumiti at muling tinignan sa mata si Brylle. Alam kong nangako ako noon sa inyong proprotektahan ko kayo at mananatili ako sa tabi nyo kahit Anong mangyari, pero tulad ng pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang puso ng tao Brylle.. I'm sorry pero, bukod sa ilayo ka sa lugar na ito, Hindi na kita matutulungan pa..

"Hinanap nyo man lang ba ako ni Denice? naalala nyo man lang ba ako? nakayukong wika nya. gusto kong malaman dahil ayokong magalit sayo Win.

Tumango tango. "Alam mo bang simula ng mawala ka na parang bula noon, walang araw na Hindi kami gumawa ng paraan para mahanap ka? hanggang sa tumuntong kami sa tamang edad para umalis sa ampunan, naging agent pa nga kami para mahanap ka, isang araw bumalik si Denice galing ibang bansa at sinabing nkita ka na nya.. high school kanadaw at mukhang masaya, maganda daw ang paaralan na pinapasukan mo at may sarili kang kotse, marami ka din daw kaibigan.  kinuhaan ka nya ng litrato pero hindi na ako nag-abalang tignan yun..  Para saan pa? maayos na Ang buhay mo noon at mukhang Ikaw Ang unang lumimot samin kaya sabi ko kakalimutan nalang din kita.. Simula nun, isa nalang ang kapatid ko at si Denice yun, pero ilang beses nya kong tinalikuran dahil lang sa pag-ibig. kaya ako nagbago Brylle, dahil kailangan kong gawin yun para makalimutan ang mg pangakong mahirap ng abutin.. tayong tatlo? magakakaiba na tayo ng tinatahak na daan.. 

Mask of deathMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon