kamusta ka, binibini?

9 0 0
                                    

kamusta ka, binibini?
alam kong naghirap ka,
pasensya na't ngayon lang ako nakapag tanong—
kung kelan di kana makakasagot.

kamusta ka, aking munting pagsisisi?
tila parang kahapon lang tayo'y nagsasaya.
pasensya na't ngayon ko lang napansin—
kung kelan huli na ang lahat.

kamusta ka, aking sarili?
ilang araw na ang nakalipas, simula nang nawala ka.
hindi ko alam paano ka maibabalik—
sapagkat hindi naman kita kilala.



A/N
LETSSSS GOOOOO I LOVE THISS SO MUCHH i submitted this poem for an activity in school

Dazed OffWhere stories live. Discover now