55

108 2 0
                                    

BRIEL'S POV

"So you mean she hates books?" Nagtatakang sambit nito na kinatango ko.

Habang iniisip ko pa nga lang ang itsura ng kapatid ko kapag nag-uusap kami tungkol sa mga librong binabasa ko ay napapatawa pa rin ako.

Nakangiwi kasi ito lagi or hindi kaya papatigilin ako nito at ngunguso ito bago sasabihin ang mga salitang pwede bang pagkain na lang pag-usapan natin?

"Oo, kaya nga kapag may mga assignments siya sa school nagpapatulong siya sa akin at ang lagi niyang rason, ay ang hirap daw magbasa! Though hindi naman big deal sa akin pero ang cute niya lang tingnan pag nagmamakaawa siyang pagbigyan ko ang hiling niya," sambit ko habang nakangiting pinagmamasdan ang tanawin sa labas kung saan kita ko pa rin ang pagpatak ng ulan pero hindi na iyon tulad kanina na sobrang lakas, medyo humihina na iyon.

Siguro maya-maya ay makakauwi na kami sa mansion nila tito. 

"At sa aming dalawa mas palangiti siya, mas malambing at mas may paninindigan. Tanda ko pa noon nang minsan ay nakagawa ako ng mali ay siya ang sumalo ng parusa." Kahit nga ngayon na lumaki na kami ay siya pa rin ang may ganang umako ng bagay na dapat ako ang gumagawa. 

Kahit buhay niya ay kaya niyang isakripisyo para sa mga taong mahal niya. At 'yun ang hindi ko kayang gawin.

Hindi ko kayang maging matapang kahit para sa sarili ko.

"May mga araw na napaka iyakin nito. At may mga araw naman na sobra-sobra kung mang-asar kaya nga minsan naiinis din ako sa presensya niya pero sa huli napagtanto ko na sobrang swerte ko pala na nagkaroon ako ng ate na tulad niya." Sa lahat kasi ng bagay ay mas naging mapagbigay ito. Hindi nito hinayaan na ako lang ang makakaranas ng hirap at sakit dahil kaya nitong gawin ang lahat maprotektahan lang ako.

At nagsisisi ako sa lahat ng pagkukulang ko rito. Minsan naiisip ko pa rin na paano kaya kung hindi ko inisip na puntahan si Rohws? Masaya kaya ang ate ko ngayon?

Paano kaya kung ako na lang ang nawala?

"How about food—" biglang nagningning ang aking mga mata sa narinig kong tanong ni Rohws at ni hindi ko na ito pinatapos na magsalita dahil agad na akong sumabat.

"Napakahilig niya sa sweets samantalang mas type ko ang spicy foods. At mas sporty siya sa akin habang mas prefer ko 'yung tipong andiyan lang sa tabi-tabi. Isa pa mas sanay rin si Zey sa mga atensyon ng tao kaya nga laging mas gusto ng mama ko noon na dalhin siya kaysa sa akin. Naalala ko pa nga na minsan na rin niyang iniyakan 'yung nasirang bulaklak sa harap ng hardin namin kaya sa sumunod na araw kinailangan kong magtanim ng panibago para hindi na siya malungkot." Napalingon ako kay Rohws at nagulat ako nang makita kong matamang tinititigan niya ako na para bang ngayon niya lang ako nakilala lalo.

At kung kanina ay para akong isang estranghero ngayon ay para bang may kumikislap sa mga mata nito na hindi ko mapangalanan.

"Hindi ko inaasahan na hindi pala siya mahilig sa libro. Sa pagkakaalala ko kasi mas gusto niyang tumatambay sa library noon." Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ko ang katangahan na ginawa ko.

Bakit hindi ko naisip 'yun? Bakit sa kagustuhan kong magkwento ay may mga maling impormasyon akong hinayaan na dumulas mula sa aking bibig?

"T-Talaga? Hindi ko ineexpect na nagbabasa rin pala si Zey." Nag-aalangan na sambit ko bago ko iniwas ang aking mga mata mula sa mapanuring tingin ni Rohws.

Bakit ko ba nakalimutan na may mga ugali ako na hindi ko nagawang palitang nang nagpanggap ako bilang si ate?

Now how can I escape from this?

Secrets (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon